33

14 4 0
                                    

Busy ang mga kasama ko sa paggala sa buong resort. Ang ilan ay nagpaiwan na lang para magbreakfast. Late kaming nagbreakfast ni Kurzle Nuage, dahil late ring nagising. Nine AM na kami nakapagbreakfast. Ngayon ay nakagayak na ako para sa pagpunta ko kay Mr. Mojerillo.

I messaged him already. Sabi ko around ten AM nandoon na ako. Paalis na rin naman ako ngayon. Hindi kasama si Kurzle Nuage, maiiwan siya rito kasama ang mga kaibigan niya.

"I'll go now. Saglit lang naman ako, after lunch nandito na siguro ako," paalam ko sa kaniya.

He nodded. "Okay. Message me when you got there."

I nodded, too.

"Yup. I gotta go." Then I kiss him on his cheek.

Nagpaalam na rin ako sa ibang kasama namin. Hindi naman na sila nag-usisa pa. Basta sinabihan ko silang after lunch nandito na ako.

Si Mommy ay hindi rin naman na masyadong nagtanong sa akin. Abala rin kasi siya sa pag-aasikaso sa mga kaibigan ko. I really appreciate her efforts. Akala ko talaga wala siyang pakielam sa birthday ko. O baka naman kaya ganito siya dahil kasama namin si Daddy? She's happy that Dad is with us. Wala siyang masyadong iniisip.

Ako:

I'm here.

Nagmessage ako kay Kurzle Nuage nang makarating na sa resort kung nasaan si Mr. Mojerillo.

Ngayon ay hahanapin ko na lang kung nasaan siya. Ang daming tao, at hindi ko sigurado kung saan siya ngayon naka-stay.

Ako:

I'm here na po. Where are you, tito?

Naghintay ako sa bungad lang. May bench naman sila rito kaya naupo ako at naghihintay ngayon sa reply ni Mr. Mojerillo.

"Ma'am Criziel, right?" tanong sa akin ng isang staff yata rito sa resort.

"Yes?" tanong ko naman.

"Mr. Gatchalian said that if you came here, go to the beach. Sa may likod po iyon, Ma'am. Dito na po kayo dumaan," sabi ng babaeng staff.

Agad naman akong tumango at nagpasalamat sa kaniya. Tinahak ko ang daan na sinabi niya. Medyo malayong lakaran pa pero ayos lang naman din.

Buti pala at nagcrocs ako ngayon, hindi mahirap maglakad sa buhangin sa beach. Sakop nito ang sa resort namin, pero hindi naman kasali sa bayad ang beach, kaya sa pool lang ang ginamit namin. Ayaw kong dumagdag iyon sa isusumbat ni Daddy sa akin, kaya hindi ko na sinali pa sa birthday celebration ko ang pagbeach.

"Criziel!" malakas na tawag sa pangalan ko.

Agad kong nakita si Mr. Mojerillo. Kumakaway siya sa akin. Malawak ang ngiti. Nakaupo siya kaya naman agad akong lumapit sa kaniya. Nasa lilim siya, sa may puno ng niyog. Nakahubad ang pang-itaas. Maganda ang katawan niya, may abs pa nga. Hindi maikakaila na marami talagang napapatingin sa gawi niya dahil sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan.

Kaedad lang siguro siya ni Daddy, pero iba ang itsura ng katawan nito kaysa kay Daddy. Si Daddy kasi ay medyo malaki ang tiyan. Pero malaking lalaki sila pareho. Matangkad at may itsura din.

"Hello, Mr. More---Tito!" bati ko.

Parehas pa kaming natawa dahil sa itatawag ko sa kaniya. Nasanay kasi ako sa pormal. Nakakapanibagong tawagin siyang Tito.

May nakasapin sa buhangin na mat. Ang ilang gamit niya ay nasa mat na iyon. Siya lang mag-isa, wala ang anak niyang may birthday yata.

"Join me here. Did you eat already?" he asked.

We both sit in the mat. Nilinga ko pa ang tingin ko sa paligid, baka may palapit kasing anak niya, o baka nasa tabi-tabi lang ito.

"Where's your daughter? I thought you're celebrating her birthday here?" I asked.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon