The genius revengeChapter 14:
*****
"Gagi, seryoso ba capt?" Gulat na bulalas ni daichi, maging si taka at ichinoya na kasama noon sa shohoku ay wala ring ka'ide'ideya na iyon pala ang rason nito kung bakit nag pupumilit itong makuha si sakuragi.
"Late ko nalang din nalaman nung narinig ko si mommy na kausap si daddy." Ani taiga, hindi naman umimik pa ang mga ito..
"Capt. Kailan mo ba balak sabihin kay sakuragi ang totoo?" Tanong ni daichi na naiintriga din sa nalaman
"Hindi ko rin alam kung kailan e, sa ngayon ang gusto ko lang ay matulungan siya sa gusto niyang mangyari ngayon. Wag lang sana umabot sa sukdulan ang kagustuhan niyang gumanti." May himig na lungkot sa boses na anas ni taiga para sa sinasapit ng kapatid.
"Capt. Gets ka naman namin pero anong maitutulong namin para sakanya? Eh ayaw nga kaming kausapin man lang e." Sabi naman ni ichinoya
"Ako na ang bahala, kukumbinsihin ko nalang mamaya tutal doon naman siya umuuwi sa bahay." Saad pang muli ni taiga bago nagpaalam sa mga ito na aalis na.
Napatingin sila sa direksyon ni rukawa na patungo kay sakuragi, blangko rin ang facial expression nito kaya naiiling na lamang na pinag masdan siya ng lima.
"Mukhang tayo pa tuloy ang aadjust sa dalawang to! Ang hirap nilang kausapin.." tila nauubusang pasensyang saad ni taka na kinatawa naman ng apat na narinig siya na nagrereklamo.
"Kingna, hindi ka lang naman ang nag iisa pre, nandito tayong lahat na buong team. Pakiramdam ko tuloy ako iyong nahihiya sa kanila, samantalang tayo naman iyong nauna dito sa shibuya." Laban din na pabalik ni ichinoya.
"Sinabi mo pa,haha!" Tawang paggatong ni tomoya sa mga sinabi ng kateam.
"Hayaan nalang muna natin, si capt. Na raw bahala sa bagay na yan.. subukan nalang natin makipag usap tutal Wala rin naman silang magagawa dahil nalalapit narin naman ang laban sa tokyo e." Anas ni daichi na sinang ayunan ng mga ito.
"Edi saan na Tayo ngayon? Uuwi na ba tayo?" Tanong ni taka sa mga ito
"Oo, hayaan nalang muna natin sila dyan. Tutal mukhang may seryoso din silang pinag uusapan, sa mga itsura palang nila parang ayaw nilang paistorbo." Anas ni tomoya
"O siya, sige! Bukas nalang ulit mga tol, sakto may pupuntahan pa ako na lakad e." Pagpapaalam ni taka
Umalis na ang mga ito sabay sabay kaya ang naiwan nalang sa loob ay si rukawa at sakuragi na seryosong nag uusap.
"Ano ba talagang dahilan mo at naisipan mong lumipat?" Seryosong tanong ni sakuragi na dini'dribble ang bola.
"Tsk! Bat kaba interesado sa bagay na yan ha? Wag mong isipin na ikaw ang dahilan kung bakit ako dito pumasok. Sadyang gusto ko lang talaga." Tila di naniniwala si sakuragi sa mga sinabi ni rukawa dahil sa paraan ng paninitig nito dito.
"Sabagay, ano naman pakialam ko sa buhay mo diba? Siya nga pala, nasabi sakin ni mito kanina na si mitsui na ang bagong captain ng shohoku." Wala namang naging reaksyon doon si rukawa, kundi blangko lamang na nakatitig sa kung saan.
Ilang minuto rin itong nanahimik kaya naiiling na lamang si sakuragi at hindi na lamang ito inintindi pa, hindi rin naman kasi sumagot ng mag bahagi siya sa mga nalaman.
"Sakuragi, hindi kaba nahihiwagaan?" Biglaang tanong ni rukawa kay sakuragi na napakunot ang noo.
"Saan?" Sabay pashoot nito mula sa gitna ng court. Pumasok naman ang bola kaya kumuha ito ulit ng bola mula sa lagayan.
"Kung bakit pinipilit ka ng capt. nila na dito mag aral at maglaro." Napaisip saglit si sakuragi doon bago nailing.
"Isa lang naman ang alam ko kaya nila ako kinukulit e. Iyon ay dahil may itinatago 'daw' akong galing na hindi ko pa nailalabas, well, sila nag sabi non sakin." Anas ni sakuragi, muling napaisip si rukawa sa bagay na iyon.
"Naniniwala kaba na iyon lang ang dahilan ng captain nila?" Tanong pang muli ni rukawa
"Ano ba talaga ang gusto mong palabasin sa mga tanong mo? Bat hindi mo na kaya ako diretsuhin." Anas ni sakuragi na tinigil na ang kakadribble, bago hinarap si rukawa.
"Tsk! Gunggong, wala akong malalim na paliwanag sa mga tanong ko sayo, kaya nga ako nag tatanong sayo para malaman ko kung ano ang opinyon mo sa mga tinatanong ko." Rason ni rukawa na pasarcastic, ngumisi naman si sakuragi bago nailing.
"Pwes, wala akong maisip na ibang malalim na dahilan sa mga tanong mo, ang gusto ko lang naman ay maipaghigantihan ang mga nang maliit sakin, the rest, wala na akong pakialam." Sagot ni sakuragi na kinairap nalang ni rukawa.
"Mag iisang buwan kana dito pero ni isa sa mga kateam natin wala ka pang nakakausap na matino, bukod kay taiga." Anas ni rukawa na biglaang naisip ang bagay na iyon, dahil kahit siya rin naman ay ganon din pero hindi parin talaga siya mapakali sa kinikilos ni sakuragi.
"ayaw ko lang mag karoon ng koneksyon sa kahit na sino, mahirap na magtiwala tapos ano? Gagaguhin ka rin pagkatalikod mo." Malamig ang boses na saad ni sakuragi..
"Gets ko naman ang pinupunto mo, ang Kaso.. hindi pang habang buhay ay magiging ganyan ang pakikitungo mo sa kanila, sakuragi.. ipapaalala ko lang sayo, nalalapit na ang bawat laban sa tokyo kaya kung hindi ka makikisama sa kanila, sila ang mahihirapan sayo." Mahabang lintanya ni rukawa na nakapag patahimik kay sakuragi at hindi na lamang ito nag komento pa.
Napaisip din Naman siya sa mga sinabi ni rukawa, at ilang beses niya na ring sinubukang kombinsihin ang sarili na makipag usap sa mga kasamahan. Kaso napangungunahan siya ng pagkawalang gana sa pakikipag usap.
"Susubukan ko." Yan na lamang ang nasabi ni sakuragi bago muling nag ensayo, napabuntong hininga na lamang si rukawa sa kausap bago tumalikod at naglakad sa kabilang side at doon nag ensayo.
Dumako naman tayo sa shohoku high!
Mahigpit na binabantayan ni mitsui ang bawat galaw ng mga kateam Niya habang nag eensayo ang mga ito. Na kahit ang dati pa nitong kasamahan ay hindi nakatakas sa pagiging mahigpit nitong captain.
"Mitsui, pagpahingahin mo naman sila. Kanina pa silang umaga na nag eensayo." Pagpigil ni ayako g sumigaw si mitsui dahil nakitang huminto sa pag takbo ang isang baguhan sa team nila.
"Ayako, alam ko ang ginagawa ko. Para na rin naman sa kanila ito e. Kung hindi ko hihigpitan ang pag kanila, baka maliitin tayo ng ibang manlalaro dahil ang hihina nila." Pag rarason ni mitsui na ikinailing naman ni ayako.
"Hanggang ngayon parin ba siya parin ang dahilan kung bakit ganyan ka? Grabe ka naman, mahigit isang buwan na magmula ng umalis siya ah!" Anas ni ayako na nakapag painit ng ulo ni mitsui.
"SHUT THE HELL UP! AYAKO!!" Sigaw ni mitsui.. na trigger Naman bigla si miyagi sa pag sigaw ni mitsui kay ayako kaya nilapitan Niya ito at naitulak.
"MIYAGI!!!" Pagsitang sigaw ni ayako ng malakas itong tinulak ni miyagi.
"Gago ka, sumusobra kana ha! Okay lang na pag higpitan mo kami pero ang sigawan si ayako sa harapan namin ay hindi pwede, gago ka, babae parin siya." Giit na saad ni miyagi na gigil na gigil
"Mas sumusobra na kayo, sumusobra na kayo sa pangingialam niyo sa bawat ginagawa ko. Ako na ang captain ng basketball team na ito, whether you like it or not, ako na ang masusunod sa patakaran na gagawin ko, kung hindi niyo gusto ang ginagawa ko. Umalis kayo." Sigaw ni mitsui na nakapag painit lalo ng ulo ni miyagi..
"Gago, hindi na ako magtataka kung bakit halos lahat satin na nandito ayaw na ayaw sayo. Nilalamon kana kasi ng galit at inggit sa katawan mo. Kung mas tutuusin, di hamak na mas magaling pa sayo si sakuragi." Galit na bulyaw ni miyagi pabalik bago hinila paalis si ayako.
At dahil sa nangyari mas lumalala lang lalo ang higwaan ng shohoku dahil sa nangyari, mukhang hindi na maibabalik sa dati ang lahat dahil sa ugali na meron si mitsui.
