23

17 4 0
                                    

Naligo ako. Nagbabad ako sa bath tub. Hindi alam ni Daddy na nandito na ako kanina pa. Wala naman din siyang pakielam.

Nang makapagbihis ay nagpasya na akong mahiga. Hindi pa ako inaantok kaya naman nanood pa ako ng random videos sa facebook reels. Natigil lang nang tumawag si Kurzle Nuage.

[“Good afternoon. Are you home now?”] bungad niya.

“Yup. Kanina pa, actually. Naligo at nagbabad lang kaya natagalan,” sagot ko naman.

[“Hmm. I’m having my lunch. Katatapos lang ng meeting. Can I come there?”]

Nandito si Daddy. Kung pupunta siya, malalaman niya ang namamagitan sa amin ni Kurzle Nuage. Hindi ko naman pwedeng sabihing magkaibigan kami ni Kurzle Nuage, dahil kahit iyon ay hindi pasok para kay Daddy.

Sa isip no’n ay hindi ako nababagay na mapalapit sa isang tulad ni Kurzle Nuage.

“Dad is here. And I am planning to take a nap,” sagot ko.

[“Now? Did I disturb you, baby?”] malambing niyang tanong.

I bit my lower lip. His voice gives shiver down my spine.

“No. Nanonood pa akong videos bago ka tumawag. Nagpapaantok pa lalo,” sagot ko naman.

Niyakap ko ang malaking bear na nandito sa kama ko. Nakakaramdam na ako ng antok pero ayaw kong banggitin iyon sa kaniya.

[“Okay. Uuwi na rin naman ako pagkatapos kong kumain. You want to sleep now?”] tanong niya.

I want to say yes, pero gusto ko pa siyang makausap. Hindi kami nagkita buong araw ngayon. Hindi ko rin masyadong nareply-an ang mga messages niya dahil naging abala ako sa school kanina.

“Later. Kapag na lang nakauwi ka na,” sagot ko.

[“Are you sure? It will take an hour before I go home.”]

An hour? Sabagay magpapahinga pa siya saglit pagkatapos kumain. At medyo malayo rin ang unit niya.

Hindi na kaya ng antok ko kung hihintayin ko pa siyang makauwi. Ngayon pa nga lang ay hinihila na ako ng antok. Ang sarap kasi ng pagkakayakap ko sa malambot na teddy bear.

“I’m sleepy,” mahinang sabi ko.

Nakapikit na ang mga mata ko. Kusa na rin kasing bumabagsak ang talukap kahit pilitin kong dumilat. Masyado na akong inaantok.

Pakiramdam ko naubos ang energy ko sa ilang oras na klase. Nakakaantok talaga magturo ang ibang prof kanina.

[“Sleep, then. I’ll message you later.”]

Hindi na ako sumagot. Hindi ko na rin namalayan kung napindot ko na ba ang end call o siya na ang nagpatay ng tawag. Mas lumalim ang kagustuhan kong matulog na.

Nagising ako sa katok sa kwarto ko. Kung anong pwesto ko kanina, gano’n pa rin naman nang magising ako. Medyo nangalay nga lang ang kabilang side ng leeg ko.

Bumangon ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang kapatid ko na salubong ang kilay at bahagya pang nakanguso. Anong problema nito?

“Oh?” bungad ko.

“Did you eat the chocolate?” tanong niya.

Napakunot ang noo ko. Kagigising ko lang at napagbintangan na yata agad ako na kumain ng chocolate niya.

“No. Hindi pa ako nagagawi sa kusina. Why?” takang tanong ko.

He heaved a sigh.

“Nawawala ang mga chocolates ko. I put that in the fridge, pero ngayon wala na,” asar na sabi niya.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon