It's the weekend today and just what I promised to my son I will be taking him to the resort again. Naghahanda na ako ng mga gamit namin ng pangdalawang araw. Si Cali naman ay nasa kay Papa dahil naglalaro sila sa garden. Mamimiss daw ito ng kaniyang lolo kahit dalawang araw lang naman kaming mawawala. After I had Cali my connection with Papa became healthy. Parang dati lang ang turing niya na sa akin. He always prioritizes me and my son kaya wala naring maipintas pa ang kaniyang mga kapatid sa akin dahil kung hindi ay makakalaban nila si Papa. They are already satisfied also with the land that they have kaya wala ng masiyadong naging problema sa pamilya namin lalo na at naging teacher narin ako na matagal na nilang gusto.
"Baby, let's g now." Tawag ko sa anak ko na busy sa pagdadakip ng mga butterflies na naglalagi sa garden namin. Bumungisngis naman ito na lumapit sa akin at nagpakarga.
"Pa, mauuna na kami. Mag-iingat po kayo rito." Saad ko kay Papa na nagkakape lamang sa table na nasa garden namin. Tumango lang ito at kumaway sa amin. Pumunta na ako sa garahe namin at nilagay si Cali sa backseat dahil may baby seat ang nandoon. As much as possible I want to give Cali the safest ride kaya may baby seat talaga ang sasakyan ko.
"Are you excited baby?" I asked as I started the engine. Nagthumbs up naman ito sa akin at tahimik na naglaro sa kaniyang ipad. Dadaanan na muna namin si Rach para sabay na kaming pumunta sa resort. Nakapagbook narin ako at pumayag sila na mag-early check in kami with additional charges kaya naman wala akong naging problema. Matagal narin ang huling outing namin ng anak ko.
Bumusina na ako ng nasa harapan na ang sasakyan sa bahay ni Rach. Nasa terrace ito kaya nagmamadali itong lumabas sa gate nila para pumasok sa kotse ko dala ang malaki niyang bag.
"Girl, kanina pa ako naghihintay sa inyu. Hi, baby Cal." Ani niya at nagseatbelt narin. Hindi ko rin alam kung saan ito humuhugot nang lakas sa pagkakaenergetic nito. Hindi malowbatt.
"Eight am pa naman ha, hindi kami late. Maaga ka lang talaga." I said as I drove my car to the next baranggay dahil nandoon ang resort.
"Girl, maiba tayo, owemji ang CEO pala ng Abo Corporation yung ex mo. Kumusta yung puso mo? Tumitibok na ba muli." Asar niyang tanong sa akin pero nginisihan ko ito.
"Tumitibok naman ito dahil buhay pa ako not unless you want me dead."
"Oi grabe ka." Sinapak niya pa ang braso ko. Tinapunan ko ang anak ng tingin para malaman kung anong ginagawa nito sa likod mabuti na lang ay nanonood lang ng videos.
"Wala na akong pake sa kaniya Rach. Matagal na kaming tapos." Ani ko naman sa kaniya pero binigyan niya lamang ako nang nagdududang tingin.
"Tapos? Really? Tapos mo nang mahalin?" She probed me but I ignored her. I don't want to lie so it is best to avoid the probing.
"Tara na." I said when I parked my car in the resort. Lumabas narin si Rach habang ako naman ay umikot para kunin si Cal sa backseat.
"Wow Mama!" Manghang saad ng anak ko. First time niyang makita ang lugar na hindi madilim kaya kahit ikapangalawang bisita niya na ito ay hindi parin mawala sa kaniya ang pagkamangha sa lugar.
"You really like the place eh?" I asked my son and he giggled and gave me a kiss. Worth it lang pala ang six digits na nagastos ko rito kung ang kapalit naman ay hahalikan ako ng anak ko ng kusa.
"Ang sweet naman ng mag-ina." Tukso sa amin ni Rach kaya inirapan ko ito at kinarga na si Cali papuntang reception para kunin ko ang susi ng room. Isang room lang ang ibinook ko dahil may dalawang bed naman ito.
"For Rain Cyril Fuentes please." I handed the receptionist my ID and she grabbed it and immediately typed it into their system. Agad niyang kinuha ang susi at binigyan ako ng isang ngiti matapos itong inilahad sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/329673475-288-k741484.jpg)
BINABASA MO ANG
Intersected Lines
RomansA part time instructor with a major in Math. A student that aims to be a statistician. They were intersected by their faith in theorems and love in data. Will they be able to use the theorems that they've known and data that have been gathered to...