chapter 7

165 14 5
                                    


Sa hallway kung saan naglalakad si sakuragi, nagkasalubungan sila ng kanyang mga kaibigan na sila mito at ang tatlo pa nitong kasama, subalit hindi naisip ni sakuragi na hintuan ang mga ito dahil may hinanakit parin si sakuragi sa mga kaibigan dahil sa nangyari, hindi niya kasi maintindihan kung bakit nagawa iyon sakanya ng mga kaibigan niya, gusto niya tanungin ang mga ito subalit ayaw niya namang pangunahan kung ano ang nararamdaman niya.

Napansin niya ang paghe'hesitate na kausapin siya ng mga ito pero wala talaga siyang gana sa ngayon para makipag talo, nagpatuloy na lamang siya sa pag lalakad palagpas sa mga ito, palabas na kasi siya ng gate dahil maaga siyang uuwi, wala rin naman siyang ibang pupuntahan kundi ang tirahan niya. Bukod sa tinatamad siyang pumasok sa klase niya ay iniiwasan niya ring makasalubong ang mga dayong nangungulit sa kanya.

Muli na namang sumagi sa isipan ni sakuragi ang mga kaibigan..

mag mula kasi ng iwasan niya ang mga kaibigan niya ay nawalan na rin ng gana si sakuragi na tumambay sa dati nilang tambayan, hindi sa takot na baka magkasalubong sila doon o magkita man, yun ay dahil ayaw niya na mag isip pa ng mga bagay na nagpapabigat lang ng damdamin niya.

Nasanay na siyang mag isa noon palang, kahit may mga kaibigan pa siya noon na masasandalan ay nandoon parin iyong iisipin mong mag isa ka nalang talaga sa buhay at hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila para sayo.

napabuntong hininga ng malalim si sakuragi habang nakapamulsang tinatahak ang gilid ng kalsada paalis, ilang beses na sumasagi sa isip niya ang paglalaro ng basketball dahil sa tatlong dumadayo para lang kunin ako bilang myembro nila, hindi niya intensyong bastusin ang mga ito at itulak palayo, masyado lang kasi siyang nahirapang intindihin at isa isahin iyong mga nangyari sakanya.

Hindi na nga siya pinaniwalaan ng coach na nirerespeto niya, maging si haruko na inaasahan niyang maniniwala sa kanya ay hindi rin naman ako tinulungan, instead ay nag bulag bulagan lamang ito at hindi man lang nagawang hingin iyong dahilan ko kung bat nangyari ang mga iyon.

Napahawak na lamang si sakuragi sa ulo niya dala ng frustration, hanggang sa pinaka dulo kung saan papaliko na siya patungo sa bahay nila, napahinto siya bigla dahil nakita niya na naman iyong tatlong lalaki na panay ang punta sa school.

"Ang kulit talaga ng mga to! Hanggang dito ba naman sinundan nila ako?" inis na saad ni sakuragi sa sarili, tatalikod na sana siya paalis upang makaiwas na rin sa mga ito.. ngunit napatigil siyang muli ng unti unting lumabas mula sa pinag tataguan sila tetsuo.

'anak ng! Ano na naman ba balak ng mga siraulong iyon?' Tanong ni sakuragi sa kanyang sarili

kainis! Imbes na payapa ang araw ko mukhang hindi ah! Ano ba to! Tsk!

[MITSUI POV.]

'Bwesit! Nakakainis talaga, bat ba kamping kampi sila sa walang kwentang lalaki na yon? Ano bang meron sa sakuragi na iyon at gustong gusto nilang kampihan?' Galit na tanong ni mitsui sa kanyang isipan, galit na galit ang expression ng buong mukha nito at halo hindi na maipinta..

dali dali itong naglalakad, kaya kada may mga taong nakakasalubong siya ay natatakot na umiiwas para lamang maiwasan ito, halata kasi talaga sa buong mukha ni mitsui na hindi talaga maganda ang araw niya ngayon. Tinungo niya ang hide out nila tetsuo, wala siyang choice kundi dito muli kumapit at nag babakasaling mahingan niya uli ng pabor sa huling pagkakataon.

lulunukin niya ang pride niya alang alang sa nararamdaman niyang inis kay sakuragi, nasa harapan na siya ng pintuan ng hide out at agad niya na itong binuksan ng walang katok katok. Saktong naabutan niya rin ang mga ito na nagkakasiyahan, maging si tetsuo na nabigla sa presensya niya ay napatigil sa ginagawang pag inom.

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon