Hindi ko alam kung paano ko susundan si Daddy ngayong araw. Wala na siya rito sa bahay. Late akong nagising, at nang lumabas ako ay si Mommy lang ang naabutan ko. Malawak pa nga ang ngiti at nagkwento tungkol sa date nila ni Daddy kahapon.
“Where’s Dad now?” I asked.
It’s ten in the morning. I’m having my breakfast alone. Tapos na kasing kumain si Mommy at Jom kanina pa. Umalis na nga si Jom dahil may klase.
Wala naman daw meetings or what sa office, kaya hindi ko na kailangang pumunta ro’n. Dad’s secretary and Jom’s are there. Kung magkaroon man ng urgent meeting, they can contact one of us.
“Maagang umalis, hindi na nakapagbreakfast. May biglaang offer daw ng project. Don’t know where,” sagot ni Mommy.
Ito na siguro ’yung narinig ko sa kaniya. Buong araw silang magkasama ng isang pamilya niya kung gano’n. Paano ko sila mabubuko?
“Walang binanggit na lugar, Mom?” tanong ko pa.
Nagbabaka sakaling may nabanggit, pwede kong puntahan iyon at hagilapin si Daddy. Hindi matatapos ang araw na ’to na hindi ko siya masusundan. I need to know where he is.
Kahit puntahan ko pa ang mga lugar na madalas niyang pagmeeting-an o mga lugar na posibleng puntahan ng mga may kabit na tulad niya. Tss.
“Wala naman. Why?” tanong din ni Mommy habang takang nakatingin sa akin.
I shook my head. Tinapos ko na lang ang breakfast ko at nagpaalam na maliligo na muna.
Habang nasa cr at naliligo, iniisip ko kung saan ako unang pupunta. Wala akong idea sa totoo lang. Masyadong magaling magtago si Daddy. At magaling din mang-uto kay Mommy.
Kurzle Nuage:
Good morning. I’m here in the office.
Late ko nabasa ang message niya dahil naligo ako. It’s twenty minutes ago. I replied to him.
Ako:
Good morning. Late akong nagising.
I blowdry my hair while waiting for him to reply. Though I don’t know if he have a response for that message.
CA:
Wala ba tayong gala?
Itinigil ko ang pagblower ng buhok ko para reply-an ang message ni CA. Galang-gala na naman ang babaeng ito.
Ako:
Wala. May ibang lakad ako ngayon.
Oras na ma-send ko iyon ay agad ding tumunog ang phone ko dahil sa tawag niya. Sinagot ko naman din agad.
[“Saan? May date kayo ni Kurzle?”] bungad niya.
“Wala. Dapat meron, pero sabi ko may gagawin ako ngayon,” sagot ko naman.
Tapos naman na akong magblower. Ni-loud speaker ko ang call para makapag-ayos na ako ng sarili ko habang kausap si CA.
I put my blower in my drawer. And then I get my half sleeve white fitted top and black ripped jeans. Nagsimula na akong magbihis habang kausap si CA.
[“Sama na lang ako sa ’yo. I have nothing to do today. Nabobored na ako, Criz.”]
Nabanggit ko kasing hahanapin ko kung saang lupalop nagpunta si Daddy. Gusto niyang sumama ngayon.
“Okay. Gumagayak na ako. I’ll use my car. Huwag ka na magdala ng sasakyan mo,” sabi ko naman.
I heard her loud “yes” in the background. Tuwang-tuwa sa pagpayag ko na sumama siya sa akin. Sobrang bored na siguro talaga niya kaya kahit pag iimbestiga ang gagawin ko ngayong araw, pinili niya pa ring sumama.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomantikAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...