Chapter Four

377 16 1
                                    

It's Saturday ngayon kaya NSTP lang ang subject namin which is only 3 hours in the morning. Apat lang ang pumili sa amin ng ROTC while the rest of us choose CWTS.

"Yor, ready na kami." Sigaw sa akin ni Yve tumango naman ako. Nandoon kasi sila sa van ko. Van talaga ang dala ko ngayon at nagdala narin ako ng driver para hindi hassle sa part ko.

Twenty four kaming lahat kaya patong-patong kaming uupo doon sa loob. Hindi naman masiyadong mainit siguro dahil may aircon naman.

Hinihintay ko pa sila Jini at Ana, nagcr pa talaga dito.

"Nice, nandito na kayo. Ako sa shotgun." Bungad ko agad ng makitang papalapit sila sa akin. But when they got nearer and nearer nakita ko sa likuran nila si Miss Cardell.

"Hi Miss Cardell." Pagbati ko pero tinanguan lang ako. Sungit baka gutom rin kagaya namin.

"Isasama namin si Ma'am, Rain para makabonding din niya ang block natin." Pag-imporma sa akin ni Jini kaya tumango na lang ako. Plano ko pa naman na hindi na mapalapit sa kaniya.

"Sa shotgun na tayo ma'am masikip doon sa likod kasiya naman tayong dalawa doon sa shotgun." Hindi siya nagsalita at nauna pang pumasok sa loob. At pumasok narin sila Jini at Ana. Ako na lang pala ang narito sa labas.

"Mang Atan sa SM po tayo. Dahil gutom na itong patay gutom kong mga kasama." Pabiro ko namang saad pagkapasok. Sinadya kong lakihan ang boses ko para marinig nila.

"Grabe makapatay gutom ka sa amin Mayor, ikaw ba hindi?" Rebut ni Lourdes. Tumawa naman sila. Mga sira talaga.

"Ikaw pa nga nagpasimuno na magdala ng pangluto roon sa room dahil malayo ang canteen. Gusto mo malapit lang ang pagkain." Panglalaglag naman sa akin ni Belle.

"Hoy walang personalan dito."

Puro bardagulan lang ang ginawa namin sa sasakyan. Tawa ng tawa naman si Mang Atan at minsan si Miss din. Pinagtulungan pa talaga nila ako.

Pagkapasok namin sa SM ay agad namin tinungo ang unlimited Samgyupsal dito. Hinayaan ko na lang silang mag-order ng kanilang gusto total dala ko naman ang card ko. Mang Atan didn't join us dahil may bonding daw sila ng pamilya rin niya dito sa SM kaya binigyan ko na lang siya ng pera pang pasyal.

Umupo na ako sa pinakadulong upuan. Nagulat ako ng tumabi si Miss Cardell. She was sitting with the boys kanina kaya nakakagulat na nandito siya sa gilid ko.

"Bakit ka lumipat ma'am?" Tanong ko sa kaniya pero tinaasan lang niya ako ng kaliwang kilay niya. Maldita talaga.

"Am I not allowed to?" Mataray niyang tanong. Ang pangit kabonding.

"No ma'am, sorry." Paghingi ko na lang ng paumanhin. She hissed and pabagsak niyang linagay ang bag niya sa gilid. Badtrip na naman ito.

Ilang sandali lang ay dumating na iyong pagkain namin. Nagsimula na silang magluto ng karne. Kaya heto ako naghihintay lang sa mga niluluto nila.

Nag-order rin kami ng Ramen kaya yun muna ang pinagdidiskitahan ko habang naghihintay sa karne na maluto.

Natigil ako sa paghigop ng sabaw ng ramen ng may maglagay ng beef sa bowl ko. I raised my head and saw Miss Cardell putting foods in my bowl.

"What?" Tanong niya ng makatitig ako sa kaniya. I can't really read her. O sadiyang illiterate ako pagdating sa kaniya.

"I don't eat beef po kasi." Yan lang ang nasabi ko dahil marami talaga siyang beef na nilalagay sa bowl ko.

"Oh my bad." Napapahiyang saad niya at pinagpalit ang bowl namin.

"It's okay po." Pampalubag-loob ko. I feel bad now dahil parang napahiya ko siya.

Intersected LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon