CHAPTER EIGHT

2.5K 99 3
                                    

***
"have a seat, Attorney. what would you like to have? sabihin nyo lang po."

alok nya dito. pinaghila nya agad ito ng upuan. mahahalata ang pagiging propesyunal sa kilos nito.

"i'd like to have pancakes if you have it. and plain orange juice." anito. agad nyang tinawag ang staff nya para ihanda ang mga gusto nito.

"so, what's this lawsuit that you want to file in court? that's what your Mom told me." sabi nito. pinagdaop nya ang mga palad sa ibabaw ng mesa at tumango.

"yes, attorney. the party concerned is one of my female employee. isa sya sa mga inaasahan ko dito sa restaurant dahil efficient sya sa trabaho. now-it so happened na may potential client kami na hindi nasunod ang demands kaya empleyada ko ang pinagbuntonan ng tantrums nya. na-down ang morale ng empleyada ko sa masasakit na salitang binitawan nung kliyente. hindi sya makapagtrabaho ng maayos kaya apektado ang operasyon ng negosyo ko." salaysay nya. desidido syang ihabla ang babaeng yun at turuan ng leksyon.

ibinaba nito ang hawak na digipen at tumingin sa kanya.

"may mga saksi ba sa nangyari at harapan ba ang kumprontasyon?" tanong nito.

"may mga nakarinig po ng pag-uusap nila dahil naganap ito sa telepono. nakita ng iba pang employees ang naiiyak na mukha ng operations manager ko. at Attorney, nai-record ng reciever namin ang pag-uusap nila. maaari po bang magamit yun laban dun sa kliyente?" tanong nya rito.

"it's up to the court to decide on that matter, Riki. kung papayag ang hukom, then maaari nating i-prisenta yun bilang ebidensya." sagot nito. nakaka-intinding tumango sya.

"okay po, Attorney." dumating na ang mga order nito. sinimulan na nitong kaininin ang fluffy maple-syrup laden pancakes nang may itanong ito sa kanya.

"where's your employee nga pala?" anito habang binubuhosan ng syrup ang isang layer ng pancake.

"pinagpahinga ko po muna, Attorney. magiging abala lang sya sa mga kasama nya dahil magulo ang kanyang isip." sagot nya.

"pwede mo ba syang papuntahin dito bukas? gusto ko syang makausap."

"opo, i'll let her report tomorrow. anong oras po ba?" tanong nya.

"9 AM. kailangan ko syang makausap para makagawa ako ng affidavit nya. pagkatapos nun, we could proceed to filing the case." anito.

"anong kaso po ba ang maisasampa natin laban sa kanya, Attorney?" uminom ito ng juice bago sya sinagot.

"depende yan kapag nakausap ko na sya bukas. i need to hear everything first, including the recording. naitago nyo ba ito?" anito. tumango sya.

"opo, nasa 'kin yung flashdrive."

"that's good." marami pa silang napag-usapan.

Atty. Maxine Minerva Gatmaitan-Marzan is their family lawyer. happily married ang abogada with five kids. ang nakakatuwa pa, dati itong homophobic na na-inlove sa isang butch lesbian. kasal ito kay Col. Lorcan Marzan.

nagpaalam na ito dahil may mga court trials pa itong pupuntahan. sya naman, bumalik na sa opisina nya. focused sya sa kanyang mga papeles nang tumunog ang call alert ng smartphone nya. isang unregistered number kaya 'di nya na pinansin. pero tumunog na naman ito muli na ikinairita nya.

so she shut her phone down. wala syang planong kausapin ang 'di nya kilala. gaya ng pinangangambahan nya, naapektuhan ang takbo ng operations dahil sa absence ni Aria. umabot na sa puntong sya ang gumanap sa duties nito.

mas lalong uminit ang dugo nya sa Anja Mondragon na yun. nang dahil dito, mas pursigido syang ituloy ang kaso. kung 'di nito pinagsalitaan ng ganun kasakit ang empleyada nya, hindi ito mawawala sa trabaho.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon