Kurzle Nuage is done. Nasa balikat pa ang towel at pinupunasan niya ang buhok habang palapit sa akin. I smiled. Itinago ang pait na naramdaman kanina nang mabasa ang text. Sino kaya iyon?
“Let me,” sabi ko nang tuluyan na siyang makalapit.
Nakatayo siya sa harapan ko pero agad din namang tumabi sa akin. Ako naman ang tumayo para maabot ko ang ulo niya at mapunasan ang buhok niya.
Nakatitig siya sa akin. Sinimulan kong punasan na ang buhok niya. The urge to ask him about the text is so strong. I want to ask him. Pero ayaw ko rin. Gusto kong kusa siyang magsabi tungkol doon.
“Do you have plans for today?” he asked.
I shook my head. Wala namang message si CA, baka busy rin iyon. Si Coby naman at ang kapatid niya ay may lakad kaya hindi rin nagyayaya si Coby sa GC namin.
“Dito lang ako. Wala namang balak puntahan ngayong araw,” sagot ko.
Tinigil ko na ang pagpupunas nang masiguro kong hindi na tutulo ang tubig mula sa buhok niya. Nabawasan naman na ang pagkabasa nito.
Hawak ko ang towel nang hapitin niya ang baywang ko at niyakap. Nakatingala siya sa akin ngayon at nakatitig. Umangat ang kilay ko.
“Ikaw ba? Do you have plans for today? May meeting ka with someone?” tanong ko.
Hindi ko pinahalata ang pagdududa sa tono ko. Ginawa kong normal na tanong lang iyon. Pati ang emosyon ay maingat din ako dahil nakatingin siya.
Umiling siya bilang sagot. Bahagya pang nakapout ang labi niya. What’s with the pouting lips?
“Okay. Dito lang tayo sa condo mo kung gano’n,” sabi ko naman.
Mas hinigit niya ako sa kaniya. Napahawak ako sa balikat niya bilang suporta dahil na rin sa pagkagulat sa hatak niya sa akin.
He pouts more. I frowned but my lips form a smile. He’s cute.
Yumuko ako at pinatakan siya ng halik sa labi. Mabilis na halik lang iyon. Pero mas lalo naman siyang ngumuso matapos kong ilayo ang mukha ko sa kaniya.
“I want more,” sabi niya at mas ngumuso pa.
Parang bata. Natatawa tuloy ako sa kaniya ngayon. Salubong na ang kilay niya at nakanguso pa rin. Ang gwapo!
Yumuko ako ulit. Naramdaman ko ang kamay niya sa pagitan ng leeg at pisngi ko. Tinagilid niya ang ulo at inangkin ang labi ko sa paraang gusto niya. Ramdam ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.
He claim my lips in a slow way. I love it. Tinugunan ko iyon sa kung paano niya ako halikan. Ang lambot talaga ng labi niya. Natigil lang ang paghalik niya nang marinig ang tunog ng phone niya. Binalik niya muli ang labi at inangkin ang labi ko.
“Hey, honey. Answer it,” I said softly.
He cursed. He claim my lips again. Tinulak ko siya para matigil na ang paghalik at para na rin masagot niya na ang tawag. Mukhang importante.
Wala naman siyang nagawa kundi ang puntahan ang side table kung saan nandoon ang phone niya. Nakatingin ako ro’n nang kunin niya. Naalala ko na naman ’yung message kanina. Sino iyon?
“Yes?” sagot niya.
Tumingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. Sino naman kaya ang tumawag?
“Now? Can’t you tell it here in call?” tanong nito sa kausap.
Iniwas ko ang tingin ko at nagpasya na lang na tumayo para kumuha ng damit sa closet. Maliligo na lang ako. Mukhang matagal ang usapan ni Kurzle Nuage at nung kausap niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomanceAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...