Chapter One

653 16 2
                                    

Nasa labas na ako ng gate ng biglang umulan. Hala bakit namin ngayon pa? Wala akong dalang sasakyan since ang liit lang ng parking space dito sa university.

Ayoko naman magcommute dahil mababasa talaga ako at dala ko ang mga importanteng documents sa bag ko.

I fetched my phone that is inside my pocket and dialed a number.

"Hello po, pwede po ba pakihatid ng sasakyan ko dito sa school po?" Bungad ko kaagad ng masagot ang tawag. Nagsisiksikan na kami rito sa waiting shed labas ng gate.

"Okay hija. Mabuti at napatawag ka dahil papauwi na ako sa amin. Idadaan ko na lang ang sasakyan mo." Sagot naman ni Mang Atan.

"Salamat po." Binaba niya na ang tawag kaya binulsa ko na ang phone ko baka mabasa ito.  Wala akong pambiling bago.

I felt an arm brushing my clothed arm. Nakalongsleeve kasi ako, hindi ko na tinignan kung sino man iyon dahil for sure hindi ko naman ito kilala.

I was tapping my fingers in my lap habang naghihintay kay Mang Atan.

May sumiksik naman sa unahan kaya napaatras ako at natulak pa ako ng isang taga engineering kaya naman napalingon ako sa gilid ko.

My mouth went agape as her face registered in my sight. I gave her an awkward smile dahil napayakap pala ako sa kaniya.

"I'm sorry Miss Cardell." Inayos ko na ang pagtayo ko at pasimpleng siniko ang tumulak sa akin. Napalingon ang engineering student sa akin pero tinignan ko lang ito, hindi naman siya umangal kaya napatawa ako sa isip ko. Natulala pa nga.

"Can you scoot over Miss Fuentes? Nababasa ako rito." Ahg her voice, ang sarap palaging pakinggan. Pinagpalit ko agad ang posisyon namin. Ang kaliwang balikat ko ay nababasa na dahil nasa dulo na ako at walang roof na.

"I didn't tell you Miss Fuentes to switch with me. I told you to just scoot over." Maldita talaga. I looked at her at sinalubong ang nagbabagang tingin niya. No wonder why I like this woman. She has this eyes that can hypnotized my entire being.

"I'm sorry Miss, wala ng space kaya naman diyan ka na lang. Ayaw kong mabasa ka." May backpack siyang dala pero other than that wala na. Habang ako ay may clearbook akong dala-dala. Binigyan niya ako ng maikling tingin at umiwas agad ng magsalubong na ang mga mata namin. I will always admire her almond shape eyes.

"This act you are trying to pull won't let you help in my subject." Maang akong tumitig sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ako na nga ang nagmalasakit ako pa ang napagsabihan ng kung ano-ano. 

Natigil lang ang pagtitig ko sa kaniya ng may pumaradang sasakyan sa harapan. Agad ko naman itong nakilala. Bumaba na si Mang Atan na may dalang payong.

"Hija, maglalakad na lang ako sa amin dahil malapit lang naman ito dito. Susi mo, mag-iingat sa pagdrive." Bilin niya at binigay sa akin ang susi at ang extrang payong na dala niya. I smiled and thanked him.

Binuka ko na ang payong at umalis sa nagkukumpolang tao. I looked back to Miss Cardell na ngayon ay nakatingin din pala sa akin.

"Hatid na kita Miss." Aya ko at pinakita sa kaniya ang susi but she just stared at me. May mabuting puso naman ako kaya hindi ko kayang iwan na lang siya rito lalo't madilim na ang paligid. Delikado na ang panahon ngayon.

"No need." Ani niya at muli akong tinalikuran. Kaya nanatili lang ako sa pwesto ko. Hindi na ako nakipagsiksikan dahil may payong naman ako.

Nagdaan ang ilang minuto ay hinarap niya rin ako.

"Why are you still here Fuentes?" Malditang tanong niya. Nag-eye roll pa nga. Maldita talaga.

"Hintayin ko na lang pong makasakay kayo." Magalang kong saad. I also wanted to spend time with her. Kahit ngayon lang pagbibigyan ko ang sarili kong manatili sandali.

Intersected LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon