32

18 5 0
                                    

Maingay dahil sa kantahan at kwentuhan. Nang mag-ala sais y media ay nagpasya ulit na magswimming. Hindi na naglaro sa pool, basta na lang lumangoy at nagkwentuhan ang iba. Busog pa kaya hindi na muna nagdinner.

“Want some wine?” tanong ni Coby sa akin.

Agad naman akong tumango. Binigay niya sa akin ang isang basong may laman na wine. Bumalik siya at kumuha ulit ng panibago, i-aalok yata kay CA.

Nagkukumpulan nga ang mga iyon sa isang parte ng pool. Kami lang ni Kurzle Nuage ang nandito sa mababaw na parte. Kanina pa kami lumalangoy, ngayon ay nagpapahinga na lang muna.

Naramdaman ko ang braso niyang kumapit sa baywang ko at inusog ako palapit sa kaniya.

“Hmm? Jealous at Coby?” pang-aasar ko sa kaniya.

He hissed. “No. I’m not. He’s just your friend.”

Napangiti naman ako. Palagi ko rin naman siyang binibigyan ng assurance. Walang ibang lalaki, siya lang. Kaya makampante siyang siya lang ang lalaking makakakuha ng atensyon ko.

Niyakap niya ako. Ipinatong ang baba sa balikat ko at marahan akong nilulubog sa tubig, hanggang ibaba ng dibdib ko ang taas no’n, umaangat lang sa dibdib sa tuwing sinasama niya ako sa paglubog sa tubig.

“You want?” tanong ko at inalok sa kaniya ang wine.

Tumingin lang siya sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya ako na lang ulit ang uminom sa wine. Inubos ko na ang laman at nilapag ko na lang muna ang baso sa tiles. Mamaya ko na isosoli.

Pagbaling ko ay siya namang pagtama ng labi niya sa akin. Akala ko aksidente lang. Pero medyo tumagal iyon.

“Taste good. Anong wine ba iyon?” tanong niya, nakatitig sa labi ko.

I chuckles. “Just a normal wine,” I answered.

Akmang hahalik siya ulit nang pigilan ko na siya sa pamamagitan ng pagtulak sa dibdib niya.

Taka niya akong tiningnan at napalitan ng bahagyang pagkakakunot ng noo pagkatapos.

“Let’s go there. Tayo lang ang hindi kasama sa kanila,” aya ko sa kaniya.

Hindi kami tinatawag pero nakakahiya pa rin na parang may sarili kaming mundo ni Kurzle Nuage habang silang lahat ay nagkukwentuhan at nagkakasiyahan sa isang tabi.

Kaya naman lumusong kami papunta sa kanila. Ang ilan sa kanila ay nasa tubig naman din. Tumabi ako kay Trixie na bahagyang umusog sa tabi ni Jom para magkaroon ako ng pwesto. Nasa tabi ko naman si Kurzle Nuage na agad pinulupot ang braso sa baywang ko oras na makaahon. Parang laging mawawala, kapit siya lagi sa akin.

“Eight PM dinner na tayo, guys?” si CA.

“Gutom ka na naman?” tanong naman ni Coby.

“Oo. Hindi kayo gutom?” tanong niya at tiningnan pa kami.

May iilan na umiling bilang sagot. Ang iba naman ay sumagot na gutom na rin naman sila. Pero nagpasyang eight PM ay magdidinner na, gutom man o hindi, sabay-sabay pa rin daw kaming kakain.

Nakikinig ako sa kwentuhan nila ngayon. Mga nangyari noong nag-aaral pa sila. Mas maraming nakwentong kalokohan si Garry. Ang tatlong kaibigan niya ay sang-ayon palagi sa mga sinasabi nito. Matagal na pala talaga silang magkakaibigan.

“Yeah right. Nasampal din ako noon dahil sa ’yo, bro. Ang hirap pumorma ng mga babae dahil iniisip nilang sasaktan ko sila dahil kaibigan kita,” sabi ni Kenneth.

Napansin ko pa ang pag-irap ni Vianna na nasa tabi ni Kenneth. Hindi naman napansin ni Kenneth iyon dahil abala ito sa pagsasalita.

Tawanan naman ang namayani dahil sa sinabi ni Kenneth. Kahit ang mukhang suplado na si Raj ay nakitawa na rin dahil sa kwento ng mga kaibigan niya. Si Kurzle Nuage naman ay napapahalakhak din kaya hindi ko maiwasang hindi siya tingnan.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon