We were busy preparing for the event today. Na deliver narin ang mga bento cakes. Linagay ko lang ito sa room namin and kapag wala ng tao sa DMS office doon ko pa ilalagay.
Busy ang org namin dahil last minute ng sinabi hindi lang department namin ang maglalaro kundi kasama lahat ng mga professors sa buong unibersidad. Department vs. Department ang magaganap ngayon.
I've learned also na sumali si Miss Cardell sa voleyball. Siya pa nga ang libero nila. I don't know much about volleyball pero manonood parin ako dahil nandoon siya.
"Mayor, let's go. Nandoon na sila." Pagtawag sa akin ni Sheena. Tumango ako at lumabas na ng room. Natanaw ko sa baba ang napakaraming estudyante at professor doon sa open court namin.
Maglalaro ang volleyball dito sa university at ang basketball naman ay doon sa Tinago court. Malapit lang iyon sa University.
Dala-dala ko ang gatorade at tubig na binili ko kanina. Baka walang baon si Miss.
Nasa likod na kami ng bench ng Department namin. CAS vs. COT pala ang maglalaban. Palaban din ang taga COT kaya kahit first game pa lang ito ay tensyonado na agad.
Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko at mga taga CAS rin na estudyante. They are holding a banner for CAS. Napatawa ako, napakacompetitive naman.
Natanaw ko si Miss Cardell na papalapit sa bench na nasa harapan namin. Nagtama ang mga mata namin ngunit wala sa isa sa amin ay may planong magbawi ng tingin.
Akala ko uupo agad siya sa bench pero dumiretso siya ng lakad papunta sa direksyon ko. Napalunok ako sa kaba.
"Guard my bag." Malamig niyang usal at tinalikuran agad ako pagkatapos niyang ibigay sa akin ang bag niya.
Ever since nabangga ko siya kasama si El parang lumamig na siya sa akin. Palagi akong iniirapan kapag nagkakatitigan kami. Kung hindi ko lang alam na maatittude siya baka aakalain kong may tinatago siyang galit sa akin.
Nakaupo na siya ngayon sa bench nila. They have a coach at pinagsasabihan na sila ng tactics nila for the game.
Pumito na ang referee indicating na magsisimula na ang laro. Akala ko isa sa first six si Miss pero hindi.
Komportable lang itong umupo at nakat-shirt parin. Mukhang may jersey naman sa loob doon.
"Wag mong titigan masiyado. Manood ka naman." Sita sa akin ni Ana na hindi ko namalayan na katabi ko na pala. Napatss na lang ako at nanood.
The COT lead the score. Magaling nga. The number 13 na professor doon sa kanila ay magaling talaga. Palo lang ng palo. Kaya sa kaniya nakafocus ang tingin ko. Ang galing niya talaga.
Naramdaman kong may sumiko sa akin.
"Ano?" Asik ko kay Jinj na mayroong nakakalokong tingin.
"Wag kang papalakpak sa kabila. Traydor ka. May isang tao gusto ka nang patayin ngayon." May laman niyang sabi. Pero napakunot ang noo ko. Nagagalingan lang talaga ako sa professor na iyon. Ang sarap mamalo kasi.
Nangunguna ng tatlong puntos ang COT. Todo cheer ang mga tao. Tensiyonado talaga ang court ngayon.
Nabigla ako ng maghubad si ma'am ng t-shirt. Tama nga ako at may jersey ito sa ilalim. She's wearing their yellow jersey shirt, iba ang jersey niya sa kaniyang mga kasama and a yellow green jersey short. May numero itong zero.
Pinagtulakan naman ako ng mga kaklase ko at inaasar kay Miss. Mga baliw talaga.
"Go Miss Cadell."
"Prof namin yan."
BINABASA MO ANG
Intersected Lines
RomanceA part time instructor with a major in Math. A student that aims to be a statistician. They were intersected by their faith in theorems and love in data. Will they be able to use the theorems that they've known and data that have been gathered to...