21

16 4 0
                                    

Naligo na muna ako. May mga damit pambabae pa rin naman dito sa condo niya. Mga bago, may tag pa nga ang iba. Namili lang ako ng sa tingin ko ay pasok sa style ko.

I’m wearing floral strap dress. Ito lang ang nakita kong gusto kong isuot. Halos lahat ng nandoon ay mga shirt and shorts na. Kahit nandito lang kami sa condo niya, gusto kong maayos pa rin ang suot ko. Iyon nga lang, walang ayos sa mukha dahil walang make up sa kwarto niya. Wala rin akong dala.

Kasalukuyan akong nasa harapan ng malaking salamin niya nang makita ko siyang pumasok dito sa kwarto niya. Bahagyang nakahawi ang buhok, pero hindi katulad noong style niya. Gwapo pa rin talaga kahit anong ayos ng buhok.

“Are you going to take a bath? Hintayin na lang kita sa labas,” sabi ko.

Lumapit siya sa akin. Nagsusuklay ako ng buhok ko. Sa buhok babawi dahil hindi ako nakapag-ayos sa mukha. Though, I am still pretty with my bared face. I look like innocent. Nagkahawig kami lalo ni CA kapag ganitong wala akong make up.

Good thing my lips is naturally red. Hindi na kailangan ng liptint or lipstick. Iyon nga lang, sa mata ay masyadong naging chinita dahil kagigising-gising ko lang. Mas maganda sana kung may eyeliner, para mas madepina ang pagiging singkit ko.

“You can wait here. I have books there, choose what you want to read,” he said then snakes his arms in my stomach.

He also rested his chin in my shoulder then he looks at me in the mirror. I slightly pout my lips.

Magkatitigan lang kami mula sa salamin. Napansin kong basa ang buhok niya. Pawis siguro. Pero kahit gano’n, hindi ko man lang maayos ang pawis sa kaniya. Mabango pa rin kahit yata hindi siya maligo.

“I waited for months to do this with you,” he whispered in my ear.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Idinikit din ang pisngi niya sa pisngi ko. Na para bang hindi siya kuntento sa ayos namin at gusto niyang mas lalong ilapit ang sarili sa akin.

“Everytime we’re together, I badly want to pull you and hugs you tight. I want to kiss you. I want to always hold you,” he added.

He never do that since we labeled us as friends. Kung hahawakan niya man ang kamay ko, sa tuwing aalalayan lang, pero hindi sa romantic na paraan.

Ilang buwan na kaming magkakilala. At ang huling halik namin ay hindi ko rin halos maalala, bukod sa halik nung gabing lasing siya at sinabi kong girlfriend niya na ako.

Ibinaling niya ako sa kaniya ng dahan-dahan. Parang hindi ko kontrolado ang katawan ko. Kusa itong sumunod sa gusto ni Kurzle Nuage. Na para bang siya ang may-ari nito at siya ang kumokontrol dito.

“Now, I can touch you without thinking that I might offend you. I can hug you everytime I want. And...I can kiss you,” he said that while looking into my eyes.

His stare feels like he’s entering my soul. Masyadong malalim ang mga titig niya. Masyadong expressive ang mga mata niya, pero mahirap basahin. Mahirap alamin kung anong tumatakbo sa isip niya.

Ang kamay niya ay malayang humaplos sa pagitan ng leeg at panga ko. Ang init ng hininga niya ay tumatama sa bibig ko dahil sa unti-unti niyang paglapit sa akin.

When his lips almost touch mine, I remember the girl who called last night.

“Wait...” pigil ko.

Inilayo ko ang sarili sa kaniya. Taka niya akong tiningnan.

“May tumawag sa ’yo kagabi. Her number didn’t registered in your phone,” sabi ko.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon