Nag aaral parin si sakuragi sa shohoku subalit malimit na itong pumapasok sa klase, hindi narin madalas na nag uusap ang mga kakaibigan na sobrang kinamiss ng husto ng mga ito."Mito? Akala ko ba ayos lang na hindi natin siya kausapin? Sa twing ginagawa kasi natin ang pag iwas sakanya mas lalo lang siyang lumalayo sa atin." Anas ni takamiya
"Kaya nga natin ginagawa ito diba? Para mas mapabuti siya at para may mapatunayan siya sa kanyang sarili, kahit na mag isa nalang siya ngayon."
"Takshit pre! Miss na miss ko na iyong dati.." anas ni noma na tinatanaw si sakuragi mula sa ibabang bahagi ng building kung saan nag lalakad ito.
As usual, iniiwasan parin siya ng mga taong nakakasalubong nito, naiiling na pinagmasdan na lamang ni mito ang kaibigan.
*
Habang naglalakad si sakuragi sa hallway patungo sa gate palabas ay nakita niyang may tatlong lalaking patungo sa direksyon niya, ngayon lamang niya ang mga ito nakita kaya nagtaka siya kung bakit nandito ang mga ito.
lalagpasan niya na sana ang mga ito ng magsalita ang lalaking nasa gitna. Napakunot ang noo ni sakuragi dahil doon.
"Hanamichi sakuragi? Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ni ryuigi taiga
"Sino ka naman?" Maangas na tanong ni sakuragi, hindi naman nakaimik ang lalaki ngunit nabakas sa mukha ng dalawang kasamahan ang pagka digusto sa ginawa ni sakuragi.
"Ryuigi Taiga ang captain at coach ng shibuya team basketball." Pagpapakilala nito kay sakuragi, ngunit nakapamulsa lamang itong tinignan ni sakuragi.
"Anong kailangan ng isang captain slash coach sa isang tulad ko?" Bored na tanong ni sakuragi, nababagot na rin kasi talaga ito at gusto na nitong matulog nalang..
"May iaalok lang sana akong proposal sayo, tungkol ito sa paglalaro ng basketball--." Tsk! Suminghal si sakuragi sa narinig bago tumalikod.
"Hindi ako interesado sa lintek na basketball na yan, wala na akong pakialam pa sa paglalaro ng basketball kaya kung maaari iba nalang ang pakiusapan niyo." Tila napigtas ang ugat ng dalawang kasamahan sa narinig at agad na hinawakan si sakuragi sa balikat dahilan para mapahinto ang huli.
nainis si sakuragi sa ginawa ng mga ito kaya wala wala siyang pag dadalawang isip na henead bat ang mga ito. Napahiga ang mga ito kahit na mga may malalaking pangangatawan pa ito ay napahiga parin ito dahil sa lakas ng pag head bat ni sakuragi.
"Kung hindi niyo kayang respetuhin ang pakiusap ko, wag kayong magtaka kung bakit yan ang inabot niyo sakin. Kayo ang may kailangan at hindi ako kaya matuto kayong lumugar." Malamig at walang kaemo emosyong saad ni sakuragi na tinignan pa si taiga ng seryoso sa mga mata nito.
"Paumanhin sa kabastusan na ginawa ng dalawa kong kateam, ngunit kung pauulakan mo kami sa pakiusap namin ay may maganda rin naman kaming iooffer sayo." Saad ni taiga sa malumanay na boses.
Ilang segundong pinakatitigan ni sakuragi si taiga at pagkaraan ay napabuntong hininga ng malalim, tumango siya at nagsimula ng mag lakad patungo sa shohoku garden.
nang makarating ang mga ito doon ay naupo si sakuragi sa bench na nandoon at napapikit matapos sumandal.
"Ano ba talaga kailangan mo sakin?" Nakapikit ang matang tanong ni sakuragi kay taiga.
"Gusto mo bang mas lumakas pa at mapag higantihan ang shohoku sa ginawa nila sayo?" Napahinto si sakuragi sa narinig at pagkaraan ay natawa ng mahina.
"Ano bang pinag sasabi mo? Anong pag hihiganti? Kahit kailan ay hindi ko naisip na gawin yan sakanila." Anas ni sakuragi, napangiti ng palihim doon si taiga bago tumango tango.
"Ngunit malaking impact ang iniwan nila sayo, diba? May gusto kang patunayan ngunit hindi mo magagawa iyon kung hindi mo pag hahandaan ang mangyayari." Napaupo ng maayos si sakuragi bago bumuntong hininga ng malalim.
"Look, taiga! Kung ano man ang intensyon na nais mo para sakin ay hindi talaga ako interesado, sinabi ko na kanina na wala na akong pakialam pa sa pag babasketball dba?" Anas ni sakuragi bago tumayo mula sa pagkakaupo
"Pag isipan mo muna ng maigi sakuragi, sayang ang pagkakataon, magaling ka at may mas igagaling pa kung mag eensayo ka kasama namin." Saad ni taiga na nakapag pahinto na naman kay sakuragi.
"Hindi ko alam kung saan mo ba pinag kukuha ang mga nabalitaan mo tungkol sakin, ngunit masaya na ako at wala ng inaalala pang ganyan. Nagagawa ko na ang mga bagay na ginagawa ko pa noon.. kaya okay na ako sa ganito." Saad ni sakuragi bago umalis, ngunit napapaisip din siya sa bagay na iyon.
gustong gusto niyang maglaro at sobrang napamahal na siya sa larong iyon subalit ang larong basketball ay hindi para sakanya.
"Captain, kamusta? Napakiusapan mo na ba siya?" Tanong ng isa sa mga kasama ni taiga.
"Hindi pa, pero may pag asa pa tayong mabago ang inisiip niya.. alam ko na gusto niya parin ang paglalaro ng basketball at iyon ang gagamitin natin laban sa kanya." Anas ni taiga
"Umalis na tayo, ichinoya, taka. Bukas nalang ulit tayo bumalik ulit." Anas nito sa dalawa, tumango ang mga ito bago sumunod sa kanilang captain.
muling napatingin si taka sa dinaanan ni sakuragi kanina bago naglakad pasunod sa dalawa.
Nang makaalis na ang shibuya sa shohoku garden, lumabas naman mula sa malaking puno si rukawa kung saan narinig lahat ang pinag uusapan kanina ni sakuragi at nung captain ng shibuya.
May kung anong ideyang pumasok sa isipan ni rukawa bago dumeretso sa dinaanan ng shibuya. May naiisip kasing paraan si rukawa para muling bumalik si sakuragi sa paglalaro.
*
mula sa loob ng gym kung saan ay kakatapos lang ng practice game ng shoyo at shohoku at katulad nga nung una ay natalo ang shohoku dahil wala ang rebounder ng team nito.
"Hanggang ngayon ba ay itatanggi niyo parin na kailangan niyo talaga si sakuragi sa team niyo? Dahil kahit iyong ibang nakakapanuod sainyo na walang alam sa basketball ay iisa lang din ang nasasa isip, humihina na kayo at hindi na kayo tulad ng dati." Anas ni fujima na kung tutuusin ay nag sasabi lamang ng katotohanan sa mga ito. Ngunit iba ang pagkakaintindi ni mitsui at miyagi doon.
"Minamaliit mo ba ang kakayahan namin ng dahil lang sa sakuragi na iyon? Noong wala siya, nakaya namin iyon ng kahit kami lang.." saad ni mitsui.
"Hindi sa ganon ang pinupunto ko, alam mo iyan mitsui dahil kahit ikaw kanina nung sinubukan mong makipag sabayan kay hanagata sa pag rebound ay naisagaw mo ang "rebound" marahil inaalala mo iyong eksena kung saan nandyan pa si sakuragi na kumukuha non para sainyo." Natameme si mitsui sa sinabi ni fujima, maging si akagi na mas matangkad sa mga kakampi ay aminadong hindi kayang pantayan ang kakaibang pag rerebound ni sakuragi kumpara sakanya.
"Diba dapat matuwa pa kayo dahil madali lang para sainyo na matalo kami--." Napailing si fujima at hanagata sa naging dahilan ni mitsui.
"Hindi ka talaga nakakaintindi sa pinunpunto ko mitsui, sa tingin mo ba mayroon pang mga manlalarong gustong makipag laban sainyo kung ganyan klaseng mindset meron kayo. The f*ck! Ngayon lang ako na dissapoint ng husto sa narinig ko. Nakakadismaya at napunta pa sainyo si sakuragi.. tama nga si taiga, salamat nalang at pinakawalan niyo iyong taong handang gawin ang lahat para sa team niyo. Hayy!" Naiiling na saad ni fujima bago naglakad palayo na sinundan naman ng ilan pang mga kateam nito.
"Mag qu'quit na ako.."
****
(a/n: ito na po iyong pinangako ko pong update, tho. Maiksi lang po siya at medyo panget ng kinalabasan ay sana magustuhan niyo parin..salamat ng marami.)