I left the hotel and went to Kurzle Nuage’s condo. I have key for his unit. He gave it to me months ago. I will wait for him here.
Sinalpak ko ang sarili ko sa kama niya at niyakap ang unan. I can still feel Dad’s hand in my face. Masyadong malakas ang naging sampal niya sa akin. I didn’t cry. Crying for that asshole is not worth it.
Ako:
I am here in your condo. See ya later.
I messaged Kurzle Nuage. After that, I decided to take a bath. May mga gamit naman ako rito. Namili kami noon dahil madalas dito ako sa kaniya nakikitulog.
Ang iba ay siya na ang kusang namili. Kapag nagagawi kami sa mall ay siya na ang kusang kumukuha ng mga gamit na para sa akin. Gusto niya kasi talaga na sa kaniya ako tumira. Ngayon, I will stay here for a week siguro. Depende pa. Baka sumobra sa one week.
CA:
I thought you’re in mall? Nasaan ka ngayon?
Nasa bathtub ako nang buksan ko ang phone ko at mabasa ang message ni CA. Kanina pa niya text iyon. Siguro nung nasa Blocleaf ako. Hindi ko na nabasa kanina ang message niya. Hindi ko nabuksan.
Ako:
Kurzle Nuage’s condo. Something happened earlier. I saw Dad and his mistress.
Nagbabad ako sa malamig na tubig ng bathtub. Puno ng bula at hinayaan ko ang sarili kong nakalubog lang dito.
Tumunog ang phone ko dahil sa tawag. I thought it’s Kurzle Nuage. Pero si CA ang nakita kong pangalan sa screen. I answered it.
[“I have thirty minutes break. Go spill it. Anong nangyari kanina?”] bungad niya.
“I stalked Kurzie first. Then I saw her story in Facebook. Nasa hotel siya with Daddy. Familiar ang hotel room kaya nagbaka sakali ako,” pagkwento ko naman.
I took the wine glass in the table and drink it first. Then I continue to talk.
“I slapped Kurzie. Kung hindi ako napigilan ni Daddy, baka nahablot ko na buhok no’n,” gigil ko pang sabi.
[“Ahh! Dapat pala sumama ako. Kainis kasi I have things to do today. Hindi pwedeng iwan. Nakakainis! Sana ako na sumabunot sa babaeng iyon.”]
Pero mas gigil si CA. Ramdam na ramdam ko sa tono niya ang pagkagigil para kay Kurzie.
“Dad slapped me. Mas kinampihan niya ang kabit niya, of course. And guess what?”
[“What?”]
I sighed. “Kurzie is pregnant. Tang ina lang. Nagloko na nga sila, bumuo pa ng ebidensya sa panggagago nila,” sambit ko.
Nakakaramdam na naman ako ng galit. The scene earlier pops up in my mind. Her face. Her voice. I won’t forget it. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng iyon.
[“What the fuck?! Ang kapal ng mukha niyang bumalik kay Coby tapos buntis pala siya at si Tito ang ama?”]
Isa pa ’yon. Bumabalik siya kay Coby. Bakit? Kung sakali, si Coby ang aako nung bata. Nung kapatid ko.
Tang ina. I can’t take it. May kapatid ako sa babaeng halos ka-edad ko lang. Tang ina talaga. Nakakasuka silang dalawa.
“Yes. But we know that Coby won’t settle with that. He moved on already. Si Kurzie lang talaga ang lumalapit,” sabi ko naman.
Narinig ko ang mura ni CA sa kabilang linya.
[“Aba dapat lang. Hindi naman tayo papayag na ang babaeng iyon ang magiging girlfriend niya. Over my sexy and hot body.”]
![](https://img.wattpad.com/cover/331040864-288-k663268.jpg)
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
Storie d'amoreAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...