30

15 4 0
                                    

I got home before nine PM. Nagdinner lang naman kami ni Kurzle Nuage. After that, we rest and then I decided to go home.

Days went by fast than I thought. Ang bilis talaga ng araw, dahil ngayon ay naghahanda na ako para sa pagpunta namin sa resort mamaya. Nasa bag ko na ang mga damit na dadalhin ko. Of course, hindi pwedeng kalimutan ang swimsuit. Iyon ang una kong hinanda kanina.

“Anong isusuot mo papunta ro’n?” tanong ni CA.

Nandito siya sa amin ngayon. Actually sobrang aga niyang nagpunta kanina at dala niya na lahat ng kailangan niya. Ngayon ay hinihintay niya na lang akong makatapos sa pag-aayos.

She’s wearing simple white spaghetti top and short shorts. Nakalaglag ang lagpas balikat na straight niyang buhok. May sunglasses pa sa ulo niya ngayon.

“Loose shirt and maong shorts,” sagot ko naman.

Balak kong magswimming pagkarating mamaya, kaya suot ko na ang bikini ko. Magpapalit na lang ako ng damit mamaya kapag tapos na akong mag-ayos.

Tinulungan na ako ni CA sa pag-aayos ng gamit. Nagpalit na ako ng damit ko. White loose shirt lang iyon na may print pang anime sa harapan. Hindi ko kilala kung sinong anime character iyon. Saka ko pinartner ang maong ripped shorts ko.

Pero hindi gaya kay CA, nagtali naman ako ng buhok ngayon. I did it as bun. Then some strands of the hair in both sides. Para magandang tingnan.

“Wow! Walang make up?” gulat niyang sabi habang nakatitig sa mukha ko ngayon.

I put some liptint. Okay na iyon. Hindi na ako naglagay ng make up dahil balak ko ngang magswimming mamaya.

“Let’s go,” aya ko sa kaniya.

Binitbit ko ang malaking bag na dadalhin ko. May isang maliit na backpack pa kung saan nakalagay lahat ng importanteng gamit ko, tulad ng charger, powerbank, sunblock, mga bagay na madalas kong gagamitin talaga.

Pagkalabas ay naabutan ko si Jom sa sala. May bag na malaki rin sa tabi niya. Tumingin lang siya sa amin at agad ding binalik sa phone ang atensyon.

“Are you done preparing, Criziel? Baka may makalimutan pa kayo. Jomari, all your things are there? Check it, baka may kulang,” si Mommy.

Abala siya sa paglalagay ng mga pagkain. Sabi ko sa kaniya ay kumpleto na ang pagkain sa resort. Pero nagluto pa rin siya at gumawa ng desserts. Wala na rin naman akong nagawa dahil hindi rin naman siya magpapapigil.

Inaayos na nila ni Daddy iyon sa kotse. Kadadaan nga lang ni Mommy at dala ang isang hindi kalakihang tupperware na may lamang graham.

“I’m done, Mommy. Okay na lahat,” sagot ko nang bumalik siya rito sa loob.

Binigay ko na sa mga kasama namin ang address. Pwedeng mauna na ro’n sila Coby. Papapasukin naman sila basta sabihin lang nila ang pangalan ko.

Hinihintay ko pa ngayon si Kurzle Nuage. Sa kaniya kasi ako sasabay. Si CA ay baka kay Garry din, baka magsabay pa ang magkaibigan na iyon sa pagpunta rito ngayon.

Jom and Trixie will be in Dad’s car. Sasabay na sila ro’n para hindi masyadong maraming sasakyan ang dala. Naghihintay na lang din siya ngayon kay Trixie.

“Kuya Kurzle is here, Ate. He’s outside,” sabi ni Jom.

Agad akong lumabas dala ang bag ko. Sumunod sa akin si CA na dala rin ang bag niya. Tama nga ako, magkasabay na dumating ang magkaibigan.

Nakatitig sa akin si Kurzle Nuage habang palapit ako sa kaniya. Sinalubong niya ako at kinuha ang bag na dala ko.

“Happy Birthday, lady,” he whispered.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon