Eleven PM nang lumabas ako ng kwarto. Wala na si Jom sa sala. Katatapos ko lang sa evening routine ko. Ngayon ay magtitimpla ako ng gatas dahil balak kong magbasa. Maghahanap na rin ng pwedeng snack.
Tahimik ang buong bahay. Maaga yatang natulog sila Mommy. Karaniwan kasi naabutan ko pa si Daddy rito sa sala at nagkakape minsan habang nakatutok sa laptop or phone.
Siguro ay alam niyang nandito na ako sa bahay kaya hindi na siya tumambay sa sala at hintayin akong makauwi para pagsalitaan niya ng kung anu-ano.
Nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng gatas. May fresh milk sa ref pero hindi ko bet iyon ngayon. Kaya nagpakulo pa ako ng tubig sa heater at hinintay iyon. Habang naghihintay ay naghahanap naman ako ng snacks.
“Hindi naggrocery,” nasabi ko na lang nang makitang halos ubos na ang laman ng cabinet.
Free naman ako bukas, ako na lang ang maggrocery. May iniwan namang pera si Daddy rito sa may ibabaw ng cabinet, may nakalagay pa kung para saan iyon. Para sa grocery.
Wala talaga akong nahanap na pagkain na magugustuhan ko. Wala man lang biscuit or chips. Kay Jom kaya?
Nagpasya akong puntahan si Jom sa kwarto niya. Hindi pa naman siguro siya tulog. Isang subok lang na katok at kapag walang sumagot ay hindi ko na uulitin.
“I can’t wait to see you, baby,” rinig ko ang boses ni Daddy.
Natigil ako sa bandang hagdan. Paakyat na sana ako sa kwarto ni Jom nang marinig ko iyon. Nasa baba lang ang kwarto nila Daddy.
Aalis yata siya? Akala ko ay tulog na ito.
“Oh I can’t wait for that. Ang tagal nating nagkalayo. Prepare yourself, then,” sabi niya pa at bahagyang natawa.
Sino ang kausap niya? And what did he said? Baby? Who is that?
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto sa mahinang paraan. Maingat ang naging pag-alis niya. Saan siya pupunta?
Bahagya akong nagulat nang tumunog ang heater. Nagpunta ako sa kusina at pinatay iyon. Na-curious ako sa kung sinong kausap ni Daddy. At saan siya pupunta?
Nakapagtimpla na ako ng gatas. Aakyat na sana ako pero naisip kong silipin muna ang kwarto nila Mommy. Hindi naka-lock iyon. Marahan kong binuksan para tingnan kung nandoon ba si Mommy. Mahimbing siyang natutulog sa kama. Marahan ko ulit isinara ang pinto at nagpasya na akong umakyat na papunta sa kwarto ko.
Saan ang punta ni Daddy? I know it’s not about business. He called someone “baby” and I don’t think it’s nothing. May anak ba siya sa labas? Ang sabi niya ay matagal silang nagkalayo.
“Ate, are you awake?” it’s Jom.
Inilapag ko ang gatas na iniinom ko sa lamesa at lumapit sa pinto para buksan iyon.
“Why?” I asked.
“Oh you’re still awake. Napansin mo bang lumabas si Daddy?” tanong niya.
I nod. “Saan ba ang punta no’n?” tanong ko.
He shrugged.
“Magtatanong sana ako sa kaniya tungkol sa isang property na sa ibang name nakapangalan. Nasa files niya kasi, so I guess kaniya iyon. Pero iba ang nakalagay na name,” sabi niya naman.
Nangunot ang noo ko. Property na sa iba nakapangalan?
“Anong property?” tanong ko.
“House,” sagot niya naman.
A house, huh? Hmm something is really fishy.
“Kanino nakapangalan?” tanong ko pa.
“Hmm. It’s Kurzie, I guess? Hindi ko masyadong nabasa. Nawala na sa file ni Daddy, kaya nga itatanong ko sa kaniya sana ang tungkol doon, wala naman pala siya,” sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomanceAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...