01

67 8 0
                                    

Dancing to the rhythm. Feel the loud beat of my heart. Sway and touch my hair. Enjoying with wild and loud people.

“This is my escape,” I said to myself.

Every night, I am here in the bar. Ito lang naman ang pinagkakaabalahan ko palagi. Wala naman akong ibang way para makapagpahinga. I need to breathe. This is my way of breathing.

“Marg, let’s go home. It’s three AM already,” my bestfriend said.

I’m not drunk. I am just tipsy.

“For sure Dad will get mad again,” I said.

Nakaalalay na sa akin si CA. I don’t want to go home. Kung pwede lang bumukod ako ay noon ko pa ginawa. Si Mommy lang naman ang inaalala ko.  Baka saktan siya ni Daddy kapag bumukod ako.

Dad used to hurt me when I was a kid. Lumaki akong may takot sa kaniya. Sa tuwing galit siya, ako ang napagbubuntunan niya ng galit. He hurt me physically and emotionally. Pakiramdam ko noon hindi niya ako anak. Na hindi niya ako mahal kaya niya ako sinasaktan.

I have little brother. Mas okay na sa akin na ako ang saktan kaysa ang kapatid ko. I was fourteen when Dad hit me using his belt. Ilang araw akong hirap lumakad dahil sa hita ko iyon tumama. Ang kapatid ko ang gumagamot sa mga sugat ko.

“CRIZIEL MARGUERITE, WHERE THE FUCK HAVE YOU BEEN?!”

I stop from walking. Dad is still awake. I sighed and look at him.

“Party, dad,” I simply answered.

He come closer to me. “Party? It’s fucking three AM already. Ganito na lang ba talaga palagi ang gagawin mo, Criziel Marguerite?” tumaas ang tonong sambit niya.

“What do you want me to do, then?”

I saw how his jaw clenched. “Focus on the company. Hindi ko binibigay lahat ng luho mo para lang sa wala. Focus on our company and don’t be a useless daughter to us,” he said.

Useless daughter. How many times he said that to me? Kailangan bang ipamukha niya palagi sa akin ito?

I sneered. “Coming from my great and honorable father, huh?” I mocked him.

I received one hard slap on my face. Halos hindi ko na maramdaman ang pisngi ko. Tangina! Sobrang sakit na halos hindi ko pa magawang bumaling ulit sa kaniya.

“Wala kang respeto. Manang-mana ka talaga sa walang kwenta mong---” hindi niya itinuloy.

Nang magawa ko nang bumaling sa kaniya ay sinalubong ko ang galit niyang mga titig.

“Walang kwentang ano, dad? Si Mommy ba? Walang kwenta si Mommy? Manang-mana ba ako sa kaniya?”

Hindi siya sumagot pero nakita kong mas lalo lang umigting ang panga niya sa galit. Tinalikuran niya ako. Pagak na lang akong natawa at dinama ang pisngi ko. Natuwa pa ako na walang dugo sa labi ko.

Ten AM when I woke up. Dad is not here. Si Jomari, ang kapatid ko, siya lang ang naabutan ko rito.

“Good morning,” bati niya sa akin.

Hindi nalalayo ang edad naming dalawa. I am twenty three and he’s twenty one. Hindi kami magkamukha, nagmana siya kay Daddy. Ako naman ay kay Mommy nagmana.

“He hit you again?” he asked.

Naupo ako at nagsimulang kumuha ng pagkain ko. Ramdam ko ang titig niya sa akin.

“May bago pa ba?” pagak kong sagot.

Hindi naman tumitigil si Daddy sa pananakit sa akin. Siguro nabawasan lang, pero hindi tumigil. Sanayan na lang ’yan. Ang mahalaga raw nakukuha ko lahat ng gusto ko.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon