13

16 5 0
                                    

It’s not a date. Pinaunlakan ko lang naman ang gusto ni Coby. Hindi ko siya napagbigyang ihatid ako kagabi kaya ito ang magiging bayad ko sana sa pagtanggi ko sa kaniya.

He seems nice. Masyado ko lang sigurong na-judge kagabi kaya gano’n na lang din ang naging salitang binitawan ko sa kaniya.

“Hmm. Yeah, you can say that,” sagot ko kay Kurzle Nuage.

Kung date ang tingin niya ro’n, sige date nga. Siya na ang bahalang mag isip kung ano nga ba talaga iyon.

“Enjoy, then.”

He clean our mess. Nilagay niya ang mga iyon sa plastic. Tumulong ako sa pagliligpit niya. Ang ibang hindi nakain ay binalik ko sa isang bakanteng plastic.

After that, he decided to leave. Hindi na nagsabi kung bakit aalis agad o kung may gagawin. Basta ang sabi niya ay aalis na siya, then ’yon nga umalis na siya.

Nag-aayos naman na ako ngayon dahil balak kong dumiretso na sa kung saan man kami magkikita ni Coby. Ayaw kong umuwi pa sa bahay, wala man si Daddy ro’n, ayaw ko pa ring umuwi agad.

I messaged CA. Sinabihan ko siya na may lakad ako ngayon. Baka bigla kasi siyang magyaya. Mula kaninang umaga ay wala pa siyang paramdam sa akin. I wonder what happened. Bakit tahimik yata ang kaibigan ko?

“If Daddy ask you about me, pakisabi na lang na maaga akong umalis. May lakad ako,” bilin ko sa mga empleyado na nandito.

“Okay, Miss Criziel.”

Pati sa guard nagbilin na rin ako. Just in case na hanapin ako ni Daddy. Pero wala naman na ring meeting. Wala rin akong gagawin sa office. Kaya hindi na siguro ako hahanapin no’n.

I brought my car. Nagsend na rin si Coby sa akin ng place kung saan kami magkikita. I told him that I’m on my way now.

Nang makarating ako ay muli ko pa munang tiningnan ang sarili ko sa salamin para masigurong maayos ang itsura ko. It’s not that I want to be pretty in front of Coby. I am really pretty. I just want to check if there’s dirt in my face or what.

“Hey!” agad niyang bungad nang makita ako.

Nakaayos na sa table, may wine na nga na mukhang kalalagay lang. Kanina pa ba siya nandito?

It’s just six thirty in the evening. Masyadong maaga para sa dinner, pero ayos na rin, maagang matatapos.

“Hello. Kanina ka pa?” tanong ko.

Naupo na ako sa tapat niya. I look around and feel the ambiance of this restaurant. Classy and fine. Hindi ko pa yata na-try dito. Ayain ko si CA next time.

“Nope. Medyo sabay lang siguro tayong dumating. Nagpareserved lang ako ng table,” sagot niya naman.

I just nodded.

He called the waiter and get the menu. Hinayaan niya akong mamili ng pagkain na gusto ko. He said it’s his treat. Dinala niya ako sa mamahaling restaurant, kaya hindi na ako nagulat sa presyo ng mga pagkaing nasa menu.

There’s common food, like Filipino food, siguro for those people na hindi sanay sa unfamiliar na pagkain kaya may gano’n sa menu nila.

I just ordered beef steak for main dish. And a coleslaw for the side dish. Coby ordered food for him, too.

“Just wait for fifteen minutes, Ma’am, Sir,” the waiter said.

I nodded at him. Then I look at Coby who’s staring at me, too.

“I really find you hot since last night. You caught my attention,” he said.

I chuckles a bit.

Notre Évasion (Notre Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon