CA is laughing at me right now. Hinatak ko siya sa jewelry shop kung saan namin nakita ang necklace na gusto ko. Makukuha ko na 'to dahil sa kaniya.
"Holy shit! You really did that? For this necklace, CM, really?" she said, still laughing at me.
I rolled my eyes. "Yeah right. Bayaran mo ang necklace na gusto ko," sabi ko naman.
Tinuro ko sa saleslady ang gusto kong necklace. Kinuha niya iyon mula sa lalagyan. Parang nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang necklace. Ah I really like this necklace.
"Lagas ang dalawang buwan na allowance ko sa 'yo," reklamo niya.
Inabot niya ang card niya sa saleslady. Nakatitig lang ako sa necklace habang inaayos naman iyon sa mismong box. Excited na akong isuot iyon. Gosh! It's really pretty.
"May next dare ka pa ba?" biro ko kay CA.
Inirapan niya naman ako. Ngayon ay ako naman ang natawa sa kaniya. Akala niya siguro kasi hindi ko kayang gawin ang dare niya. Masyado siyang naging kampante sa part na 'yon.
"Wala na. At kung meron man, hindi ko na susubukan ang ganito kamahal, CM."
Natatawa pa rin ako. Ginusto niya 'to, hindi ko siya pinilit dito. Nang i-abot sa akin ang paper bag kung nasaan ang necklace ay agad kong kinuha iyon. Nakita ko pa ang pag-irap ni CA sa akin dahil niyakap ko pa ang paper bag.
"Thank you, Ma'am! Please, come again," sabi pa nung saleslady.
Palabas na kami ni CA. "Hindi na kami babalik. Nauubos pera ko," aniya nang tuluyan na kaming nakalabas.
"Uwi na ba tayo?" tanong ko.
Tapos naman na akong bilhin ang mga kailangan ko. Mukha namang tapos na rin siya, uuwi na nga siguro kami.
"Yeah. Baka mas maubos pa ang pera ko," sagot niya.
Kaya naman nagpasya na nga kaming umuwi. Naki-hitch na lang siya sa akin nang dumating ang driver. Mas mauuna namang madadaanan ang bahay nila.
"See you tomorrow. May party tayo," bilin niya pagkababa.
I nod. "Yeah. See ya!"
Umalis na kami pagkapasok ni CA sa loob. Pagkarating naman sa bahay, sinalubong ako ni Daddy. Maaga siya ngayong araw, a. Karaniwan kasi alas otso na ng gabi ang uwi niya. Six PM pa lang.
"What did you buy this time, Criziel?" he asked.
Inangat ko ang mga dala ko para ipakita sa kaniya. Ilang paper bags lang naman 'to.
"You spent almost seventy thousand. Anong binili mo?" medyo tumaas ang tono niyang tanong.
My brow automatically raised. "I just bought dress, Dad. What's the problem with that?"
He scowled. "Criziel, seventy thousand for dress? Really? Hindi biro ang perang nauubos mo sa tuwing lumalabas ka. Baka nakakalimutan mong pera ko ang inuubos mo."
Here we go again.
"I didn't forget. Siguro naman deserve ko rin lahat ng 'to kapalit ng pananakit mo sa akin, Dad?" kaswal kong sabi.
Mommy came. Agad niyang pinigil si Daddy. I sighed and continue walking. Nakasalubong ko pa si Jomari na nagtatakang nakatingin sa akin.
"Dinner na," sabi niya pa.
I shook my head. "I'm full. Mamaya na lang ako," sagot ko sa kaniya.
Sanay naman kami sa ganito. Hindi naman talaga kami madalas nagkakasabay-sabay. Kaya kahit hindi ako kumain ngayong gabi kasabay nila ay ayos lang. Baka mawalan pa ako lalo ng gana kung makakasabay ko si Daddy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomansaAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...