"Hey! Ano bang nangyayari sayo, sissy? Anong naisipan mo at iyong lalaki na iyon pa ang napagtripan mo?" Tanong ni Kira sa kaibigan na si ayesha, napatingin si ayesha sa kaibigan na tila nag mamaang maangan.
"Ha? Anong pinag titripan? Pano niyo nasabing pinag titripan ko siya?" Tanong ni ayesha, muli na namang na space out si ayesha dahil sa alaalang narinig kanina kay sakuragi.
"Don't tell me, totoong nagkagusto kana doon? Dati rati naman pag nakikita natin siya wala kang pakialam dahil di mo tipo ang mga kagaya niya, why suddenly change your mind?" Tanong Naman ni Tammy, tumango si Kira ng palihim kay Tammy.. gusto kasi ni Kira na magtanong ng magtanong si Tammy dito.
"Hindi ko rin alam, basta pagnakikita ko siya iba iyong nararamdaman ko.. pakiramdam ko nawawala hiya ko pag siya iyong nakukulit ko, kahit nga mapahiya ako ay ayos lang sakin.." napanganga ang dalawa sa sinabi ng kanilang kaibigan.
"Pambihira ka sissy, di ko alam kung paghanga pa ba yan, pagmamahal na ba o sadyang tanga ka lang talaga." Ani kira natawa naman si Tammy bago nailing.
"Para namang hindi mo naranasang magkagusto ah!" Laban ni ayesha pabalik sa kaibigan.
"Oo, ranas na ranas ko pero may kahihiyan pa din ako, di naman sila kawalan kung sakaling ayawan nila ako. Duh! Maganda kaya ako." Sabay flip hair nito, natawa ang dalawa sa inasta ng kaibigan.
"Kir, hayaan mo nalang ako, okay? Hinahangaan ko siya, oo. Pero hanggang doon lang iyon, wala akong balak mainlove sa kanya." Napairap si kira ng biglang maalala kung bakit ayaw nitong mainlove
"Wag mong sabihin na hinihintay mo parin iyong lalaking di ka naman priority tas bigla ka nalang iniwan." Inis na pinalo ni ayesha si kira sa braso dahilan para mapangiwi ito sa sakit.
"Tsk! Wala na akong pakialam pa sa taong iyon. Wag mo nang subukan na banggitin pa ang pangalan non." Mabilis Naman itong naglakad kaya mabilis naman itong hinabol ng dalawa.
Sa kabila naman kung saan hinabol ni taiga si sakuragi napapunta sa rooftop, pinigilan ni taiga si sakuragi sa pag lalakad kaya inis na tumingin sa kanya si sakuragi.
"Tsk! Bakit ba?" Asik ni sakuragi na iwinaksi pa ang kamay ni taiga sa braso niya, inis na napatingin si taiga sa ginawa nito.
"Narinig ko ang mga sinabi mo kanina, sakuragi kahit na ayaw mo doon sa babae sana inisip mo parin na masasaktan siya sa oras na marinig niya iyong sinabi mo." Anito kay sakuragi, naging blangko naman ang itsura ni sakuragi dahil sa pangingialam ni taiga.
"Tama lang iyon ng magtigil na siya sa paglapit sakin. Ayoko sa kanila, nakakairita sila.." ramdam ni taiga ang pagkainis ni sakuragi ng sabihin nito iyon.
Nagulat pa si taiga nang makita nito ang galit sa mga mata nito, hindi niya kasi inaasahan na ganito na pala ang galit niya sa lahat ng babae ng dahil lang sa nangyari sakanya kay haruko.
"Sakuragi, kahit na.. sana inisip mo na muna ang sasabihin mo bago ka nag salita ng ganon. Hindi ka naman ganyan dati e." Mas lalong nadepina ang galit sa mukha ni sakuragi, nagulat pa si taiga ng kwelyuhan siya nito.
Nag sidatingan naman ang ilang member ng basketball at pilit silang pinag hihiwalay subalit malakas talaga si sakuragi. Nagkakatinginan parin ang dalawa sa isa't isa.
"Yun na nga e, alam mong hindi ako ganito dati.. DATI, kaya kung ano man ang nakikita mo sakin ngayon, wag mo nang subukan na baguhin pa iyon, mabibigo ka lang." Malakas na binitawan ni sakuragi pagtulak si taiga, kaya halos maout balance ito sa pagkakatayo. Buti nalang nasa likod si taka at ichinoya na umaalalay.
"Sakuragi, sumusobra kana.. wala kana sa lugar para gawin iyan, captain mo parin iyang kinakalaban mo." Anas ni ichinoya na seryosong tinignan si sakuragi.