Chapter Two

539 19 4
                                    

"Good morning Mayor." Bati sa akin ng mga kaklase ko. Kay aga-aga napakahyper agad.

Umupo na ako sa upuan ko. Ito ang nasa pinakadulo. Ako rin ang nagplano sa seating arrangement namin dahil wala naman kaming adviser para gawin iyon.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko kay Ana na ngayon ay nagmumokmok. Wala pa si Jini na katabi niya. Katabi ko si Ana dahil nagpupumilit silang tumabi sa akin. Kaya nadadaldal talaga ako kahit may klase.

She gave me her phone and I looked at it. Isang picture ng babae.

"Hoy sino to? Hindi kagandahan." Ani ko naman at binalik sa kaniya ang phone niya. Kinuha niya naman ito at gigil na pinatay ang phone niya.

"Pinagpalit ako ni James diyan sa babaeng yan." Agad tumulo ang luha niya. Buti na lang may isang oras pa kami bago magsisimula ang klase.

Niyakap ko siya at pilit na pinapakalma.

"Hey, hanapan na lang kita ng Engineering. Gusto mo?" Pag-aalo ko.

"No Rain, pinagpalit ako sa muse." Humagulhol siya kaya naman napatingin yung mga kaklase ko but sinenyasan ko silang wag muna kaming pakialamanan.

"Hala may muse sila sa college?" Gulat kong tanong.

"Sira, grade 12 pa yon. Taga-gawa ng essay niya. May pa Mio nickname pa sila sa messenger." Nagtuloy-tuloy lang ang pagrarant niya at pag-iyak. Ilang minuto ang nakalipas dumating narin si Jini.

"Anong nangyari diyan?" Tanong niya agad at kinuha si Ana sa bisig ko at pinatahan ito.

"Pinagpalit sa muse." Bigla namang tumawa si Jini.

"Pakita nga kung sino." Ana handed Jini the phone. Bumalagta ito ng tawa.

"Gago, bakit hindi maganda?" Natatawa parin niyang saad.

"May kulang ba sa akin? Bakit niya ako pinagpalit?" Biglang tanong naman ni Ana na humihikbi pa.

"Height." Sagot ko naman sa tanong niya. Sinamaan naman ako ng tingin ng dalawa. Pumunta ako sa harapan. Halos kompleto na kaming lahat.

"Attention everyone, I'd like to make Ana as our muse. Kahit hindi uso muse sa college." Natatawa kong saad at tumawa rin silang lahat.

"Okay lang yan ipagpalit sa muse Ana, wala naman kayong label." Saad ni Lyle kaya napatawa kami. Tumawa rin si Ana habang pinupunasan luha niya.

"Gawan mo kasi ng essay baka bumalik pa." Pagbibiro ko naman pero binato ako ng ballpen. Buti na lang nakailag ako.

"Ay mapanakit kasi may nanakit." Kantyaw naman ni Jini. Imbes umiyak si Ana ay nakisabay na lamang siya sa mga biro namin.

"Guys, dinner tayo. My treat. Dahil broken ang kaibigan natin." I announced and they cheered.

"Pero kailangan niyong maghintay ng four hours after our last class today dahil may punishment pa ako." Napahinto ako sa pagsasalita ng makita kong papasok na si Ma'am Olinares.

The instructor looked at me warningly.

"Ano namang kalokohan ang pinag-uusapan niyo?" Tanong niya kaya napatawa kami. Why would we tell her if may kalokohan kaming gagawin?

"Ma'am nag-aaya po ng dinner si Mayor after punishment niya." Sumbong ni Onas kaya napapailing si ma'am.

"Celebration niya kamo ma'am." Sabay naman ni Alan which is vice mayor namin.

"Hoy hindi na ako manlilibre." Rebut ko naman pero tinawanan lang nila ako.

Matapos ang maikling biruan ay agad ng nagsimula si maam sa lesson namin. Dumudugo ang ilong ko dahil puro numbers na lang ang nakikita ko.

Intersected LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon