19

17 4 0
                                    

He drink another shot. Hindi niya na ako pinansin matapos niyang sabihin iyon. Nanatili ako sa gilid niya. Parang hangin. Hindi man lang niya pinapansin, o parang hindi nakikita.

“Let’s talk,” sabi ko matapos ang ilang minuto.

Naupo na ako sa stool. Hindi pa rin niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa pag-inom. Salin nang salin sa baso niya ng alak. Halos malapit na ngang maubos iyon, wala man lang chaser.

I watch him drink. Parehas kaming tahimik lang. Ayaw niyang makipag-usap, malinaw sa akin iyon ngayon base sa pag-iwas niya.

“Another bottle of this,” he said.

Naalarma ako. Masyadong marami na ang isang bote, at malakas ang tama no’n. Kung uulit pa siya ay baka hindi na siya makalakad pa. Unless his alcohol tolerance is high.

The bartender looks at me, asking for my permission, I guess. I shook my head.

“Stop it, Kurzle Nuage. Nakaubos ka na ng isang bote ng alak. You’re drunk,” saway ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin. Fuck! He’s really ignoring me, huh?

“Another bottle,” sabi niya sa bartender.

Wala naman nang nagawa ang bartender kundi ibigay ang hawak na bote ng alak na katulad ng ininom ni Kurzle Nuage.

I heaved a sigh. He’s not listening to me. I don’t have any rights to stop him.

“You don’t want to talk to me? Okay fine. Magpakalasing ka kung gusto mo,” inis ko nang sabi at iniwan siya ro’n.

I already explained myself. Nasabi ko na ring hindi ko boyfriend si Coby. Ano pa ang gusto niyang sabihin ko para makampante siya? At ano ba ang kinagagalit niya?

Nagpunta ako sa couch kung saan ang pwesto namin ni CA kanina. Wala si CA, baka kasama na ang mga nakausap niya kanina.

Agad akong nagsalin ng alak sa baso ko. Pinuno ko iyon at agad na ininom. Nanuot ang pait at init nito sa lalamunan ko. Agad akong kumuha ng lemon at kinain iyon.

“Criziel?”

Agad napaangat ang tingin ko para tingnan ang tumawag sa pangalan ko.

Nangunot ang noo ko. “Yes?” takang tanong ko.

He’s old. I guess he’s in between fifty to fifty seven. Not so old, parang edad lang ni Daddy.

Madalas namang may mga tulad nila sa ganitong bar. Pero hindi ko inakala na may makakausap ako ngayon na tulad niya. Madalas kasi guys at my age or older ang nakakausap ko. Pero hindi older na tulad nito.

“Can I sit beside you?” he asked.

I nodded. He looks nice. Decent and rich. His awra screams power. Na kahit sa simpleng suit niya lang, mararamdaman pa rin na masyado siyang kagalang-galang. Masyado siyang mataas.

“Sorry, Sir. But I don’t know you. Seems like you know me, though.”

He chuckles. “Ah yeah. I know you. I’m Mojerillo Gatchalian,” pakilala niya.

Inilahad pa niya ang kamay sa akin. Agad ko namang kinuha iyon at nakipagkamayan din ako sa kaniya.

“Nice to meet you po. Pero paano ninyo ako nakilala?” takang tanong ko.

He’s not familiar to me. Ngayon ko lang yata nakita ang mukha niya. Pero kilala niya ako.

“I know your Mom. We know each other very well. I’m a bit upset because she didn’t introduce me to you,” he answered.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon