CHAPTER TWENTY-THREE

2K 96 10
                                    


***
"bakit Aurora's ang ipinangalan mo sa restaurant? is it your ex name?"

gusto tuloy'ng matawa ni Rikki sa paraan ng pagtatanong ni Maan sa kanya. halata ang selos sa tono nito. it's 5:00 in the morning,both of them are awake after making love countless times the other night. they're still on the bed, snuggling.

"hindi. I never had any steady relationship before. well----i gave my resto that name dahil sa fascination ko sa Northern Lights dati. nakapagbakasyon kasi ako sa Iceland years ago at talagang namangha ako sa Aurora Borealis doon. so nung bumalik ako,i decided to name my first resto branch after that natural phenomenon. yun."

tumango naman si Maan at binigyan sya ng mapusok na halik. agad nya itong tinugon sabay paibabaw dito. kinapa nya ang pagka-babae nito at napangisi sya ng madamang namamasa itong muli. Maan's bud is still swollen but Rikki didn't mind it and parted the sexy lawyer's legs and thrusted in deeply.

they spend the rest of that early morning loving each other....
******************

the tiny rays of sunshine touch Rikki's cheek, waking her up again. she felt goddamn tired, at nakapikit na dinampot ang smartphone. napahikab at kakamot-kamot sa ulong tiningnan nya ang oras-just to be surprised na 8:30 na ng umaga.

thirty minutes na lang bago magbukas ang restaurant nya. nilingon nya ang katabi na mahimbing pang natutulog. dumukwang sya at kinintalan ng halik ang noo nito.

"hey, Maan. wake up sleepy head." aniya dito. nag-unat ito at humikab. Maan look up to her with drowsy eyes.

"I have to go, mahal. kailangan ako sa resto. don't worry, dito ako didiretso pagkatapos. alis na 'ko, ah? mag-iiwan ako ng makakain mo sa dining." wika nya.

nakangiting tumango ito muling nagtalukbong ng kumot. she hopped off from the bed at pumunta sa banyo. she took a quick shower. sinuot nya ang kanyang mga damit at bumaba. pinagluto nya ito bago sya umalis.

"keep your eyes open sa paligid. lagot kayo sa 'kin 'pag may nangyari kay Maan on your watch." banta nya sa mga tauhan. tumalima ang mga ito sa utos nya.
***********************

habang binabagtas nya ang kahabaan ng high-way, napasulyap sya sa side-mirror ng kanyang motor. may isang gray na kotseng 'di nya matukoy ang modelo ang nakasunod sa kanya. at sigurado syang hindi iyun sasakyan ng kanyang mga bodyguards.

may orders na ang mga itong huwag syang buntotan. humigpit ang hawak nya sa handlebars ng bigbike. pinasibad nya ang kotse at lumiko sa Calle Encantador. dito na sya naalarma ng sinundan pa rin sya ng kotse.

"bakero! ano bang trip ng mga 'to?!"

dumaan sya sa mga makikipot na eskinita na tanging motor lang ang makakapasok. pero ang mga ulupong, bigla na lang syang niratrat ng mga magkakasunod na putok. the bullets whizzed past her making her cuss bigtime. nausal na yata lahat ng pagmumura ng ayaw pa rin syang tigilan ng mga pesteng ito.

nasagasaan pa nya ang mga drums ng basura kaya nagkalat ang mga ito sa semento. bigla syang nawalan ng kontrol sa kanyang bigbike dahilan upang sumemplang sya at tumilapon. Rikki winced in too much pain sa lakas ng impact ng kanyang pagbagsak.  


the intensity of her fall nearly took the air out of her lungs. thankfully, kumpleto ang kanyang riding gears kaya wala syang natamong seryusong mga sugat, maliban sa sakit ng kanyang likod, pigue at balakang. hirap syang itayo man lang ang sarili.

dinig pa rin nya ang mga tunog at kalansing ng mga bala. the gunfire is still there, pero batid nyang tila may kumakalaban na sa mga salot na umambush na naman sa kanya. she'd bet her one year income tax na kalahi ng mga ito ang nanambang sa kanila ni Maan dati.

pero p*ta lang. bakit? ano bang gusto ng mga demonyong ito at masyado atang atat na ma-todas sya?

she tried the best she could to get up, pero kumikirot ang likuran at balakang nya. nasuntok nya ang semento sa sobrang galit. she hated being weak like this, lalo na't 'di naman sya lampa at mahinang tao.

she could fight. kung mano a mano lang, kaya nya ang mga yun. pero ibang usapan na kapag may involve na barilan. napuno ng usok at amoy ng pulbora ang buong paligid bago nawala ang gantihan ng putok.



akma nyang tatanggalin ang helmet ng may pumigil sa mga kamay nya. ito ang humawak sa ulo nya at may inilagayng malambot na bagay sa ilalim.

"don't move. lalapatan natin ng first-aid ang bandang leeg mo." anang stranghero. sinubokan nya kasing pigilan ang kamay nito dahil hindi nya ito kilala. dahan-dahan nitong tinanggal ang helmet at tinapon iyun sa gilid.

"basag na yun. hindi mo na magagamit pa."

sabi nito. hindi nya madetermina kung anong kasarian nito dahil nakasuot ito ng itim na bonnet. pero kahit nanghihina sya sa kumikirot nyang likod, natingnan nya ang mga mata nito. violet. the stranger got violet eyes.

"s-sino...sino ka ba? isa ka ba sa kanila?" tanong nya rito.

"I won't bother to lend a hand if i happen to be one of them." the stranger said non-chalantly. "just be quiet, Aragon. parating na ang 911 rescue dito. sila na ang magdadala sa 'yo sa ospital. for now---be still." anito.

wala na syang nagawa kundi ang kumalma. nilagyan nito ng improvised neckbrace ang leeg nya para masuportahan ang kanyang ulo.

"there. it's done." wika nito.


dahil sa neckbrace, 'di nya na maigalaw ang ulo ng husto, maliban sa mga mata nya. nakatunghay pa rin sa kanya ang stranghero.

"kung hindi ka nga isa sa kanila, sino ka ba talaga? b-ba't mo 'ko tinulongan?" tanong nya, without breaking eye contact. rinig nyang bumuntong-hininga ito.

"mahalaga ka sa kanya. masaya sya sa 'yo. at mas kampante akong ligtas sya kapag ikaw ang piliin nya keysa sa Menesis na yun."

sagot nito. mas lalo syang nagulohan. napaka-matalinghaga naman ng isang 'to. the strangers words are too profound for her to comprehend. then, the familiar siren of an ambulance is heard coming. kita nyang tumayo ito at akmang aalis nang pigilan nya ito.

"t-teka. hindi mo pa nasasagot ang----"

"24. sa ngayon yan lang ang identity ko na malalaman mo." sagot nito na mabilis na naglaho. the peculiar name sounded repeatedly in her head.

"24..." usal nya. kung sino man talaga ito---'di muna yun mahalaga sa ngayon. ang importante, tinulongan sya nito. may mga taga rescue 911 nang lumapit sa kanya at kinarga sya sa stretcher.
******************

nakasandal lang sya headboard ng hospital bed nya. ayon pa sa doktor na sumuri sa kanya, nagtamo sya ng minor abrasions. sumailalim na rin sya sa CT-SCAN at MRI para malaman kung wala ba syang injury sa ulo at katawan. hinihintay na lang nya ang resulta ng mga tests na iyun.

bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang kanyang ina. may dala itong mga prutas.

"lalabas na mamaya ang results ng tests sa 'yo. anak, ano ba talaga ang nangyari?"

ang puno ng pag-aalalang tanong nito. sinalaysay nya dito ang lahat, maliban ang tungkol sa misteryusong stranghero na tumulong sa kanya. her mother's stone-cold expression came back habang nakikinig sa kanya. wala rin itong reaksyon ng matapos sya.

"Okassan...may tumulong sa 'kin nung mangyari ang ambush. 24 daw ang pangalan nya. may kakilala ba kayong may ganung pangalan?" and she's surprised with her mother's abrupt change of emotion. nanlaki ang mga mata nito at parang biglang kinabahan.

"24? yan ang sinabi mo?" tanong nito. tumango sya.
"hindi.." anito na biglang umalis.
*******************

ang hilig nilang tambangan si Chef. batukan ko kaya ang mga 'to? hehe 😁

kindly leave a comment po sana. Please 🙏🐱

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon