CHAPTER TWENTY-NINE

2.9K 96 2
                                        


***
"bakit hindi ka nagpakilala sa akin noon? bakit pinaabot mo pa ng ganito katagal?" tanong nya rito nang magkausap sila nung nakaraang araw.

bumuntong-hininga ito at nakatanaw sa malayo. nasa malawak na balkonahe sila ng Aragon Estate Mansion.

"dahil yun ang tama at dapat gawin. kung nagpakita ako agad noon sa 'yo, mapapahamak ka lang lalo. the farther i was from you, the safer you are from them. maraming Romanov sa mundo kaya hindi nila malalaman na buhay ka---na ikaw ang anak ni Aunt Alexandra. they assumed you are dead...ganun din sila sa akin. pero nagbago yun nung lumalaki ka na. kamukhang-kamukha mo ang iyong ina. at unang nakapansin ang mga Menesis." anito. biglang binundol ng kaba ang puso nya.

"M-Menesis? sigurado ka ba?" masama ang kutob nya sa sinabi nito. sana'y mali sya. kahit pa'no ay may pinagsamahan pa rin sila.

"oo, Anja. the same Menesis that you're thinking at this moment. Andrew Menesis---younger brother ni Antonio. ang heir ng Maharlika Mafia Clan."

she was speechless. she had known Andrew since their college days. naging magkaibigan sila nito hanggang sa naging sila ng halos apat na taon. kilala nya ang pamilya nito at naging mabuti sila sa kanya. in fact, kliyente ng law firm nya ang ina nito.

"i have known him for so long. nagtiwala ako sa kanya. hindi ko akalaing... god.."

nahilamos nya ang mga kamay sa mukha nya. hindi nya na alam kung sino ba talaga ang totoo o nagpapanggap lang sa kanyang paligid. ramdam nyang tinapik-tapik nito ang balikat nya.

"tama na yan, Anja. ang mahalaga ay wala na kayong dalawa at malayo ka na sa kanya. ligtas ka rito kina Riki at Nikita. kakampi natin sila. tahan na."

pag-alo nito sa kanya. tinanggal nya ang mga kamay sa mukha at pinahid ang kanyang mga luha.

"bakit nila ako hinahabol? tungkol pa rin ba 'to kay Mama?" matagal nang pumanaw ang kanyang ina. ano pang gusto ng mga ito sa kanya?

"unfortunately, hindi na ito tungkol sa iyong ina. ikaw na talaga ang hina-hunting nila...at ang naka-ukit sa balikat mo."

nagtatakang napatingin sya dito.

"I knew you're wondering how come na may alam ako. pinsan mo ako, Anja. I saw that mark when you were a child. yet it's not a birthmark like you thought it was. yan ang dahilan kung bakit ka nila tinutugis."

paliwanag nito. nanghihinang napasandal sya sa upuan. isa na namang tila mystery unlocked sa magulo nyang buhay. dang. ano pa ba ang hindi nya alam?

"bakit? ano bang meron dito? para lang namang tatoo ito na mukhang barcode. why would they go after me with this?"

"dahil hindi lang basta mukhang barcode yan, Maan. katumbas ng QR o EYP Code sa panahon ngayon. sa bawat itim na guhit na andyan sa balikat mo, may mga fibre-optic like binary codes na naka-embedd sa loob. at ang mga codes na yan kapag napunta sa maling mga kamay at masasamang budhi---manganganib ang mundo." anito. nanlaki ang mga mata nya. gracious. how can a tatoo like this ruin the world?

"anong mga codes ang andito sa balikat ko? grabe. wala na 'kong maintindihan. ang gulo..."

may kinuha itong isang tinuping papel. binuklat nito iyun at nilapag sa mesa.

"a-ano yan?" tinitigan nya ang naturang papel na halata ang kalumaan sa tekstura nito. hindi ito ganun kalaki, parang mapa lang.

"yan ang original copy nang legendary treasure chest ng nasirang Russian Empire--- mula kay Nicholas II, ang huling Czar ng bansang pinagmulan natin. Anja, tayo ang huling salinlahi ng mga Romanov. napatunayan iyun noon kaya naging magulo ang buhay natin dati. nakuha ng iyong ina ang diary ni Duchess Anastasia. dun nanggaling ang codes na inukit sa iyong balikat nang iyong totoong ama. at na-interes ng husto doon ang Mafia Group ni Volkov. at gagawin nya ang lahat makuha ka lang. kaya kailangang mag-ingat ka at wag ka nang makikipagkita dun sa kapatid ni Antonio. sana'y nauunawaan mo 'ko."

********************

magmula nung pag-uusap nilang yun, sa mansion ng mga Aragon na sya nanatili. trumiple ang seguridad sa buong solar at mas naging strikto ang mga nagbabantay sa kanila. kahit ang pagiging abogada nya, pansamantalang natigil.

even Rikki had the same fate. online na lang nito kinakausap ang mga tauhan sa bar at restaurant. she's starting to have cabin fever dahil nasa loob lang sya lagi ng napakalaking mansyon.

"pasensya ka na, mahal. naantala ang buhay mo at trabaho. wag kang mag-alala, lilipas din 'to. we'll get through this." wika ni Rikki habang yakap sya nito sa likod. sumandal sya dito.

"naiintindihan ko ang sitwasyon, mahal. para sa kaligtasan natin ang ginagawa nila. i think i could get used to this. ang importante, buhay tayong pareho. na andito ka sa tabi ko."

tugon nya. pinihit sya nito paharap at siniil ng halik. ikinawit nya ang mga braso sa leeg nito at tinugon ang halik ng mas mapusok. napungol sya ng pisilin nito ang maumbok nyang pang-upo.

she's busy savoring Rikki's hot and sweet kisses nang biglaan syang hinila nito padapa. napatili sya ng husto nang paulanan sila ng mga bala mula sa himpapawid---na galing sa isang helicopter.

nagkalasog-lasog ang glass windows at nakakabingi ang palitan ng apoy at tingga...
***************************

kindly leave a comment po sana 😊😊 please 🙏 salamat 🙂😊

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now