CHAPTER NINETEEN

3.4K 118 3
                                        


***
ang nakakabinging ingay ng mga nagbabasagang salamin ang pumailanlang sa basement parking ng DC Towers. Maan screamed at the top of her lungs as Rikki shielded her from the onslaught of flying bullets. dumapa sila sa semento, hands on their heads. humagulhol sya ng iyak habang nanginginig ang buong katawan sa labis na takot at nerbyos. yakap sya ni Rikki ng mahigpit.

"hush, Maan. andito lang ako. hindi ka nila masasaktan..."

kahit pa alam nyang hindi sya nito pababayaan, hindi pa rin mawala ang takot na nararamdaman nya. itinakip nya ang mga kamay sa magkabila nyang tenga at nanatiling nakayuko. walang humpay ang pag-agos ng kanyang mga luha. umugong ang alarm ng gusali at 'di nagtagal, dumating ang mga gwardya ng condominium towers.

"dito! andito sila! tumawag kayo ng mga Pulis!"

sigaw pa ng mga ito. Rikki kept Maan close lalo pa't anytime ay mawawalan na ito ng malay. sinubokan nyang bumangon pero napaigik sya ng may tumusok sa palad nya.

"bakero!" she cussed loudly in pain.

napamura syang muli nang makita ang mga bubog na nakabaon sa mga palad nya. gumuhit doon ang matinding sakit at sumirit ang masaganang dugo. pumintig ang kanyang sintido at lumiliyo ang kanyang pakiramdam. her head is swimming and she starts to feel nauseus.

she never liked the sight of blood---even if that blood is hers. nasusuka sya sa mala-kalawang na amoy ng dugo. she felt sick to her stomach and cold sweat starts to moist her clothes. bumibilis na rin ang kanyang paghinga dahil sa pag-palpitate ng kanyang puso.

and she hated it. she hated the feeling of being weak and this f*cking phobia that's weighing her down. hindi ngayon ang panahon na magpadaig sya sa kanyang takot. Maan needs her. ngayong nanghihina ito---sya ang dapat na maging malakas. kaya kahit parang papanawan na sya ng ulirat, pinilit nya pa ring tumayo.

she needs to get the woman she loves out of here safely. her limbs are quivering as she tried so hard to get-up.

"M-Maan...h-halika na..." aniya na pilit itong inakay patayo.

"I...I can't..." anito na humagulhol ulit at nanatili sa pagkadapa sa semento. "m-make them go away please...please...."

parang pinipiga ang puso nya nang marinig ang pagsusumamo nito habang umiiyak. naiyak na rin sya sa awa para dito. para itong paslit na takot sa kulog at kidlat, sa dilim at karimlan--- malayo sa palaban at maangas na abogadang si Maan.

"alis na tayo. huwag kang mag-alala, andito lang ako. halika na..." pakiusap nya dito. pero talagang nanghihina ito at nanlalambot.

"Maan, please. we need to get out of here. halika na." she tried to pull Maan again, pero ayaw talaga nito. napapakislot sya kapag hinahawakan ito dahil bumabaon lalo ang mga bubog sa palad nya.

napahawak sya sa kaliwa nyang dibdib dahil halos hindi na talaga sya makahinga. nanlalamig na sya at di nya makontrol ang panginginig.

pills. she f*cking needs her goddamned pills.

sinubokan nyang kapain ang bulsa pero wala. her surrounding is spinning as faint sounds of hurried footsteps are approaching. then----it was darkness.......
**************************

the familiar scent of crisp cucumber is the first thing she smelled nang bumalik ang kamalayan nya. she's in her room. at 'di nga sya nagkamali pagmulat nya ng mga mata. napahawak sya sa kanyang sintido ng kumirot ito.

"gozaimasute that you're awake." it's her mother carrying a tray of tea. lumapit ito sa higaan nya at nilapag ang tray sa coffee table. nagsalin ito ng tsaa sa isang cup saka ito naupo sa tabi nya. "can you get up? inumin mo ito. para mawala na talaga yang nausea mo. sige na." anito. tumango sya at tinukod ang siko sa higaan saka dahan-dahang bumangon.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now