Chapter Seven

314 14 0
                                    

"What happened to your face Rain?" Kakabukas ko pa lang ng pintuan ng apartment ko yun agad ang napansin ni Ana.

"Hi." Bati ko sa dalawang kaibigan ko.

It's 8 in the morning at ang klase namin ay nasa alas dies trenta pa.

"Got slapped a lot of times by my aunt." Tinalikuran ko na sila at umupo sa sofa. Tumabi naman sila sa akin.

Jini cupped my face and caress it. Namamaga ito para akong binugbog.

"Papasok kaba ngayon?" Tanong ni Jinky at tumango ako.

"I'll wear a mask don't worry. Sabayan niyo na lang ako sa palusot na inuubo at may sip-on ako." Tumango-tango naman ang dalawa. Makikita sa kanilang mata na nag-aalala talaga sila.

"Wala narin akong kotse at cards. Binawa na ng tita ko." Nakikinig lang silang dalawa. Niyakap naman ako ni Jini habang si Ana ay hinahagod-hagod ang likod ko.

"Paano kana niyan? Balik ka na lang sa mama mo?" They know about my family situation. I shook my head.

I don't want to go back there yet. Masakit parin.

"No, I'll stay here. May ipon pa naman ako. I can still live for a year gamit ang ipon ko but after than that I need to work na to provide for myself. Although pinapadalhan naman ako ni Ate ng pera pero hindi iyon kalaki kagaya ng nakukuha ko kay Papa." Nanlulumo kong saad.

"We'll be here Rain. Hindi ka namin iiwan." Ana said and kiss the top of my head.

"I know. Thank you." I hugged them both.

Isang oras din kaming nagdramahan bag napagpasiyahan na lumakad na.

I'm wearing a dark blue pants partnered with white long sleeve at sinapawan ko ito ng gray hoodie jacket at nagblack mask narin ako.

Mukha akong may sakit. I think believable naman yung itsura ko ngayon.

"Mayor, anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ayos mo?" Tanong ni Genesis ng makapasok kami sa room. Sinenyasan ko si Jini na siya na ang sumagot.

"May sakit si Mayor kaya wag kayong magpapasaway sa kaniya ngayon baka bugahan kayo ng apoy." Napatawa naman kami sa sinabi ng kaibigan ko. Umupo narin ako sa upuan ko at ilang sandali lang ay nakita kong pumasok na si Ma'am Olinares.

Masakit parin ang pisngi ko buti na lang walang masiyado kaming ginagawa ngayon. Hindi sumasakit yung ulo ko.

"Mayor, bakit ka naka hoodie at ang init-init sa room niyo?" Tanong ni Ma'am na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"May sakit po si Mayor ma'am." Sagot naman ni Ana. But Ma'am Olinares just shook her head at umalis na. Tapos na pala ang klase namin.

"Bakit ba masiyadong mainit ang ulo ni ma'am sayo Mayor?" Chismosong tanong ni Lyle na hindi ko rin kayang sagutin. Dahil hindi ko naman alam kong bakit.

Nagkibit balikat na lang ako at tumayo.

"Sa labas tayo kakain." Ani ko sa dalawang unggoy na ngayon nakalabas na ang pagkain.

"Hephep, magtitipid ka na Rain kaya dito o sa canteen tayo kakain." Pagpigil ni Jini, napakamot naman ako sa leeg dahil sa pagkairita.

"Fine sa canteen na lang."

"You should get used to it Rain. Hindi kana mapera." Pang-aasar ni Jini sa akin at ginulo pa ang buhok ko. I don't like it when someone's touching my hair kaya naman sinamaan ko ng tingin si Jini pero nagpeace sign lang sabay takbo.

Napailing naman sa amin na nakatingin si Ana. Tumatawa ko itong inakbayan.

"What are you thinking?" Tanong ko sa kaibigan ko. Dahil pansin kong kanina pa ito nanahimik.

Intersected LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon