PROLOGUE

70 7 0
                                    

“Itʼs still “happily ever after” ʼcoz in the end we lived happily even weʼre not together.”

Reading this book written by mariarcane while having a cup of milk here in my balcony. I can see the Eiffel tower here. Itʼs really beautiful.

Sinusulit ko lang ang mga araw na libre ako. Alas nuebe na pero hindi pa ako natutulog kahit na may lakad pa ako bukas. Mas pinili ko pang magbasa na lang habang umiinom ng gatas. Magpapaantok lang ako.

My phone is ringing. I took and answer the call. This is CA, my bestfriend. Calista Alstroemeria Pascual is her full name.

“Oh?”

[“Kinukulit ako ni Garry. Tinatanong niya kung nasaan ka.”]

I rolled my eyes. Of course, this is all about Kurzle, again. Sinabi ko naman na sa kaniyang huwag na siyang makielam pa sa buhay ko. We broke up. Malinaw iyon bago kami naghiwalay ng landas.

“Hayaan mo siyang mapagod sa pangungulit,” sagot ko.

She snorted. [“Nasaang lupalop ka nga ba kasi ng mundo?”] tanong niya.

Binaba ko ang baso na hawak ko. Sinandal ko ang sarili ko sa upuan at tumingin sa malayong eiffel tower. Ang ganda talaga nito lalo na kapag gabi, maraming ilaw.

“I canʼt tell. Baka bigla kang madulas at masabi mo sa boyfriend mo,” pang-asar kong sagot sa kaniya.

[“Gaano mo ba balak katagal na hindi magpapakita sa akin? Girl, halos dalawang buwan ka nang wala rito. Baka gusto mong magpakita man lang sa akin.”]

I rolled my eyes. “Matagal pa akong babalik. Wala pa akong balak magpakita. Magpasalamat ka pa nakakausap mo ako sa call.”

She scoffed. [“Wow! Parang ang laking bagay pa nito, a. Kalbuhin ko kaya buhok mo kapag bumalik ka na?”] gigil niya pang sabi.

“Mas lalong hindi ako babalik,” biro ko. “Iʼll go for now. Inaantok na ako,” paalam ko na.

[“Kailan na naman next nating usap? Kahit video call ayaw mong pumayag.” ]

Puro siya reklamo. “Next week.”

I ended the call. Tiwala akong hindi naman ako ipapa-trace ni CA. Siya ang kakalbuhin ko kapag ginawa niya iyon.

Ayaw kong magkausap o magkita man lang kami ni Kurzle. I ended our relationship month ago. I have a lot of important things to do, and our relationship is not included.

I know I am being unfair to him. But he canʼt blame me though. Nasaktan ako ng sobra sa nangyari. Hindi ko kayang tanggapin na kapatid niya ang sumubok sumira sa pamilya ko.

I clean my messy things. Magbabalak na sana akong matulog nang tumunog na naman ang phone ko. Now, itʼs my Mom. I answered it.

“Mom.”

[“Wala ka ba talagang balak umuwi?”] bungad niya.

Sinalpak ko ang sarili ko sa kama at niyakap ang teddy bear kong kulay brown. I heaved a sigh.

“Mom, napag-usapan na natin ʼto last week. Buo ang desisyon kong umalis. Hindi ako uuwi.”

I heard her sobs. [“I miss you. Please, come back. I need you here.”]

I bit my lower lip and shut my eyes. I sighed after that.

“Mom, you know my reasons. I canʼt go home. I donʼt want to see Dad. You know how much I hate him.”

I gritted my teeth. Ramdam na ramdam ko na naman ang galit ko para sa Daddy ko. Hindi kayang pawiin ng kahit anong luho ang galit ko sa kaniya.

[“How are you? Are you okay there?”] she change the topic quickly.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon