28

26 5 0
                                    

Staring at my mother right now and enjoying the happiness in her face. Ano na namang meron? Bakit ang saya-saya niya ngayong umaga?

“What? Kanina ko pa napapansin ang titig mo sa akin, Criziel,” sabi niya.

Nagluluto siya ng almusal. Wala si Jom, maagang umalis. Si Daddy, baka nasa kwarto pa.

“Anong meron?” takang tanong ko.

Bukod sa malapit na ang birthday ko, wala naman na akong maisip na ganap ngayon. Not that she’s happy because my birthday is near. Alam kong naalala niya lang pero wala rin naman siyang pakielam.

Hindi ko pa nga sila nasasabihan sa plano ko. Kung ayain ko man sila, baka nga hindi rin sila pwede sa mismong birthday ko. But I will try. Baka sakaling pumayag sila, o maglaan ng oras kahit papaano.

“Oh. Wala naman. Binilhan lang ako ng Daddy mo ng bracelet,” sagot niya.

Umangat ang kilay ko at napatingin sa braso niya. Kaya pala hindi familiar sa akin ang bracelet na suot niya, kabibigay lang siguro sa kaniya kagabi o kanina.

Pinanood ko siya na maghumming pa habang abala sa pag-aayos ng mga niluto niyang almusal. Ang dami naman.

“Binigyan ka, suhol para hindi ka masaktan sa pambababae niya,” wala sa sariling sabi ko.

Natigilan siya sa paglalapag ng bowl sa lamesa at tiningnan ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

“What are you saying, Criziel? Wala ngang babae ang Daddy mo. Bakit mo ba ipinipilit?” medyo tumaas pa ang tono niya.

I frowned. I look at her again.

“Mom, I saw him. May kasama siya sa hotel room na babae. She called Dad “darling” and the girl looks young, Mommy!” I said, empasizing the word darling.

Nilapag niya na ang bowl. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Ang kasiyahang nakita ko kanina sa kaniya ay nawala na.

I don’t want to ruin her mood. Pero gusto kong pag-usapan na rin namin ang tungkol kay Daddy. Hindi namin napag-usapan kagabi dahil masyado akong naging abala.

“Stop it, Criziel Marguerite. Alam kong galit ka sa Daddy mo kaya mo nasasabi ito. Wala kang ebidensya na may babae nga siya. Stop this. Baka malaman pa ng kapatid mo ang mga kasinungalingan na iyan,” diretsong sabi niya naman.

Kasinungalingan? Lahat ng nakita ko at narinig ay totoo. Bakit ba patuloy niyang pinagtatanggol si Daddy?

“Evidences? Fine. Kapag may nahanap ako na magpapatunay na kabit niya ang babaeng iyon, kapag napatunayan kong niloloko ka talaga niya at tinatago niya sa amin ni Jomari, iiwan ko ang bahay na ’to. Aalis ako at hindi na ninyo ako makikita,” banta ko.

Nakita ko ang gulat at takot sa mga mata niya. Seryoso ko naman siyang tiningnan para malaman niyang sigurado ako sa mga sinabi ko.

Lumapit siya sa akin. Hindi ako umalis mula sa kinauupuan ko at hinayaan ko siyang makalapit sa akin.

“Criziel, believe me. Walang babae ang Daddy mo. Baka...baka nagkamali ka lang sa nakita mo, anak,” sabi niya pa.

I shook my head. “No. Mas paniniwalaan ko ang nakita at narinig ko. Kung ebidensya ang hanap mo, ibibigay ko sa ’yo, it takes time though, pero mahahanapan ko pa rin.”

I will make sure of that. Patutunayan ko na may kabit talaga si Daddy.

“And if it turns out that I am right, I will tell it to Jomari. Aalis ako at hinding-hindi ako magpapakita sa inyo.”

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon