CHAPTER TWENTY-EIGHT

2.7K 102 0
                                        


***
"nagkaroon ka ng matinding lagnat at seizure nung dumating tayo sa Pilipinas noon. kinailangan kitang ipa-confine para malunasan kaagad ang karamdaman mo. at dahil tumakas tayo nun mula sa gulo sa New York, kinailangan kong palitan ang identity mo. hindi pwedeng matunton ng mga kalaban ni Kuya Takeshi ang kinalalagyan natin dati----at malaman nilang buhay tayo. kaya mula sa totoo mong pangalan na Kaori Miyuki- ginawa ko itong Rikki. at ang apelido ko naman ang dinugtong ko sa pangalan mo. halos isang buwan ka sa ospital noon kaya halos masaid din ang dala kong dolyares. pagkalabas natin, nagkaroon ka ulit ng seizures at nung gumaling ka na...wala ka nang maalala. nakalimutan mo na ang totoo mong magulang at ako na ang kinilala mong ina. at nung nakilala at ikinasal ako sa Papa Getulio mo---kami na ang tinuring mong mga magulang.."

hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang lahat. gusto nyang paniwalain ang sarili na hindi totoo ang mga nangyari----na panaginip lang ang mga ito.

na hindi sya anak ng isang dating Yakuza----at hindi nasawi ang ina ni Maan ng dahil sa pagprotekta nito sa kanyang ina. weeks after that mind-wrecking revelation, she chose to stay in her penthouse unit at DC Towers. mas pinili nyang dito muna manatili----para hindi mas tumindi pa ang tensyong nararamdaman nya.

wala syang kinikimkim na galit sa kinilala nyang ina. nauunawaan nya ito ng husto. kung hindi pa sila nakaalis ng amerika noon, malamang patay na sila ngayon. pero sa totoo lang--- hindi rin nya naiwasang makaramdam ng sama ng loob.

she deserves to know the truth and yet, sya ang huling naka-alam. yun bang alam na ng iba pero sya, hindi pa. in fairness to her mother, inunawa sya nito. binigyan sya ng oras makapag-isip at mapag-isa.

so she's here in the mini-bar of her unit, having shots of premium Jack Daniels with NE-YO's hitsong 'Mad' playing on the background. she's about to bottoms-up another shot of JD when her phone buzzed.

it is Maan.

she just stared at her phone's screen, undecided.

survivor's guilt is really eating her up. the woman that she loved was orphaned at a young age nang dahil sa kanya. namuhay itong mag-isa dahil sa trahedyang nangyari. kaya hindi pa nya ito mahaharap sa ngayon. nahihiya at nakukonsensya sya.

the call ended. she put down the shotglass and hop off from the high-chair. dinampot nya ang smartphone saka naupo sa couch. she turn the television on and watch Netflix. at tila ba nananadya--- Money Heist pa ang palabas. para bang sinasampal sa kanya ang katotohanan ng kanyang nakaraan. pinatay nya ang TV at sumandal sa sofa. muli na namang tumunog ang cellphone nya.

this time, it's an unknown number. wala sana syang balak sagutin pero tila determinado ang caller na mapasagot sya sa tawag nito. she irritably tap the answer button.

"what? and who the hell are you?" she answered indignantly.

(Maan is rushed to the hospital. she had an anxiety attack dahil sa biglaan mong pag-iwas. gather your balls, Nishida. or i'll break 'em myself. you choose.)

the voice on the other line said coldly. at parang natatandaan nya ang timbre ng boses nito.

"24? ikaw 'to hindi ba? what happened to Maan? at saang ospital?"

nagkukumahog na kinuha nya ang susi ng kanyang ducati bigbike at sinuot ang kanyang khaki leather jacket. binitbit nya ang helmet at patakbong lumabas ng kanyang unit.

(St. Lorenzo Ruiz Hospital, 3rd floor, room 57. bilisan mo. may lalakarin pa akong importante ngayon.)

then, dial-tone is heard. napapalatak na napailing sya sa isang yun. bloke siguro ito ng yelo nung past life nito kaya anlamig makitungo sa iba. whatever that is, 'di iyun ang mahalaga sa ngayon. kailangan nyang makarating agad ng ospital. ngali-ngaling ihampas nya ang helmet sa ulo nya.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now