35

14 5 0
                                    

I spent my whole day in Kurzle Nuage’s condo. Kinabukasan na ako nagpasyang umuwi. Free day ko nga, wala akong shoot ngayon. Pero balak kong bumisita sana kay Jom sa office.

Hindi man siya nagsasabi sa akin ng mga problema sa company, na kaya niya namang ayusin, gusto ko pa ring kumustahin siya at ang trabaho ro’n. The past days sobrang focus niya kasi. Baka masyado na rin siyang pressured.

“I’ll visit the company, Mommy. Where’s Dad?” I asked.

Gustung-gusto ko nang ipakita sa kaniya ang mga pictures na nakalap ko tungkol kay Daddy at sa kabit nito. Gusto ko nang ibuking si Daddy. Gusto kong itigil na ang panggagago niya kay Mommy.

“I don’t know. Baka may importanteng lakad, maagang umalis,” sagot niya.

Nagluluto siya ngayon ng para sa lunch. Hindi naman ako rito maglulunch, pero depende rin, hindi pa ako tapos mag-ayos ng sarili kaya baka abutan ko pa ang niluluto niya.

Sabay kaming nagbreakfast kanina ni Kurzle Nuage sa condo niya. Nagluto siya dahil maaga siyang nagising. Hindi niya ako hinayaang umuwi nang hindi pa nakakakain.

“Baka nakipagkita na naman sa kabit niya,” sabi ko naman.

Kumuha ako ng isang basong tubig at agad ininom iyon. Nakita ko ang pagbaling sa akin ni Mommy.

“Criziel, ilang buwan mo nang sinasabi iyan. Walang babae ang Daddy mo. You see, palagi siyang umuuwi rito sa atin. Madalas siyang may oras sa akin,” sabi niya sa maamong boses.

Tss. Bulag siya sa pagmamahal niya kay Daddy. I know Daddy didn’t go home sometimes. Hinahayaan ni Mommy iyon. She’s gaslighting herself. Palagi ay sinasabi niyang may importante lang na ginagawa o pinupuntahan si Daddy.

She’s so blind. Blind because of love.

“I know he’s meeting with his mistress. Kahapon, magkasama sila,” sabi ko at nilapag ang basong hawak.

Nakita kong natigilan si Mommy. Pero agad din siyang nakabawi. Mas tinindig niya ang sarili at hinarap ako nang maayos.

I look at her. Malakas ang loob kong sabihin lahat ng ito dahil may ebidensya ako.

“What are you talking about, Criziel? Your Dad don’t have mistress. Sobra sobra na ba ang galit mo sa kaniya para pag-isipan siya ng ganito?” medyo tumaas ang tono niya.

I frowned. “Mom! I know you know this. Dad is seeing his mistress. I heard you that night. I heard that you don’t want us to know the truth. May alam ka, Mommy. Pero hinahayaan mo siya. Nagbubulag-bulagan ka!” sagot ko.

Malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. I didn’t expect that. Nang balingan ko siya ay nakita ko ang galit at takot sa mga mata niya.

As you should, Mom. Dapat talagang matakot siya dahil hindi na ako magtitimpi. I will tell Jom the truth. Hindi deserve ng kapatid ko na walang alam sa mga nangyayari.

“Why can’t you just be thankful? Hindi ka na sinasaktan ng Daddy mo. Lahat ng gusto mo nakukuha mo. Bakit hindi mo na lang siya hayaan? Umuuwi naman siya sa atin. May oras pa rin siya sa akin. Bakit hindi mo na lang hayaan ang mga nalalaman mo?!” sigaw niya.

I look at her with my wide eyes. Really? Hayaan na lang? What the fuck is wrong with her?

I laugh bitterly. “Mom, did you hear yourself? You’re tolerating him. He is cheating on you!”

Her hand went to her forehead. Tinalikuran niya ako para patayin ang kalan. Pero hindi na siya muling bumaling sa akin. Umiiwas siya. Ayaw niyang pag-usapan ang bagay na ’to.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon