CHAPTER THREE

2.7K 118 2
                                    


"Attorney, nagmamatigas po ang kompanya na makipag-cooperate kahit sa mga pulis. ginigiit po nila na natural calamity ang dahilan ng pagguho. eh nung nangyari yun, wala pa ang bagyo. tulongan nyo po sana kami."

salaysay pa ng tumatayong lider ng mga kamag-anak ng mga biktima sa pagguho ng minahan.

"don't worry, gagawan natin ng paraan yan. hindi sila pwedeng magpalusot para takasan ang pananagutan nila sa mga nasawi. i-file ninyo ang kaso asap." aniya.

"opo, Attorney. gagawin po namin." nakipagkamay sya sa mga ito saka sya umalis. may ibang mga kliyente pa syang pupuntahan. she's currently driving when her phone rang. pagtingin nya, it was Trixie.

"what now? I'm driving."

[well, i'd just like to remind you about the bridal shower. just in case tamaan ka na naman ng pagiging loner mo at 'di ka na naman sisipot.]

sabi pa nito.

"darating ako, okay? I'll hang up na." she tap the end-call button and turn her bluetooth off. tanaw na nya ang isang sikat na restaurant at pumarada doon.

Aurora's Diner. isang fine-dining michellin star buffet restaurant na nagse-serve ng mga inter-continental dishes. ito ang paborito nyang puntahan kapag ganitong nagugutom sya.

"Welcome to Aurora's! enjoy dining with us!" anang voiceprompt sa bungad ng naturang kainan. nilapitan sya ng isang staff.

"your table is ready, Attorney. this way po." giniya sya nito sa VVIP suite ng naturang restaurant. naupo sya sa high-back chair at nilapag sa mesa ang bag nya.

"would you like some champagne, Attorney?"

"yes,please. thank you."

she put the cloth on her lap and waited for the dishes she ordered in advance. bumukas ang pinto at pumasok ang mga waiters tulak-tulak ang isang food trolley. huminto sa tapat nya. binuksan nito ang mga silver trays at napapikit sya sa bango ng mga pagkain.

"here are your orders, Ma'am. for your appetizer, wagon wheel pasta in authentic california tomato paste with oregano and rosemary topped with resotto cheese." nilapag nito ang plato sa mesa. the dish looks enticing to the eye. "chicken skin flakes in pure coconut milk with coco flakes." dagdag nito.

"we'll serve your main course in a while, Ma'am. bon appetit."

yumukod ang mga waiter at lumabas. tinanguan nya ang mga ito at kinuha ang mga kubyertos. superb talaga ang mga luto sa kainang ito. pihikan sya pagdating sa pagkain at 'di sya basta-bastang tumatangkilik sa isang kainan kung hindi ito kilala at may magandang dining reputation. and Aurora's got her taste kaya dito talaga sya kumakain.

katatapos lang nya sa mga appetizers nang dumating ang main course.

"Ma'am, heres your main course." anang waiter na binuksan ang mga takip ng silver trays. "peri-peri chicken slow cooked in lemongrass broth and glaze with white sugar and honey. then, angus beef well-done steak with baby potatos, cherry tomatoes topped with gravy and garnished with broccolli, spring onions and parmesan cheese. bon appetit, Ma'am."

akmang aalis na ito ng pigilan nya.

"po? may kailangan pa po kayo?" tanong nito.

"yes. uhm, sino bang Chef nyo dito, if I may ask?"

matagal na syang parokyana ng restaurant na ito pero ni minsan, hindi pa nya nakita ang chef nitong restaurant. ni pangalan nito, 'di nya alam. normally sa mga ganitong sikat na resto, celebrity status ang Head Chef nila at madalas kung hindi man palaging nakikita.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon