"Happy Teacher's Day Miss Mary. Nalimutan kitang batiin kanina." Sabi ko ng lumapit ito sa pwesto ko. My friends messaged me na umuna na silang umuwi. Kakatapos lang din ng dinner dito. Time na para sa mini party.
"Thank you dear, but I think may isang tao na gusto ka ng durugin. Dahil nalimutan mo man lang siyang batiin." Alam ko na agad ang tinutukoy niya napakamot ako sa leeg ko. Mamaya ko na siya babatiin kasi marami pang tao.
"Mamaya ko na lang po siya babatiin and your gift po baka this monday na lang. Hindi ko po alam na bumalik na kayo." She nodded her head and bumped my shoulder.
"Lakas ko talaga sayo." Nakangiti niyang usal habang hawak-hawak ang champagne niya sa kaliwang kamay.
"Pero saan po pasalubong ko? Diba sabi ko dalhan niyo ako ng snow?" Nagtatampo kong saad na ikinatawa niya. Kaya napatawa rin ako.
"Baliw, naging tubig na paglapag ng eroplano." Pagsakay niya kaya nagtawanan kaming dalawa.
"Excuse me Miss Mary can I borrow this cute student of yours?" Biglang sulpot ni Miss jersey number 13 sa harapan namin.
"Of course Miss Mitch." Tinaboy naman ako ni Miss Mary sa prof na Miss Mitch pala ang pangalan. I looked at her and she's really beautiful. Mas maganda siya kaysa kang Miss Cardell if it will be base in society's standard. Pero sa akin si Miss Cardell parin. She is the standard herself.
Naiwan kaming dalawa ni Miss Mitch na ngayon ay nakatitig lang sa mukha ko.
"May kailangan po kayo sa akin Miss?" Magalang kong tanong, I don't want to be rude but ayoko siyang makasama. Hindi ako komportable.
"You have a cute face, what's your name?" May pilyang ngiti na naglalaro sa kaniyang labi ngayon.
"I'm 13." Ay bobo.
"Sweetie don't be nervous when I'm around. Napaghahalataan kasi." She chuckled pero ano daw? Napaghahalataan na ano?
"I don't understand po."
"Oh playing dumb?" Ay sino ba itong prof nato. Diko matansya. She touched my shoulder, aalisin ko na sana pero may isang kamay na pumulupot sa waist ko at hinila ako.
"Miss." Utal kong saad. She's now holding my waist while looking at Miss Mitch.
"Hi Miss Mitch." Bati niya sa babaeng nasa harapan namin.
"Hi Miss Calissa. How are you? That was a good game." Ngumiti ito pero parang ang plastik ng dating.
"Yes it is. We won, of course that's a good game." May pagmamayabang na ngumiti si Miss Cadell. She looked at me with rage in her eyes. Ano namang problema niya sa akin?
"It was a good game kahit natalo kami at least I got this student's attention." Mayabang niyang sabi na nakatingin sa akin. Napalunok ako.
"You are good---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito muli.
"Yes I am good 13, kaya nga pumalakpak ka palagi sa team namin kahit CAS student ka naman." Di ba pwedeng nagustuhan ko lang yung pagpalo niya? Assuming naman nito.
"Yes, that was before I entered the game Miss Mitch. Excuse us." Agad niya akong kinaladkad palayo sa prof na iyon.
Nakalabas na kami ng gym. Sinalubong kami ng isang malamig na hangin.
"Do you like that professor?" Galit niyang tanong at mas hinigpitan pa ang paghawak niya sa akin. I stared at her eyes and there was one emotion I can name. Fear.
"No Miss, I don't." Pagtanggi ko dahil hindi ko naman iyon gusto. Dahil ang gusto ko ay nasa harapan ko na.
Napasambunot siya ng buhok at tumalikod sa akin. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para kunin sa backpack ko ang customized pen na pinagawa ko.
BINABASA MO ANG
Intersected Lines
RomanceA part time instructor with a major in Math. A student that aims to be a statistician. They were intersected by their faith in theorems and love in data. Will they be able to use the theorems that they've known and data that have been gathered to...