Kinabukasanpagkapasok na pagkapasok pa lamang sa gate ni sakuragi, nakaabang na ang mga kaibigan niya para hintayin siya at makausap, hindi niya sana balak na kausapin ang mga ito pero hinarangan na siya.
"Ano na naman kailangan niyo sakin?" Malamig at walang kaemo emosyong tanong ni sakuragi sa mga ito.
"Nabalitaan namin ang nangyari kahapon, nandito lang kami para kamustahin ka!" Napataas ang kilay si sakuragi sa narinig mula kay mito, pagak siyang natawa at pagkaraan ay tumingin ng deretso sa mga mata nito.
"Kamustahin? Para saan? Di'ba nga hindi na tayo magkakaibigan? Bakit niyo kakamustahin iyong taong pinabayaan niyo?" Sarkastikong saad ni sakuragi dito, napaiwas nang tingin si mito at hindi nakapag salita.
"kaya nga kami nandito para sana humingi ng kapatawaran sa nagawa namin. Oo nung umpisa, mas minabuti naming gawin iyon kasi mukhang iyon ang nakakabuti para sa lahat, pero habang tumatagal nakikita ko na mas nagsu'suffer ka habang wala kami." Nailing si sakuragi sa narinig at hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Anong nagsa'suffer na pinagsasabi mo? Tsaka makakabuti para sa lahat? Ang alin? Ang pag iwan niyo sakin? Oo, naging mabuti nga iyong araw ko nung wala kayo e." Natigilan ang apat sa narinig at pagkaraan ay napangiti ng malungkot.
"Kung ganon tama rin pala ang naging desisyon namin, na kung iiwan ka namin nang tuluyan magiging maayos ang lahat sayo." Doon na napakunot ang noo ni sakuragi, hindi niya na talaga maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nitong iparating sakin kanina pa.
"Ano ibig mong sabihin?" Tanong ni sakuragi, bumuntong hininga naman si mito bago kiming ngumiti sa harapan ni sakuragi.
"Bago mangyari ang pag aaway niyo sa loob ng gym, kinausap kami ni mitsui at nakiusap na iwan kana namin at wag na wag kana naming kakausapin. Iyon lang daw kasi ang nakikita niya na paraan para mapabuti ka sa pag lalaro kapag wala kaming mga kaibigan mong nagpapagulo sayo lalo." Natigagal si sakuragi sa narinig mula kay mito, at the same time ay nagngingit ngit sa inis dahil si mitsui na naman pala ang may kasalanan kung bakit lahat ng taong malalapit sa kanya ay lumalayo.
"Bat sinunod niyo parin? Alam niyong kayo nalang ang kaibigan na meron ako, tapos basta basta nalang niyo akong iiwasan dahil lang sa sinabi ng gagong iyon. Mito, bata palang tayo magkaibigan na tayo, sana nung umpisa palang, sakin kana agad lumapit ng malinawan ka at ako mismo ang magsasabi niyan sayo. Kaso hindi e, hindi naman kayo naging sagabal para sakin." Tsk! Tang*** kahapon pa ako nalalapitan ng badmood ah? Baka araw arawin namin? Napapagod din ako!
"pasensya na, hindi namin naisip iyong sitwasyon mo bago ka namin iniwasan." Napasinghal nalang si sakuragi bago nailang
"nababadtrip na talaga ako sa mitsui na yan, pag ako nainis masasample'lan ko na talaga ang siraulong iyon." Asar na saad ni sakuragi sa sarili.
"Tsk! Ano pa nga ba magagawa ko? Alangan namang hindi ko kayo patawarin, eh! Humihingi na kayo ng tawad salon." Saad ni sakuragi bago ti'nap sa braso si mito. Maluha luha namang nilundagan ng tatlo si sakuragi at mito kaya pinag titinginan na sila ngayon ng mga estudyanteng naglalakad papasok ng gate.
"Tsk! Aray, umalis ka nga sa ibabaw namin Taba.. " Singhal ni sakuragi, sinimangutan naman siya ni takamiya.
"Tara na nga! Ang laki niyong harang sa daan." Sabay tawa ng malakas ni sakuragi. Naiiling naman si mito at napangiti rin dahil mukhang bumalik na ang dating sakuragi na kaibigan nila.
Habang tinatahak ng mga ito ang hallway papasok nakita rin nila si mitsui na papalabas mula sa locker room ng basketball player. Nagkatinginan pa sila ni sakuragi kaya medyo nakaramdam ng Hindi maganda si mito dahil sa sama nang tingin ni sakuragi dito.
"Oh! Mukhang close na ulit kayo ah!" Ngising pagpuna ni mitsui
Ngumisi rin si sakuragi sa narinig mula kay mitsui, napapamura ito sa galit dahil sa nalaman din niya kaninang dahilan kung bakit siya iniwan ng mga kaibigan.
"hahaha, mukhang may dudugo nga rin na nguso ngayon e." Anas ni sakuragi na tinignan pa si mitsui ng maangas.
Hindi naman nag patinag si mitsui, Bagkus ay nakipag titigan din ito kay sakuragi.
Madami na ang nakapansin na mga estudyante na dumadaan kaya napapahinto ang mga ito at nakikichismis sa mga nangyayari. Saktong dumating din si rukawa at ang grupo ng shohoku.
"Ano na namang kaguluhan to?" Buong buo ang boses na tanong ni akagi
"Tsk! Inaangasan ako e, kaya inangasan ko rin." Sagot ni sakuragi na dinanggil pa ang braso ni mitsui.
"Tumigil kana nga sakuragi, maghahanap ka na naman ba nang gulo? Pwes, wag dito." Saad pa rin ni akagi na ikinailing ni sakuragi.
"Iba talaga kapag iba ang pinapanigan no? Kahit hindi naman siya ang totoong biktima, para sainyo siya pa rin ang kawawa. Buti nalang talaga inalis niyo na ako, may pagkakataon na ako ngayong ipakita sainyo kung sinong sakuragi ang sinayang niyo." Tumingin si sakuragi sa mga mata ni akagi bago ito pinagbantaan na gamit lamang ang tingin.
"Ako at ang grupo ko na bago ang magpapabagsak sainyo, at sisiguraduhin ko na pag sisisihan niyo yon." Saad ni sakuragi bago tumingin kay mitsui ng nakangisi lamang na mukhang Hindi rin alintana ang mga pinagsasabi ni sakuragi.
"Sa tingin mo ba, matatakot kami sayo?" Natatawang saad ni mitsui kay sakuragi, ngumisi si sakuragi sa sinaad nito bago unti unting natawa.
"HAHAHAHAHA! mitsui, kaya mo nga ako pinatalsik kasi natatakot ka sakin diba? Wag mo na kasing ikala kasi kitang kita naman ang ebidensya." Saad ni sakuragi na harap harapang nginisihan si mitsui.
"Umalis kana lang sakuragi, wag kana mag hanap pa ng gulo dito." Mahinahon na pakiusap ni ayako.
"Oo naman, aalis naman talaga ako. Alangan naman mag stay ako sa lugar kung saan galit iyong mga tao sa presensya ko. Tutal, nakikiusap ka naman ng maayos, sige. Aalis na ako." Tatalikod na sana si sakuragi subalit nakita niya ang tatlong lalaki na kanina niya pa hinihintay.
"Oh! By the way, sa Shibuya high na pala ako ngayon magpapatuloy ng basketball.. Kaya salamat sa mga oras na nakasama ko kayo, galing niyo ha?" Saad ni sakuragi bago naglakad paalis sa napakaraming taong nakikichismis sa kanila.
