Matapos niyang banggitin iyon ay agad siyang tumayo. What the fuck is happening? Para siyang hindi lasing.
“Let’s go,” aya niya.
Gulat pa akong nakatingin sa kaniya. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko dahil nanatili akong nakaupo pa rin.
He’s drunk, right?
He pulled me. Sabay na kaming naglakad papunta sa elevator. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya. Medyo nawawalan siya ng balanse pero nakakapaglakad pa rin naman siya ng maayos.
He also click the number of the floor for his unit. Sa tuwing titingin siya sa gawi ko, iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya.
“Want to stay here? It’s late already,” he said when we got here in his unit.
It’s almost twelve forty. Kung uuwi man ako, wala akong dalang kotse. Kung mananatili naman ako rito, kinabukasan ay baka magtaka siya kung bakit ako nandito?
For sure ang maaalala niya ay iniiwasan niya ako o kaya ay galit siya sa akin. So bakit nandito ako sa condo niya kung gano’n nga? Magtataka talaga siya.
“I’ll get you some water. Magbihis ka na para makapagpahinga ka,” sabi ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig niya. Binaba ko lang sa counter ang hawak kong pouch at phone naming dalawa.
I heard some noise. Siguro ay nagbibihis na siya sa kwarto niya. Dala ko ang isang basong tubig, kinuha ko ulit ang pouch at phone namin. Medyo nahirapan pa ako pero kinaya namang dalhin iyon.
Iyon nga lang, nasa dining pa lang ako ay tumunog na ang phone ni Kurzle Nuage. Kaya naman nilapag ko ang baso sa table at sinagot ang tawag. Baka kasi importante.
[“Where are you?”] iyon ang bungad ng tumawag.
“Uhm. Sorry, Kurzle Nuage is in his room and he’s changing his clothes,” sagot ko naman.
[“Who are you?”] takang tanong niya.
Ano ba ang isasagot ko sa tanong na iyon. A friend of Kurzle Nuage? May magkaibigan bang magkasama sa ganitong oras, at sumagot pa sa tawag ng kung sino kahit hindi naman alam ng mismong may ari ng phone?
“I’m his...girlfriend,” sagot ko.
Katahimikan ang bumalot sa kabilang linya. Sino kaya ito? Unknown number kasi.
[“Oh? So he have a girlfriend now, huh? Tell him that I called.”]
Itatanong ko pa sana kung sino siya pero agad ding namatay ang tawag. May password naman din ang phone ni Kurzle Nuage. Lockscreen lang niya ang nakikita ko ngayon.
A simple photo of cloud. Cloud is the meaning of his second name. Did he take this photo? The cloud is pretty. I want this to my lockscreen, too.
Should I get it to him? Baka naman magtaka siya kung bakit gusto kong hingiin ito.
Nagpasya na akong dalhin ang tubig niya at phone. Medyo nahirapan pa akong buksan ang pinto. Inipit ko pa sa braso ko ang pouch para lang mabuksan ko ang pinto ng kwarto niya.
“Kurzle?” I called him.
Medyo hindi pa ako nasanay at muntik pang isunod ang pangalawang pangalan niya. Hindi talaga ako sanay na tawagin siya ng isang pangalan lang.
Nakita ko siya sa kama. Madilim sa kwarto niya ngayon at tanging ang ilaw lang sa lampshade ang binuksan niya. Hubad ang itaas na parte ng katawan niya at nakatabon na ang kumot sa baywang pababa. Nakadapa at sa kanang parte kung saan malawak ang space ng kama siya nakabaling.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomanceAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...