Mr. Mojerillo let me stay in his house. Sobrang laki ng bahay niya. May limang katulong, at dalawang driver. May bodyguard din siya na nakakasama niya sa minsanan niyang paglabas. Lima rin ang bodyguard niya pero hindi naman iyon nagpapakita kapag nasa labas siya, kumbaga ay parang wala lang din sila, saka lang lalabas kapag may hindi kaaya-ayang nangyayari. May dalawang security guard naman siya na nagpapalit ng shift at nagbabantay sa may gate.
Halos iyon lang ang mga kasama niya rito sa bahay. Wala siyang asawa. Ang anak niya naman ay hindi niya nga nakakasama dahil hindi pinapayagan nung Mommy nito. Parang ang lungkot tuloy ng buhay ni Mr. Mojerillo. Ang laki ng bahay niya at puro mga kasambahay at driver lang ang kasama niya.
“You can stay here anytime you want,” sabi niya.
Pangalawang araw ko pa lang ngayon dito. Kahapon nangyari ang sagutan sa pagitan namin ni Kurzie. Hindi ko sinasagot ang mga messages at calls ni Kurzle Nuage mula pa kahapon. Pinatay ko nga ang phone ko para hindi ko na marinig na tumunog iyon.
Sa socials ko naman ay may mga messages siya, hindi ko nirereply-an. Ang tanging nireply-an ko lang ay si CA at Jom. Sinabi ko kay CA ang nangyari pero hindi ko sinabi sa kaniya kung nasaan ako ngayon.
Tita Miz:
How’s your rest days? Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa offer sa ’yo?
Iyon ang natanggap kong chat ni Tita Miz, ang manager ko. Ang France ang tinutukoy niya. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakapagdesisyon doon. Pinag-iisipan ko pa.
Ako:
Just fine. Pinag-iisipan ko pa. Give me a week. I’ll tell you my decision after a week.
Pumayag naman siya. Hindi naman nagmamadali sa pagdedesisyon pero kailangan din kasing may maisagot na ako agad. Kung hindi ako pwede, i-o-offer nila iyon sa iba. Sayang naman kasi kung hindi ko makukuha. Pero hindi pa ako sigurado.
“Criziel, kumain na raw kayo ni Mojerillo,” sabi ni Manang Adely.
Siya ang pinakamatanda na kasambahay ni Mr. Mojerillo. Nasa edad seventy na nga ito. Wala na siyang pamilya kaya rito na siya nanatili kay Mr. Mojerillo.
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga. Tanghali na. Tinatamad akong kumilos pero kailangan. Wala ako sa sarili naming bahay kaya hindi pwedeng tatamad tamad dito.
“Sumabay na rin kayo sa amin,” sabi ni Mr. Mojerillo sa mga kasambahay at driver.
Hindi naman na tumutol ang mga iyon. Na para bang sanay na silang gano’n ang gawain nila sa tuwing oras ng kainan. Nakakasabay siguro talaga sila ni Mr. Mojerillo sa tuwing kakain. Nakakainip naman kasi kung mag-isa lang kakain sa hapag. Parang nakakawalang gana.
Tahimik kaming nagsimula ng pananghalian. Si Mr. Mojerillo ang bumabasag sa katahimikan sa pamamagitan ng pagtatanong sa akin ng kung anu-ano. Tulad ngayon, ang tungkol sa trabaho ko ang tinatanong niya.
“May offer sa akin sa France. Hindi ko pa natatanggap, pinag-iisipan ko pa,” sagot ko sa tanong niya.
“You should grab it. Sayang ang opportunities,” sabi niya naman.
I pursed my lips and stares at my food.
Sayang nga kung tatanggi ako. Pero hindi ko rin alam ang magiging buhay ko ro’n kung tatanggapin ko. I don’t have enough money for that. Hinding-hindi ko gagamitin ang pera ni Daddy.
Ang perang kinikita ko sa pagmomodel ay sapat lang para sa mga pangangailangan ko. Hindi ko pa sigurado kung may offer sa akin bukod sa France. Kapag wala, hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng panggastos ko. Ayaw ko namang umasa sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomanceAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...