***
"anong gusto mong endearment natin?"
out of the blue nyang tanong dito habang malambing itong nakahilig sa kanyang dibdib. nasa kwarto sila nito, nanunuod ng korean movie na Il Mare.
"hmm...ang totoo, hindi talaga ako mahilig sa mga endearments. ni wala nga kaming tawagan ni Andrew---" sagot nito na biglang natigilan. nakakaunawang hinaplos nya ang braso nito.
"I...I'm sorry, Rikki." paghinging paumanhin nito sa kanya.
"ayos lang. nauunawaan ko. mahal---" 'di nya natuloy ang sasabihin nang halikan sya nito.
"give me time. pangako, i'll fix everything with Andrew." Maan said, looking up to her with that oceanic, soulful eyes. gone was the stoic, cold lawyer that she was. tumango sya sa mga sinabi nito.
"take your time. andito lang ako para sa 'yo. always." they snuggled closely to each other while continuing the movie. tumunog ang smartphone nya-and her mother's name appeared on the screen. she glanced at Maan then back to the gadget. she pick it up and turn it off.
"gomenasai, Okassan.."
alam nya at tyak nyang galit ito sa kanya ngayon. she understands where her mother is coming from. nag-iisa syang anak kaya mahigpit ito sa kanyang seguridad.
sya ang tagapagmana ng multi-billion conglomerate na pinundar ng mga magulang kaya ganun na lang ang pag-aalala nito, lalo na nung inambush sya kamakailan.
pero minsan, nakakasakal na ang pagiging overprotective nito. marunong naman syang dumepensa sa sarili, dangan nga lang at may baril na dala yung kamuntik nang dumale sa kanya. violating her mother's rules is the last thing she would do. pero mahal nya si Maan at 'di nya ito kayang pabayaan.
napahamak din naman ito kagaya nya at namumuhay ito mag-isa kaya mas delikado ang kalagayan nito. after the movie marathon, she prepared dinner for the both of them. she cooked pork binagoongan, pork adobo and crab khani na nagustohan ni Maan ng sobra.
her heart warms up everytime she sees the woman that she loves enjoying and savoring the dishes she made. masaya silang nagsalo sa hapunan nito.
palihim nyang kinontak ang head security ng ina at pinakiusapan itong magpadala ng mga MIB sa tahanan ni Maan. nung una'y tumutol ito, lalo na't loyal ito sa kanyang ina. pero nadala naman ito sa pakiusap nya kaya pumayag ito kalaunan.
mahimbing na ang tulog ng mahal nya at kampante syang ligtas ito. she planted a soft kiss on Maan's forehead saka lumabas ng silid nito. diretso sya palabas ng bahay at nakita nyang naka-poste na ang mga guards na pinadala nya.
"be vigilant and watchful. mananagot kayo sa 'kin kapag may nangyari kay Attorney Mondragon."
ang mariin at mahigpit nyang bilin sa mga tauhan. yumukod ang mga ito bilang paggalang at pagsunod sa kanya.
"hai, young master. makakaasa po kayo sa amin."
"mabuti."
sagot nya na sumakay sa kanyang ducati bike. pagkasuot nya ng helmet, nilingon nya ang bintana ng kwarto ni Maan. she could see the faint glow of the lampshade from down here pero alam nyang tulog ito. nagbaba sya ng tingin at pinaandar ang motor. pinasibad nya iyun paalis sa bahay nito.
binabagtas nya ang kahabaan ng high-way papasok sa red light district ng Metropolis, ang Calle Encantador. at dahil gabi na, naglipana na ang mga tao sa paligid.
mga taong hanap ay panandaliang aliw at pansamantalang takas sa kanilang mga problema. two streets further at inihimpil nya ang motor sa kanyang alloted parking space. andito na sya sa harap ng elite bar na pag-aari nya. dumaan sya sa entradang para lang sa kanya at dumiretso sa kanyang opisina.
YOU ARE READING
Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGON
General FictionMaan Mondragon is ruthless and indifferent behind her seraphim-like face. ang mukhang hindi makabasag plato---pero nangwawasak pala ng mga pagkatao at puso. she's a nightmare... dressed like a daydream. a harmless butterfly that stings worst than a...
