Madilim na gabi at may iilang bituin sa langit. Nagtatago ang buwan sa likod ng naglalakihang mga gusali. Mula sa malayo ay nakikita ko ang sikat na Eiffel Tower.
Paris, France.
I inhaled deeply, and slowly let it out. I close my eyes and feel the cold wind of France.
Nandito na ako. Hindi ’to panaginip lang. Totoong tinanggap ko na ang offer sa akin ng agency namin. Ang sabi nila ay hindi raw ilalabas sa Pinas ang mga magazines kung saan kami i-fi-feature. Dito lang sa France iyon irerelease. Hindi makakalabas ng bansa kaya naman laking ginhawa ko nang malaman ko iyon.
Wala akong sinabihan tungkol sa pag-alis ko. Si Mr. Mojerillo lang ang nakakaalam kung nasaan ako. Naka-off ang phone ko ilang araw na. Sinabihan ko naman na si Mr. Mojerillo na saka na kami mag-usap kapag nakapag-adjust na ako rito. Ayaw kong buksan ang phone ko dahil sigurado akong maraming messages o calls na darating sa akin. Balak ko na ngang magpalit ng sim card.
Tita Miz:
Six AM tomorrow. Don’t forget.
Tumunog ang isang phone na gamit ko. Doon nakabukas ang isang facebook account na kagagawa ko lang. Kailangan kasing may contact pa rin ako sa agency, lalo na sa manager ko. Hindi pwedeng wala akong socials. Kaya gumawa ako kahit na facebook lang, para lang hindi sila mahirapan na sabihan ako sa mga kailangan gawin.
Ako:
Okay. I won’t.
It’s been a week since I got here. Maayos ang condo na binigay ni Mr. Mojerillo sa akin. Kumpleto sa gamit at talagang wala nga akong babayaran. Lahat ng kailangan ko ay nandito na. Sabi niya rin ay tawagan ko lang ang secretary niya kung may mga kailangan pa ako.
Sa tingin ko naman ay wala na. Nandito na kasi talaga lahat. Kahit ang personal needs ko ay mayroon na rin. Kaya wala na akong gagastusan pa. Sobra sobra talaga ang binibigay niyang tulong sa akin. Masaya siya kapag nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin, kagaya ng pagtulong sa akin sa mga ganitong pagkakataon.
Hindi madali ang manirahan dito sa ibang bansa. Kung noon ay nagpupunta ako sa iba’t-ibang bansa para lang magtravel, ngayon ay nandito ako para magtrabaho. May iilan na akong nakasalamuha at ang iba sa kanila ay hindi sanay mag-english man lang. Sobrang hirap pa namang aralin ng salita nila rito.
“Good morning, Tita Miz,” bati ko nang makita ang manager ko.
Agad akong humalik sa pisngi niya. May iilan siyang kasama na halata namang mga taga rito talaga. Mapapalaban na naman ako sa pakikipag-usap gamit ang language nila rito.
Calm down, Criziel. Nakakaisang linggo ka pa lang.
Binati ko rin ang mga kasama niya. I am trying hard to talk to them using their language. Alam kong aware silang nahihirapan ako kaya sinisikap din nilang kausapin ako gamit ang English. Medyo barok pero okay na kaysa naman ako ang mahirapan.
Today is a busy day. Start na nung sinasabi ni Tita Miz na daring na pagmomodel ko. They just give us week to prepare. Diet malala talaga ang ginawa ko sa loob ng isang linggo. Bukod sa nag-aadjust ako, nahihirapan din akong kumain dahil madalas nasusuka ako after kumain.
“Biglang laki ng boobs mo. Hindi ’to ganito nitong mga nakaraang linggo nung nasa Pinas tayo,” sabi ni Amie, isa sa stylist namin.
Napatingin ako sa boobs ko. Hindi naman siya biglang lumaki. Gano’n pa rin naman ang size no’n para sa akin.
“Naka-push bra ako,” sagot ko naman.
Mukha sigurong malaki dahil sa suot kong bra. Kapag naman nakikita ko ang sarili ko sa tuwing naliligo ako, parang wala namang nagbago. Bukod sa mas sumexy ako dahil sa pagwork out at pagdiet ko.
BINABASA MO ANG
Notre Évasion (Notre Series #2)
RomanceAll Rights Reserved© COMPLETED ✔️ Started: November 22, 2023 Ended: July 10, 2024 Criziel Marguerite Navarro is a strong, fierce, and independent woman. Her only rule in her life is "no man can makes me cry." Sheʼs independent, she has everything th...