chapter 2

236 19 8
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng paalisin ni coach anzai si sakuragi, nagkaroon din ng practice laban sa shoyo at sobrang nahirapan talaga team shohoku dahil walang taga rebound sa bawat tirang nagmimintis. Si rukawa naman ay unti unti na rin nawawalan ng ganang maglaro sa di malamang dahilan.

Hindi man sila magsalita o mag usap ay alam nila ang dahilan ng pag hina ng kanilang koponan, may kung anong kulang na balance sa kanilang team, ngunit hindi nila ma'admit ang pagkakamaling iyon dahil sa pride na pinapairal nila.

Natalo sila sa practice na kalaban ang shoyo at ryonan kaya mas lalo lang nawalan ng gana makipag laban si rukawa sa susunod na practice game laban sa kainan, nagtataka rin ang team shoyo at ryonan kung bakit wala doon si sakuragi.. si sakuragi pa naman ang pinaka hinihintay nilang makalaban, dahil kahit isa sa mga myembro ng ryonan at shoyo ay may malaking respeto kay sakuragi. Alam kasi nilang malaki ang potential ni sakuragi na baguhan sa basketball, dahil sa oras na mas mahasa ito ay mas magiging magaling ito or maging sandata ng bawat laban.

"Nasaan si sakuragi? Pangalawang beses na naming punta dito ngunit ni isa'y di ko pa siya nakikita?" Tanong ni fujima kay akagi, narinig naman iyon ni mitsui at miyagi na sabay pang nagkatinginan bago umiwas.

"Dalawang linggo na magmula ng patalsikin siya team, may ginawa kasi itong hindi kanais nais sa buong team shohoku." May kung anong dumaan na pait sa sistema ng dalawa na nakikinig.

"Sayang naman, kasi kung pag bubutihan lang niya ang pag eensayo malaki talaga ang potential na mas malamangan tayo non. Malaki ang paghanga ko sa taong iyon, kahit na baguhan ay napakagaling na." Anas ni hanagata na sinang ayunan naman ni fujima.

hindi nakaimik ang tatlo bagkus ay umiwas na lamang nang tingin. Pero hindi parin mawala sa isipan ni fujima ang sinabi ni akagi sa kanya tungkol sa ginawa ni sakuragi.

Habang abalang nag uusap si fujima at akagi ay bigla nalang sila nakarinig ng ingay mula sa labas, nang makita nila kung sino iyon nagulat pa sila.

"Teka? Shibuya high school? Anong ginagawa ng mga iyan dito? Kung hindi ako nag kakamali ay numero uno silang malakas sa tokyo." Nagulat si akagi sa narinig mula kay hanagata.

"Ryuigi Taiga?" Bungad na pagbati ni fujima kay taiga na kumakatawang captain ng shibuya high school.

nakipag kamayan si taiga kay fujima na tila isang mga business man kung makipag usap. Sa tindig pa lamang ni taiga at sa angking nitong kagwapuhan ay  hindi mo talaga maiimagine na isa itong basketball player instead na modelo ng isang mamahaling mga damit.

"Anong ginagawa mo dito, taiga?" Tanong ni fujima na animo'y matagal na nitong kakilala ang kaharap.

"May nakapag sabi sakin na pinatalsik ang binabantayan naming sandata mula sa kanagawa kaya kami napatungo rito." Nagtaka sila akagi sa sinasabi ni taiga kaya lumapit siya dito upang makipag kilala na rin.

"Ryuigi Taiga? Takenori akagi, captain ng shohoku team." Pag papakilala ni akagi kasabay ng paglahad nito ng palad sa harapan ni taiga upang makipag kamay.

Ngunit ang malasuplado nitong tingin ang siya nitong ibinalik sa kamay na nakaangat parin sa ere. Tila napahiya si akagi sa ginawa ni taiga kaya ibinaba niya na lamang ang kamay.

"Pasensya, ngunit sino ka para istorbohin kami sa aming pag uusap?" Tanong ni taiga sa flat na flat na tono. Tila hindi siya interesado sa kaharap.

"Nag pakilala na ako, ako si akagi captain ng shohoku team." Binigyan ng maangas na tingin ni taiga si akagi bago ito hinarap.

"So, ikaw ba iyong nagpatalsik sa taong hinahanap namin." Nagtataka na talaga sila fujima at akagi sa pinag sasabi ng kaharap niya.

"Ano bang sinasabi mo? At sinong pinatalsik?" Takang tanong ni mitsui na hindi na nakapag tiis ay sumabat na din.

"hindi ko akalain na uso pala dito ang pagiging bastos, hindi naman kinakausap ngunit sumasabat." Napahiya si mitsui sa narinig at sa tawa ng mga taong nakarinig doon.

napikon doon si mitsui at papatulan na sana ng pigilan siya ni akagi ng may matalim na titig.

"Ano ba talagang kailangan mo? Tsaka sino ba ang tinutukoy mong pinatalsik ko?" Tanong ni akagi

"tsk! It doesn't matter.. ang mahalaga ngayon ay wala na siya sa team niyo, nag papasalamat pa nga ako dahil pinaalis niyo siya sa team niyo dahil laki talaga ng pag sisisi niyo sa oras na makita niyo siya ulit na mag laro. Laking kawalan siya sa grupo niyo, mahina na nga kayo noon, mas lalo lang kayong hihina kasi wala na ang greatest weapon niyo." Doon nakuha ni akagi, miyagi at mitsui ang tinutukoy ni taiga na pinatalsik.

Si hanamichi SAKURAGI ang tinutukoy nito kanina pa.

" A-anong kinalaman ni sakuragi sa usapan natin?" Tanong ni miyagi, hinead to foot ito ni taiga bago ito nginisihan.

"Si sakuragi, hindi niyo pa lubos nakikita ang nakatago niyang galing sa paglalaro, kaya very thankful ako na pinatalsik niyo na siya. Now its time naman para ako ang kumilos. Kukunin ko si sakuragi bilang isa sa myembro ng shibuya team. At ako mismo ang mag sasabi sa kanya na pag higantihan niya iyong mga taong nag maliit sa kakayahan niya." Nabigla ang mga nakarinig sa deklarasyon ni taiga maging si fujima ay hindi na makapag salita dahil sa narinig.


"Coach taiga, nakita na namin siya." Napalingon silang lahat ng marinig nila ang sigaw ng isang matangkad na lalaki na kasing taas ni hanagata ngunit may pangangatawan naman ni akagi.


"Oh! Speaking of greatest weapon, nahanap na pala siya ng mga kateammates ko. Paalam, hanggang sa muli nating pag haharap, mga talunan." Anas ni taiga na nakapag bigay ng inis sa mga shohoku team. Hindi naman sila nakareact sa sinabi nito ay dahil nasa harapan nila si fujima.


"tsk! Mayabang.. as if naman na lalakas pa ang gunggong na iyon. Isang buwan mahigit na siyang naglalaro pero tanging rebound lang ang nagagawa niya." Himutok ni mitsui na kinabigla ni fujima at hanagata.

ngayon alam na ng dalawa kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit ganon nalang ang mga salitang binitawan ni taiga kanina. Ang kasalukuyang captain at coach ng shibuya high.


"Tama ka, isang buwan mahigit pa lamang siyang nag lalaro pero may improvement naman, hindi tulad ng iba na umaabot pa ng dalawang taon para lamang matuto sa paglalaro ng basketball." Saad ni fujima na ipinaparinig talaga kay mitsui ang mga binitawan na salita.



"Goodluck nalang sa laban natin.. hindi ako magiging mabait sa laban natin kaya pag butihin niyo."



****
(a/n: sorry for the short update! Try ko nalang later if hindi po sumakit ulo ko. Nilalagnat po kasi kaya need mag pahinga po. Salamat sa support guys! Thanks alot)

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon