18

13 5 0
                                    

Tatlong araw na hindi nakapasok si Jom sa office at sa school. Mom took care of him. Hindi pumasok si Mommy sa trabaho para maalagaan si Jom.

Kaya ako ang umasikaso sa lahat ng gawain sa office. Tatlong araw din akong pinagdiskitahan ni Daddy sa trabaho, walang oras na hindi yata ako nakatanggap ng salitang masasakit mula sa kaniya. Na kahit sa mismong meeting ay pinapahiya niya ako.

CA:

Bar later? G ka ba?

Nandito ako sa office. Katatapos ko lang i-check ang mga soft copies na si-n-end ni Daddy sa email ni Jom. Inasikaso ko na rin ang paglilinis nitong office ng kapatid ko dahil pang-apat na araw na ngayon na hindi siya pumasok. Hindi siguro pinayagan ni Mommy.

Ako:

Okay.

I need to relax. Masyadong stressful ang tatlong araw na nagdaan sa akin. Idagdag pa ang pag-iisip ko kung bakit walang paramdam sa akin si Kurzle Nuage. Ang huling pagkikita namin ay ang gabing naghintay siya sa labas ng bahay namin.

Hindi siya ang um-attend sa mga meetings the past days. Ang Daddy niya ang laging nasa meeting. Wala siyang message sa akin kahit isa. Wala rin siyang post or story man lang sa IG niya. What happened to him?

Iniisip ko kung nagalit ba siya sa tagal niyang naghintay nung gabing iyon. I explained myself to him, sa message nga lang. Pero hindi naman siya nagreply sa akin. Nabasa niya kaya iyon?

Binalikan ko ang huling tagpo namin noong nakaraang gabi. Isang oras siyang naghintay. Hindi ko napansin agad ang message niya dahil naging abala ako kay Jom, dahil may sakit. At nang lumabas ako ay nakita ko siya. Galit kaya siya dahil doon? Pero akala niya ay may iba akong pinagkaabalahan no’n.

Nagselos ba siya kay Coby? Pero malabo. Hindi naman niya ako gusto. At wala naman siyang dahilan para magselos kay Coby.

“Ahh! Nababaliw na ako!” impit na sigaw ko at napasabunot na lang sa buhok.

Idinukdok ko ang sarili ko sa lamesa. Lunch time na pero wala pa rin akong balak na lumabas para kumain. Wala rin dito ang secretary ni Jom kaya wala akong mauutusan.

Kaya sa huli, sinikap ko pa ring lumabas kahit na tinatamad ako. Kumain lang ako ng macaroni, that’s all for my lunch. Nang matapos ay bumalik ulit sa office para tapusin na ang mga dapat tapusin dahil gusto ko nang umuwi.

“Hello,” bati ko sa kapatid ko nang abutan ko siya.

Nakauwi na ako. Nandito si Jom at kasama niya ang secretary niya. Binati ko rin ito, bumati rin naman siya pabalik sa akin. May pinag-uusapan yata silang dalawa kaya hindi na ako nakigulo pa.

Wala na naman si Daddy, baka nasa isang pamilya niya. Si Mommy lang ang nandito, nasa kusina siya at gumagawa ng meryenda ng dalawa.

“Hello, Mom,” bati ko sa kaniya.

Humalik ako sa pisngi niya at tiningnan ang hinahanda niyang meryenda. Lasagna. Busog pa ako kaya hindi rin ako makakakain agad no’n.

“How’s your day?” tanong niya sa akin.

“Tiring,” agad ko namang sagot.

Kaya nagpaalam din akong magbibihis muna at magpapahinga. Mamaya pa naman kami aalis ni CA, kaya nagbalak na muna akong umidlip pagkatapos kong magbihis.

Nagising lang dahil sa ring ng phone ko. I forgot to turn it off. Storbo sa tulog ko. Sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

[“Marg, are you going to bar later?”] it’s Coby.

“Hmm.”

[“CA messaged me. Hindi kasi ako pwede tonight, I have date,”] sabi niya pa at natawa.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon