***
pansin ni Aria na kanina pa masama ang tingin ng assistant executive chef na si Amara sa floor-to-ceiling glass wall ng VIP Suite. kita mula sa desk nya ang dalawang tao sa loob: sina Chef Riki at Attorney Maan.ang sweet ng dating ng kanilang Boss habang inaasikaso ang magandang dilag na abogada. nagtataka talaga sya sa kinikilos ni Amara. kulang na lang, tumagos sa babasaging pader ang matalim nitong mga tingin. hindi sila malapit nito, sa totoo lang. though na-appreciate nya ang pag-comfort nito sa kanya nung nagsampa sila ng kaso sa abogada dati.
honestly, she finds Amara bitchy. igkas pa lang ng kilay nito, halatang maldita.
"ue. sinong tinitingnan mo dyan?" napalingon sya sa nagtatanong.
"ikaw pala, Roi. may kailangan ka?" aniya.
"wala naman. kanina ka pa kasi parang may tinitingnan." puna pa nito. napatango naman sya.
"ah. yun ba? ano, si Chef Amara. kanina pa kasi masama ang tingin nya sa VIP Suite, lalo na kina Chef Riki at Atty. Maan. nagtataka lang ako kung bakit sya ganyan."
sagot nya. nagsalubong ang kilay ng lalaki.
"talaga ba? asan sya kung ganun?" tanong nito.
"ayun, oh." aniya, sabay turo sa nakatayong si Amara, 'di kalayuan sa kinauupuan nya. pigil ang tawa naman ng kasamahan nyang si Roi.
"natawa ka dyan." aniya dito.
"sorry. para kasing sira yang si Amara. daig pa nya ang guardia sibil kung makabantay kina Chef at sa guest nito. pathetic talaga ang babaeng yan. nagseselos nang wala sa lugar." palatak pa nito.
"selos? kanino? at tsaka, bakit naman sya makakaramdam ng ganun?" wika nya. Roi folded his arms on his chest, looking at Amara amusingly.
"nakakatawa lang kasi sya. alam mo---sa kusina kasi, laganap ang tsismis tungkol sa kanila ni Chef Rikki. na may secret affair daw ang dalawa at may something sa kanila. pa'no kasi, kung makaasta yang si Amara, daig pa ang jowa ni Boss Chef. kapag wala nga ang amo natin, para yang kung sinong reyna sa kusina. utos ng utos. kaya sya lang ang sentro ng huntahan ng ibang Chefs duon." salaysay pa nito.
'di sya makapaniwala sa narinig. may mga alam sya sa mga ganung tsismis, pero ayaw nyang makisawsaw. lalo na't tsismis lang naman ang mga yun. haka-haka lang.
"in fairness, maganda naman si Amara. may pagka-maldita nga lang." aniya.
"may pagka-maldita? nah. maldita talaga yan. pala-utos pa." sabi pa ni Roi. natawa naman sya dito. parang may pagka-malambot din ang isang 'to.
"hindi ka naman galit sa lagay na yan, Gilroi?" tanong nya rito. inikotan lang sya ng mata nito. confirmed. green-blooded nga ang isang 'to.
"Aria, hindi nakikipag-relasyon si Chef sa mga empleyado nya, no. sinabi nya yun mismo sa amin dati. kaya nangangarap lang ng gising ang trying-hard Chef na yan. kung ikukumpara sya dyan sa bisita ng amo natin, dumi lang sya sa kuko nung abogada, no. dyan ka na nga. babalik na 'ko sa kitchen." anito na umiimbay pa ang balakang habang naglalakad. dito na sya natawa talaga. bagay nga ito sa kusina----dahil isa itong malaking paminta. pagtingin nya ulit, nakaalis na si Amara sa kinatatayuan nito kanina.
******************matapos ilagay ang salsa sauce at jalapeno cheese sa tacos at nachos, sinunod nya agad ang fritata. na serve kanina pa ang mga thai foods at hinuli nya ang mexican.
"grabe. ang galing mo talagang magluto, Chef. ang sasarap lahat."
Rikki's elated with the beautiful lawyer's praise for her cooking skills. sanay na syang nakakatanggap ng mga papuri sa luto nya, pero mas nakakagaan sa loob ang dating kapag kay Maan nanggaling.
![](https://img.wattpad.com/cover/327780690-288-k62113.jpg)
BINABASA MO ANG
Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGON
RomanceMaan Mondragon is ruthless and indifferent behind her seraphim-like face. ang mukhang hindi makabasag plato---pero nangwawasak pala ng mga pagkatao at puso. she's a nightmare... dressed like a daydream. a harmless butterfly that stings worst than a...