Kurzle Nuage and I always together. Sa trabaho ay madalas kaming magkita kapag ako ang nandoon at si Jom ay may ibang ginagawa o may klase. Palagi niya akong inaayang kumain o lumabas. Tulad ngayon, katatapos ko lang sa meeting at inaya niya akong maglate lunch kaming dalawa.
“Let’s go,” aya niya.
Katatapos ko lang mag-ayos. I get my bag and phone. Nauna akong lumabas at sumunod naman siya, sinara ang pinto ng office ni Jom.
Sa malapit lang kami kumain ng lunch dahil may isang meeting pa siyang pupuntahan. Hindi na rin kami nagtagal pa, nang matapos kumain ay umalis din kami agad. Ihinatid niya lang ako sa office at umalis na ulit siya.
It’s always like that. Then sometimes he message me to update. Like things he do that moment. Nakasanayan ko na rin. At nasasanay na rin akong nagsasabi sa kaniya ng mga ginagawa ko. What are we? We’re just friends.
Friends who always update each other. Friends who always seen together.
“Where’s Dad?” I asked Jom.
Kauuwi ko lang. Hindi na dumiretso sa office si Jom dahil pagod siya sa maghapon na klase. Naabutan ko nga siyang nakahiga sa kama niya.
“Don’t know,” sagot niya.
Wala si Daddy. The past weeks masyado siyang naging busy sa kung ano. Palaging late umuuwi, at minsan ay hindi pa talaga umuuwi. Ano ang pinagkakaabalahan niya?
“Si Mommy?” tanong ko rin dahil hindi ko nakita si Mommy sa kusina o kahit sa kwarto niya.
“Nasa kumare niya. Dumalaw muna,” sagot niya naman.
Tumango na lang ako.
“Okay. Rest well. I’ll cook our dinner. Anong gusto mong ulam?” tanong ko.
Umayos siya ng higa. Niyakap ang unan at pumikit.
“Anything,” sagot niya.
Hindi na ako sumagot. Isinara ko ang pinto para makapagpahinga siya ng maayos. Wala namang i-i-storbo sa kaniya dahil wala sila Mommy.
Nagbihis na muna ako at pagkatapos ay nagpasyang magluto na ng dinner namin ni Jom. Balak kong magsinigang na lang. Kaya hinanda ko na ang mga kailangan kong sangkap.
Coby is calling. . .
Sinagot ko ang tawag. Ni-loudspeaker ko na dahil abala ako sa paghihiwa ng mga sangkap.
[“Marg, are you free tonight?”] bungad niya.
Coby and I became friends. Dumalas na rin ang pag-uusap namin sa chat. Minsan inaaya niya akong lumabas na pinauunlakan ko naman.
He’s fine. At nilinaw namin sa isa’t-isa na hanggang kaibigan lang kami, walang hihigit pa ro’n. He assured me na friends lang din talaga kami. Kaya hinayaan ko ang sarili kong tanggapin din siya sa buhay ko.
“No. Nagluluto ako right now. Bakit?” tanong ko naman.
[“Pwedeng makikain?”] tanong niya at bahagya pang natawa.
“Yeah sure. Punta ka na lang dito sa bahay,” sagot ko naman.
Minsan na siyang nakapunta rito. I met his sister, too. Nakasundo ko naman talaga dahil parehas kaming mahilig sa kikay things.
Nagsimula na akong magluto. Nanatili ang tawag pero hindi pa sumasagot si Coby sa huling sinabi ko. May naririnig akong usapan sa background niya, hindi ko naman na masyadong pinansin iyon at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagluluto.
[“Marg, are you still there?”]
“Yes,” sagot ko naman agad.
[“Sorry, may kumausap lang sa akin,”] aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/331040864-288-k663268.jpg)
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomanceAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...