Chapter Three

400 15 3
                                    

Masaya akong tumayo sa inuupuan ko. It's my first day of my punishment at tumongtung na sa alas otso ang orasan na nakasabit sa wall kaya naman tapos na ang punishment ko for today.

"Bye po." Paalam ko sa mga instructors na nasa office kasama na doon si Miss Cardell na nagliligpit ng gamit niya.

Lumabas na ako ng office at naabutan kong sumisilid sa glass window ang dalawa kong kaibigan.

"Nasaan ang iba? Gutom na ako." Ani ko at napasimangot naman sila.

"Umuwi na sa saturday na lang daw sabay tayong maglunch hindi sila pwedeng gabihin masiyado." Napatango-tango naman ako sa sagot ni Jinky.

"Tayo na lang ang kumain sa labas. Dala ko ang kotse kaya no to commute tayo ngayon." Aalis na sana kami ng biglang bumukasang pintuan ng office namin at iniluwa doon si Miss Cardell na may dalang gamit niya. Mukhang uuwi narin.

"Hi Miss, uuwi na po kayo?" Feeling close na tanong ni Ana.

"Yes, kayo?" Ang ayos niyang makitungo sa iba pero sa akin ang pangit. Ito na ba tinatawag nilang special treatment? I feel special talaga.

"Hindi pa po, kakain po kami sa labas." Si Jini naman ang sumagot. Tahimik lang ako sa gilid.

"You can join us po. Since may tanong din po kami sa test namin kanina po. If okay lang sa inyu?" Ana said at sinegundahan naman ni Jini. Miss Cardell looked at me briefly before nodding.

"Kay Rain po tayo sasakay may dala siyang sasakyan po." Bibong saad ni Jini at dinaldal na nila si Miss. Hindi na ako nakisali dahil kailangan ko na talag siyang iwasan dahil alam ko kapag hindi ko pa ito iiwasan baka mahulog na ako. Hindi lang grades ang babagsak this year baka puso ko rin if hindi agad maagapan.

I opened the door for them. Pinasakay nila si Miss sa front seat at sila sa passenger seat. Ako naman ang nagdrive dahil sa aming tatlo ako lang ang may lisensya pa. Itong lisensya ko kakarating lang 3 days ago since nag 18 ako last week lang at walang nakakaalam non.

"Bakit ka pala nagyaya ng dinner sa whole class Rain?" Tanong ni Jini na ngayon ay nakahiga sa lap ni Ana sa passenger seat.

"Kasi pinagpalit sa muse si Ana." Nagbibiro kong sagot na agad naman nakatikim ng palo kay Angel. Napatawa naman si Miss Cardell.

Mapanakit talaga to na instructor. Kitang sinasaktan ako natutuwa pa.

"Seriously Rain, why?" Alam na alam talaga nila ugali ko. We've been together for three months now pero kilalang-kilala na namin ang mga ugali ng bawat isa.

"Celebration." Maikli kong sagot. Nakatoon lang ang paningin ko sa kalsada baka mabangga pa kami. Gusto ko pang magkapamilya.

"Celebration?" Miss Cardell asked. Akala ko napipi na siya sa sobrang tahimik niya dito sa kotse.

"Opo, celebration na di na ako minor." Natatawa kong saad. Pero I can see that it shocked my friends.

"Birthday mo ngayon?" Tanong ni Ana na hindi parin makapaniwala.

"Nope, last week lang. Di ko na sinabi ang iingay niyo kasi." I intentionally did not told them about my birthday dahil narin naging busy kami last week dahil kaka prelims lang namin.

"Belated happy birthday." Sabay ng dalawang bati sa akin. Ngumiti lang ako.

"Congrats di ka na minor."

Ilang minuto rin bago kami nakarating dito sa night market. Wala akong budget para sa mamahaling restaurant kaya dito muna. Pero kidding aside I don't like dining in a high end restaurants gusto ko yung maraming tao pero walang pakialamanan.

Intersected LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon