CHAPTER EIGHTEEN

3.9K 123 4
                                        

to @mhae1003
thanks for reading this story. God bless 😊
**************

World Trade Center is swarmed by people from all walks of life---but many of them are from the business, food manufacturing and culinary industry. sa labas pa lang, makikita na sa gigantic electronic billboard ang mukha ng mga tanyag at tinitingalang pangalan sa  larangan ng pagluluto--- kabilang na ang Executive Chef at Owner ng Aurora's Diner na si Rikki Aragon.

mapapatigil talaga ang mga dadaan at kinikilig ang mga kababaihan sa astonishingly good-looking na Chef. and Maan is probably the proudest of them all. naka-pwesto sya sa VIP area ng event, ang Madrid Fusion. tanaw nya mula rito ang kanyang minamahal na gumagawa ng live cooking demo na nagpahanga sa ibang spectators doon. ibang level ang culinary expertise nito na kahit gayahin o kopyahin man ng iba,hindi nila magawagawa. they can imitate Rikki---but they can never duplicate her.

"napagod ka ba? pahinga ka muna." sabi nya rito nang lapitan sya nito at tumabi ng upo sa kanya.

"nah. i'm used to events like this. don't mind me."

sagot nito, smiling wistfully. ang cute nitong tingnan kapag nakangiti dahil lalong lumiliit ang mga mata nitong singkit. lumalabas din ang magkabila nitong dimples, making Rikki more appealing to anyone's eyes. marahan at pabiro nyang pinisil ang pisngi nito.

"lunch na kaya. tikman natin yung niluto mo kanina?" tanong nya rito. pero ngumisi lang ito-ngisi na alam nya ang kahulogan.

"busog ako, Attorney. iba kasi ang gusto ko sanang kainin..." anas nito sabay kagat-labing nakatunghay sa cleavage nya. natatawang piningot nya ang tenga nito.

"awh! ansakit nyan, Maan!"

anito na hinimas ang namumulang tenga. nakangusong tiningnan sya nito.

"ang manyak mo kasi. kumain na lang tayo." aniya na hinawakan ang kamay nito at dinala sa buffet table. she's amused with Rikki's mumblings habang pumipili sila ng makakain. pinili nya ang clam chowder at cream of mushroom soup with garlic bread. paella at arroz negra naman ang kinuha nito na lahat, ito ang nagluto. masaya silang bumalik sa table nila nang may panirang dumating.

"well,well,well. look who i found here. so the infamous Rikki Aragon got herself a girlfriend. nice..."

Rikki put down her utensils and look at the creature plainly. standing near their table smirking like a dog is the wannabe chef and her self-proclaimed rival.

"oh. and you got yourself some nerve. amazing."

she replied sarcastically that wiped the smile off her nemesis' face. ramdam nyang nagsisimula na itong maasar.

"wala talagang kupas yang hambog mo, Aragon." sabi nito na nagtatagis ang bagang sa pagpipigil na singhalan sya.

"ganyan talaga ang buhay, Cassidy. meron talagang mga bagay na hindi kumukupas---gaya nang inggit mong ten years mo na yatang dala. try to move-on, you know. uso yun ngayon."

pangbubuska nya pa dito. Cheska Cassidy----ang kasabayan nya sa culinary school dati. isa itong lesbian na laging nakikipag-kumpetensya sa kanya mula pa noon. galit ito sa kanya dahil lagi nya itong natatalo. umabot pa nga sa puntong nagbayad ito ng danyos ng sampahan nya ito ng plagiarism years ago.

kopyahin ba naman nito ang orihinal nyang recipe. pinost nya ang recipe sa website ng Aurora's Diner at napag-alaman na lang nya kalaunan na inaantabayan lang pala nitong mag-post sya para makopya nito ang mga likha nya.

malas lang nito dahil alam ng mga taong sya ang orihinal at nauna. idagdag pa na patented at may intellectual rights na ang daturang dish kaya ang resulta----nagkandakuba ito sa pagbayad ng copyright infringement. at dahil nga sa nangyari, mas trumiple ang galit ng tibong ito sa kanya. may restaurant din ito pero wala halos guests dahil kahit simpleng pagluto ng kare-kare, palpak pa.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now