Sabay kaming lumabas mula sa kusina. Napatingin sa amin si Jom pero agad din namang iniwas iyon at binalik sa nilalaro. Hindi pa rin pala sila tapos. Naupo ako sa sofa sa tabi ng kapatid ko. Si Kurzle Nuage naman ay naupo rin sa tabi ko.
“Kuya, let’s play again next time. I have something to do in my room now.”
Agad na tumayo si Jom. Tiningnan niya lang ako at hindi na kumibo. Umalis siya at iniwan niya kami ni Kurzle Nuage rito sa sala.
Taka kong sinundan siya ng tingin pero diretso lang siya sa kwarto niya at narinig ko pa ang pagtunog ng lock no’n.
“Wanna play?” tanong ng katabi ko.
Bumaling ako saglit sa kaniya at tinuon sa nilalaro nila ni Jom kanina ang tingin ko. Hindi ako familiar sa larong ito.
I shook my head. “No. I don’t know how to play this game.”
“I can teach you,” he said.
I pursed my lips. Gusto niya pa yatang maglaro. Boring nga naman kung mag-isa lang. Kaya sa huli ay pumayag din akong turuan niya.
Hindi ko magets. Parehas naming hawak ang controller at nakatutok ako sa screen pero hindi ko talaga malaman kung paano pa rin ito laruin.
“Come on, baby. Stop pushing this button,” he said and stop my right thumb.
Hindi ko naman kasi namamalayan na napipindot ko rin pala iyon. Nagpapanic pa ako sa tuwing may kalaban na aatake sa akin. What the fuck is this game? Bigla na lang may bubungad sa harapan o hindi kaya ay babaril sa kung saan.
“I’m lose again!”
Naiirita na ako. Tatlong beses ko na sinubukan pero talo pa rin ako. Binitawan ko na ang controller at masamang tumingin sa screen.
He chuckled. “It’s okay. Let’s stop playing, then.”
Pinatay niya na ang controller maging ang TV. Pinanood ko pa siyang i-ayos ang dalawang controller sa tabi ng TV. Saka siya muling bumalik sa tabi ko at agad pinulupot ang braso sa baywang ko.
Pinisil niya ang ilong ko kaya mas lalo akong nairita. Natawa na naman siya kaya masamang tingin ang binigay ko sa kaniya.
“What’s funny?!” I said, sounds annoyed.
He pursed his lips. He’s looking at me intently.
“It’s just a game. Matututunan mo rin iyon kapag lagi mong nilaro,” malambing niyang sabi.
Pero hindi ako mahilig maglaro. Kaya hindi ko na susubukan ulit ang larong iyon. Hindi ko siya masasabayan sa bagay na iyon dahil wala talaga akong hilig.
Nilapit niya pa ako sa katawan niya. Nanatiling masama ang tingin ko sa kaniya dahil nakangisi pa rin siya sa akin. Para bang tuwang-tuwa pa na napipikon ako sa kaniya.
“Stop it, Kurzle Nuage!” saway ko.
Tumawa siya. “What? What did I do?” takang tanong niya at natatawa pa rin.
Pairap kong iniwas ang tingin sa kaniya. Pero agad niya ring binalik iyon. Gamit ang index finger niya na nasa baba ko, ibinaling niya ang mukha ko sa kaniya at sinalubong ako ng halik.
Isang mababaw na halik lang iyon, agad din niyang inilayo ang mukha sa akin.
“Huwag na magtaray,” muli ay malambing niyang sabi.
Napatingin siya sa labi kong bahagyang nakaawang. Unti-unti ay lumapit na naman ang mukha niya at inangkin ng labi niya ang labi ko. Hindi kagaya ng mga naunang halik niya mula kanina, ito ay matagal ngayon.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomansaAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...