45

23 5 1
                                    

Everything happend so fast. Magkasama kami ngayon ni Kurzle Nuage sa eroplano at pauwi na kami ng Pilipinas. Hindi dahil sa pumayag ako sa gusto niyang umuwi kami, kundi dahil sa natanggap na tawag ni CA nang nasa labas kami ng building nila Doctora.

“I love you, but I won’t let you hide my child from me, baby. I will stay here, or we will go back to the Philippines and we will live together.”

Para akong nabingi sa sinabi niyang iyon. Matagal bago nagsink in sa isip ko iyon, at matagal bago ako nakasagot.

“Go home, Kurzle. I am not pregnant with your child,” tugon ko sa sinabi niya.

Bahagya siyang natawa pero bakas na peke lang iyon at para bang nakakainsulto para sa kaniya ang sinabi ko.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Gusto kong ayain na ang dalawa pero kahit sila ay hindi rin yata makakilos mula sa kinatatayuan nila. Kapag tsismis, active na active sila.

“Really, huh? Four months ago we seperated. Buntis ka na bago ka pa umalis. Bago ka pa nakipaghiwalay sa akin,” mariing sabi niya.

Bahagya kong inawang ang bibig para palabasin ang hangin na kanina pa gustong kumawala. Parang sasabog na ang puso ko.

Mas lalo lang akong nakaramdam ng pagkabalisa nang mas lumapit siya sa akin. Kaunting distansya na lang ang mayroon kaming dalawa. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba.

“Tell me, did you purposely hide your pregnancy from me?” he whispered.

Malumanay naman ang boses niya, walang mababakas na kahit ano roon. Pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Takot ako. Pakiramdam ko ay galit siya sa akin dahil sa ilang buwan kong hindi sinabi sa kaniya na buntis ako.

Iniisip niya kaya ngayon na kung hindi niya ako nahuli rito...ay baka hindi ko talaga sabihin sa kaniya ang sitwasyon ko? Sasabihin ko naman sa kaniya, pero hindi agad agad. Kaso ay ngayon alam niya na. Hindi ko pa alam ang mga dapat kong gawin ngayong alam niya na nga iyon. Wala sa plano ko ito.

“Guys, I think you should talk in private,” sabi ni Coby.

Nang bumaling ako sa kanila ay tinanguan naman ako ni CA na para bang sang-ayon sa sinabi ni Coby. Binalikan ko ng tingin si Kurzle Nuage. Nanatili ang titig niya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

I swallowed hard.

“I... I didn’t. Nandito na ako nang malaman kong b-buntis ako,” mahinang sagot ko sa kaniya.

Umangat ang isang kilay niya. Para bang ayaw akong paniwalaan. Naiiwas ko ang tingin ko sa kaniya.

“Let’s say you knew that you’re pregnant since you got here. Four months na ang lumipas, bakit hindi mo pa rin sinabi? Balak mo talagang itago iyon sa akin?” mariing tanong niya.

Sasagot na sana ako nang marinig namin si CA. May kausap siya sa phone at agad kong nakita ang pagtulo ng luha niya nang balingan ko.

Agad akong lumapit sa kaniya. Napahagulgol siya at nabitawan ang phone. Agad akong umalalay dahil para siyang nanghina at muntik nang bumagsak. Her father is dead on arrival. Iyon ang binalita sa kaniya sa tawag. Kahit ako ay nagulat pero tinatagan ko ang loob ko dahil kailangan ako ng kaibigan ko.

Kaya naman agad kaming nagbook ng flight pauwi sa Pilipinas. We can’t wait for days. Minadali na ang pag-uwi namin. Halos hindi ko na nagawang makapagpaalam nang maayos kila Tita Miz. Ipapaliwanag ko na lang kapag nakauwi na kami.

“Ate,” bungad ni Jom sa akin.

Agad akong yumakap sa kaniya. Siya ang sumundo sa amin sa airport. Dala niya ang kotse niya at lahat kami ay ro’n na sasakay. Nauna nang sumakay si CA at Coby.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon