The Genius revengeChapter 19
Kinabukasan
Nakatipon na ang lahat ng mga players sa loob ng gym, nakaabang at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Mag dadalawang oras na kasi ngunit wala paring nagpapakitang sakuragi.
Nabahala tuloy ang buong team dahil doon..
"Captain, paano kung naisipan niya ng umalis sa team natin?" Tanong ni ichinoya kay taiga na mismong ito rin ay kinakabahan na rin.
"Kilala ko si sakuragi hindi iyon aalis at babalik sa dating school niya, baka nag papahangin lang." Ani taiga
Ilang minuto pa'y dumating si sakuragi na pawis na pawis at hinihingal kaya napatingin silang lahat sakanya. Tumungo si taiga kay sakuragi bago ito inilalayan at binigyan ng tubig.
"Sakuragi? Bakit pawis na pawis ka at hinihingal?" Tanong ni taiga
"Wala, nagjogging lang ako at nakatulog sa court kanina. Hindi ko namalayan ang oras kaya tumakbo ako para makarating dito." Nawala ang kaninang tensyon ng marinig nila ang naging rason ni sakuragi.
Ang inakala nilang aalis na sakuragi ay 'nag eensayo lang pala at nakatulog dala ng pagod.
Napatingin at napatigil si sakuragi sa pag punas sa sariling pawis ng makita niya si Ichigo at ang ilan na kasamahan.
"Sakuragi, sorry nga pala sa nangyari kahapon. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko at muli kong ipinaalala sayo iyong sakit na pinag daanan mo noon sa shohoku." Paumanhin na saad ni ichigo na deretsong nakatingin sa mga mata ni sakuragi.
Napakatingin naman si sakuragi na walang buhay habang unti unti itong tumango at bumuntong hininga ng malalim.
"Wag niyo nang alalahanin pa ang bagay na iyon." Tanging nasabi ni sakuragi bago naglakad at iniwan sila doon para tumungo sa gitna ng court.
"Susubukan ko na pagkatiwalaan kayo, ayokong dumating sa punto na pari parihas tayong mahirapan dahil sakin." Pagpahayag ni sakuragi na hustong kinagulat ng mga ito.
Nagkatinginan pa ang mga ito at pagkaraan ay napangiti ng sobrang lapad bago tinakbo ang distansya nila mula kay sakuragi.
"Wag kang mag alala sakuragi, hindi kami katulad ng dati mong team. Pinapahalagahan namin ang bawat isa dito." Anas ni ichinoya
Ngumisi si sakuragi sa sinabi ni ichinoya bago hinagis ang bola patungo dito. Napahiyaw naman ang mga kasamahan dahil sa ginawa ni sakuragi, sobra ang kagalakan nila ng mga oras na iyon kaya nakapag practice sila ng maayos.
Hindi na rin naging mahirap sakanila ang pakikipag usap kay sakuragi dahil ito na rin mismo ang nakikipag usap sa kanila. Hindi mawari ng iba ang nararamdaman sa mga oras na iyon, hindi kasi nila inaasahan na ganon pala si sakuragi. Masyadong hype ang energy na parang hindi mawari kung totoo ba o nag papanggap lang na masaya.
Pumalakpak si taiga upang makuha ang atensyon ng buong team, hingal na hingal ang mga ito ng matapos ang practice nila.
"Magpahinga na muna kayo at kumain, mamaya nalang ulit natin ipag papatuloy ang pagpapractice." Saad ni taiga sa mga ito, tumango naman ang mga player bago nag alisan at nagtungo palabas ng gym.
Marahil dederetso na muna ang mga ito sa locker area upang makaligo at makapag palit.
"Hindi ko akalain na ganon pala kadaldal si sakuragi," punang saad ni calvin ng hindi ito nakatiis sa pagiging tahimik ng mga kasamahan. Nagpapakiramdam pa kasi ang mga ito kung sino ang babasag ng katahimikan nila.
"Oo, nagulat din ako kanina sa pagiging madaldal niya, pero masaya rin dahil sa ngayon hindi na mahirap para satin na kausapin siya ng hindi naiilang o kinakabahan." Anas namang tugon ni draco