***************pinihit nya ang katawan para sana bumangon. pero nakaramdam sya ng pagtataka ng may tila kakaiba sa kanya. parang ang hungkag lang, na para bang hubad sya. kaya nag-unat sya at minulat ang mga mata.
sumalubong sa kanya ang isang pamilyar naman na kisame. she's inside her exclusive studio pad---sa bar na pag-aari din nya, ang Leon Sangria. bumalikwas sya ng bangon pero nanlaki ang mga mata ng makitang may makinis at maputing braso na nakapulupot sa bewang nya.
"bloody hell!" she cussed the moment she saw her current state: wala syang ni isang saplot sa katawan at may strangherang babae na hubad din gaya nya, sleeping next to her. nahilamos nya ang mga palad sa kanyang mukha ng maalala ang nangyari kagabi. binaba nya ang mga kamay at tiningnan ang nahihimbing na babaeng nakayakap sa kanya.
one thing is for sure: may namagitan sa kanila last night. mabilis pa sa alas kwatrong umalis sya sa sofa at hinanap ang nagkalat nyang mga damit.
hindi maaari 'to. naloko na.
nang masuot nya ang mga saplot sa katawan, muli nyang tiningnan ang tulog na babae. uminit ang temperatura ng kanyang katawan nang masilayan in broad daylight ang nakakabaliw nitong kahubdan. nalunok nya ang laway sa tila anghel at dyosang pinagsama na nakahiga sa kanyang sofa.
parang purong gatas ang kutis nito sa sobrang puti at kinis. hanggang bewang din ang itim nitong buhok. 'di nya masyadong mabistahan ang mukha ng babae dahil nakatagilid ito. hindi nya ito kilala at malamang ganun din ito sa kanya. luminga-linga sya paligid, pero 'di nya makita ang hinahanap.
natampal nya ang noo nang mapagtanto ang lalim ng katangahan nya---wala syang suot na proteksyon nang makipagniig dito. bigla syang kinabahan ng sobra. kung wala syang proteksyon, naipasok nya dito ang lahat ng kanyang dagta.
anlaking gulo nitong pinasok nya. tyak na i-espadahin sya ng samurai ng kanyang ina kapag nakabuntis sya. hinanap nya ang mga damit nito at mabilis itong binihisan. sinulyapan nya ang estranghera at lumabas ng silid.
*****************nakita nya ang assistant manager ng bar na pag-aari nya at agad itong tinawag.
"yes po, Boss Rikki?"
anito ng makalapit sa kanya.
"huwag kayong pumasok dun sa kwarto ko hanggang mamayang gabi, maliwanag?" sabi nya dito. tumango naman ito. alam na nito ang ibig nyang sabihin, at alam din nito ang dapat gawin. matapos magbigay ng utos, tinungo nya ang security and monitoring room ng bar.
"Gabe."
tawag nya sa head ng security team. tumango lang sya dito at gaya ng assistant manager kanina, nakuha nito agad ang nais nyang iparating. binura nito ang mga CCTV footages nya na kasama ang strangherang babae. hindi sya nito dapat makilala kung may balak itong maghabol sa kanya.
"done, Boss." anito na nag thumbs-up sa kanya.
"good. tuloy lang sa trabaho."
lumabas na sya ng control room at muling napahinto sa tapat ng pad nya. marahil ay gising na ang stranghera. bumaba na sya at dumiretso sa parking area. pinindot nya ang alarm button at tumunog ang kanyang black ducati bigbike. sumampa sya dito at pinaandar.
pero 'di pa man sya nakakalayo, pinahinto nya ang malaking motor. tumunog ang incoming call alert ng smartphone nya at ang operations manager ng kanyang resto ang tumatawag.
"Aria? bakit?"
[Chef, papunta na rito ang celebrity couple na sina Lucas at Marian. kailangan na po kayo dito.]
BINABASA MO ANG
Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGON
RomanceMaan Mondragon is ruthless and indifferent behind her seraphim-like face. ang mukhang hindi makabasag plato---pero nangwawasak pala ng mga pagkatao at puso. she's a nightmare... dressed like a daydream. a harmless butterfly that stings worst than a...