Chapter 24: The genius Revenge
Pagkatapos ng maikling break ay muling pumito ang referee, hudyat na magsisimula na ang second quarter ng laro. Ramdam ang tensyon sa court — kahit practice game lang ito, parang championship na ang datingan ng bawat isa.
"Sa totoong laban hindi lang ganito ang pag dadaanan namin, mas mahirap at mas malakas ang makakalaban namin. Hindi pwedeng maging kampante." - Saad sa isipan ni taiga habang pinunuod ang koponan ni sakuragi.
Samantalang sa kabilang koponan naman..
Tahimik lang si Sakuragi habang tinatali muli ang buhok niya. Medyo pawis na pero kalmado parin ang ekspresyon. Nakaupo si Rukawa sa gilid nito, habang hawak ang energy drink habang nakatingin lang dito.
“Tsk. Hindi ka pa rin mapakali kahit second quarter pa lang,” ani Rukawa bago uminom.
“Hindi ako sanay tumambay habang nakahawak silang lahat sa pag asang matatalo nila tayo. Hindi ako papayag sa ilusyong iyon,” malamig na tugon ni Sakuragi bago siya tumayo at naglakad papunta sa gitna ng court.
Ngumisi si Rukawa. “Figures.” sa mga salitang binitawan niya'y nakampante na siyang hindi lang iisa ang layunin nilang dalawa ni sakuragi.
Pagbalik sa court, si Taka na ulit ang nag-inbound ng bola. Napatingin siya kay Sakuragi na tahimik lang pero kita sa mga mata ang determinasyon.
"Nandito na naman si sakuragi, alam ko may binabalak na naman ito kaya siya ganito kaintense. Sabagay, oras na rin siguro para ipakita ang totoong dahilan ng pagkagusto ko sa pagkatao nito." Ani ni taka sa sariling isipan habang nakatingin kay sakuragi na seryoso lamang.
“Pre, ikaw agad,” sabi ni Taka bago ipinasa ang bola sa kanya.
Pagkakuha ng bola ni Sakuragi ay naramdaman agad ni Taiga ang bigat ng sitwasyon. Pareho silang seryoso, walang ngiti, walang biruan. Pero alam nilang may kakaibang mangyayari.
Mabilis na nagbaba ng bola si Sakuragi, sabay iwas kay Ichinoya na sumubok ng steal. Subalit nagtagumpay na makalusot si sakuragi at diretsong naman siyang sinalubong ni Taiga.
“Akala mo makakadaan ka lang basta?” ani Taiga, nakataas ang isang kamay.
Hindi sumagot si Sakuragi, bagkus ay isang malakas na cross-step fake ang ginawa niya pakanan, sabay mabilis na spin pa-kaliwa. Napaatras si Taiga kaya mabilis na bumitaw si Sakuragi ng mid-range shot.
Tumama ang bola sa board at pumasok.
Team A – 25 | Team B – 23
“Nice one!” sigaw ni Ichigo habang pumalakpak.
“Ganon ka pa rin talaga, walang ka-miss miss,” ani Taiga na ngumisi kahit pawis na pawis.
“Hindi ko ugaling magpabaya,” malamig na sagot ni Sakuragi.
Muling bumaba ang bola sa Team B. Si Ichinoya naman ang nagdala, mabilis nitong iniwasan si Taka at ipinasa kay Calvin na nakabantay si Draco. Pero halatang pagod na si Draco, bumagal ang kilos.
“Draco! Focus!” sigaw ni Taka, pero huli na — nakalusot si Calvin at nag-layup.
Team A – 25 | Team B – 25
Muling nahabol ng Team B ang score nila sakuragi..
Napa-iling si Draco at agad na nag-sorry. “My bad...”
Tumahimik lang si Sakuragi, pero ramdam ng lahat ang tingin nito — hindi galit, pero puno ng pressure na lalong nagbigay tension.
“Hindi mo kailangang magsorry,” ani Sakuragi habang kumukuha ng bola sa referee. “Bumawi ka sa susunod.”
