The GENIUS revengeChapter 10
******
"Tol? Seryoso ka ba talaga? Pwede mo pa namang pag isipan ng mabuti bago ka pumayag sa gusto niya diba?" Pagpipigil ni mito kay sakuragi ng ilang minuto itong nag stay sa rooftop bago bumaba.
"Ano ba pinag sasabi mo? Sinabi ko na nga kanina diba? Nahanda naman akong sumama dahil gusto ko rin talagang mas matuto pa. Kung iniisip mo naman na sila mitsui ang dahilan ng padalos dalos na desisyon ko." Huminto sa pagsasalita si sakuragi bago napatingin kay mito ng seryoso.
"Sila naman talaga ang dahilan kung bakit babaguhin ko ang sarili ko, gusto kong baguhin dahil ginusto ko rin to! Tsaka wag kana masyadong mag alala pa sakin, alam ko naman na kaya ka nag kakaganyan dahil ayaw mong mag isa ako." Anas ni sakuragi na tinap pa sa balikat si mito.
"Ano pa nga ba magagawa ko? Sige na, tutulungan ka na lang namin na mag impake. Haynaku! Kakaayos palang nating magbabarkada, aalis kana agad." Saad pang muli ni mito nailing naman si sakuragi bago mahinang natawa.
Pagkababa nila, agad silang nagtungo sa classroom nila para kunin ang ilang gamit na naiwan nila.
"Sakuragi? Totoo bang aalis ka?" Napatingin si sakuragi sa likuran niya ng makita niyang si haruko iyon.
Automatic na tumibok sa kaba ang puso ni sakuragi dahil nakita niya na naman si haruko, bumuga ng marahang hininga si sakuragi bago tinignan si haruko ng walang emosyon.
"May dahilan pa ba ako para mag stay dito? Lahat naman kayo ipinagtatabuyan na ako diba? Alam ko rin namang isa ka ron sa may ayaw na nandito ako." Ngising Saad ni sakuragi na ikinayuko ng bahagya ni haruko.
Tila nakaramdam ng pagsisisi si sakuragi ng makita kung gaano naapektuhan si haruko sa sinabi niya. Mag sasalita pa sana si sakuragi para bawiin ang mga salitang nasabi niya.
Kaso.. Walang mas sasakit pa sa sinabi ni haruko sakanya.
Nang tumingala si haruko mula sa pagkakayuko, may mga luhang pumapatak sa mata nito kaya nagtaka si sakuragi doon.
"T-tama ka sakuragi, g-gusto kong umalis ka rito, gusto ko na wala ka rito dahil ang hina hina mo, kahit anong gawin na ensayo sayo hindi ka talaga nagiimproved, kaya mas maganda kung aalis ka na.. And do us a favor sakuragi, wag kanang bumalik pa dito. Mas pagaling mo pa sarili mo sa paglalaro para hindi ka na maging pabigat sa mga kasamahan mo."
Dumagundong ng pagkabilis bilis ang puso ni sakuragi ng marinig iyon mula kay haruko, hindi niya maintindihan pero sobrang naninikip ang puso niya sa sakit. Hindi niya namalayang may luha na rin palang pumapatak sa mata niya.
"Nung una palang naman talaga, napipilitan lang akong pakisamahan ka dahil malaki ang maitutulong mo sa team, kaso hindi naging ganon ang gusto kong mangyari, mas nahirapang umangat ang team nang dahil din sayo. Kaya mas magandang nag desisyon kanang umalis, kasi.. H-hindi ka na namin kailangan." Umiiyak na saad ni sakuragi na mata sa matang sinasabi iyon, napatiim bagang si sakuragi sa sinabi nito.
Nakita ni mito kung gaano naapektuhan ang kaibigan niya sa sinabi ni haruko kaya agad niyang hinawakan sa braso si sakuragi, alam niya namang hindi magagawang manakit ni sakuragi ng babae pero mas mabuting ilayo na lang ito kay haruko.
"G-ganyan kabang talaga haruko? Pinapaasa mo lahat ng lalaking mapapalapit sayo, alam mo naman na umpisa palang gusto na kita diba? Pero bakit mo naman ako sinasaktan ng ganito, hindi ako magaling mag laro ng kahit na anong sports pero dahil sayo ginawa ko iyon para mapansin mo." Lumuluhang saad ni sakuragi bago tinignan si haruko ng walang gana.
"Ito na ba iyong magiging dahilan ko para kamuhian ko kayong lahat na babae, alam mo haruko, hindi lang ikaw ang gumawa nito sakin pero ikaw iyong pinakamasakit na dumating sakin." Agad tumalikod si sakuragi ng sabihin ang mga iyon kay haruko, tinignan saglit ni mito si haruko bago umiling.
"Sana di mo nalang sa kanya sinabi ang mga iyon, alam mo namang umaasa iyon na kahit papano nandyan ka para sakanya. Kaso, mukhang pinatunayan mo rin na iisa lang kayong lahat." Saad ni mito na walang emosyon bago umalis at sumunod kay sakuragi.
Naiwan si haruko na umiiyak habang tinatanaw si sakuragi na papalayo sa kanyang paningin.
"Salamat dahil ginawa mo iyong pakiusap ko sayo." Umiiling na tinignan ni haruko si taiga na lumabas mula sa pinagtataguan nito.
"Sinaktan ko si sakuragi, at galit na galit na siya sakin ngayon." Umiiyak na Saad ni haruko
"Wag ka nang mag alala pa, ako na bahalang mag sabi sakanya ng katotohanan sa oras na lumakas na siya." Hindi nakaimik si haruko sa sinabi ni taiga
"Ikaw na ang bahala sakanya, ilabas mo iyong tunay niyang galing, noon pa naman magaling na talaga siya.. Inuunahan lang talaga ng kayabangan." Natatawang pagkekwento ni haruko, natawa rin ng mahina si taiga bago tumango kay haruko.
"Sige, paalam na." Pag papaalam ni taiga, tumango na lamang si haruko bago tinignan iyong dinaanan ni sakuragi kanina.
'Sa muli nating pagkikita sakuragi, patawad!'
MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO
Mula sa Shibuya high, mas naging walang pakialam si sakuragi sa paligid nito, na kahit ang mas matagal ng naglalaro sa Shibuya ay natatakot dito dahil hindi nito kayang pagsabihan.
"Nasaan na naman ba 'yang si sakuragi? Late na naman?" Galit na sigaw ni tomoya, isang senior na kasali din sa team Shibuya.
"Tomoya, pag pasensyahan na lang natin, naninibago palang kasi iyong tao." Pagsingit ni taiga
"Yan ka na naman taiga eh! Palagi mo kasing hinahayaan kaya lumalaki ang ulo, akala niya ba siya ang masusunod sa atin dito?" Galit paring Anas ni tomoya
Na saktong papasok naman si sakuragi na ngayon at may mahaba ng buhok, na aabot sa balikat nito kaya tinatali nalang nito iyon.
"Oh! Andyan na pala siya e. Kalmahan mo lang, ginagawa niya pa rin naman iyong trabaho niya kahit na late siya e." Naiiling na tumalikod si tomoya dahil sa pag tatanggol na naman ni taiga kay sakuragi.
"Iwan ko nalang sayo, cap! Lagi ka nalang ganyan pag dating kay sakuragi, ano ba kasing meron sa kanya at lagi mo siyang pinag tatanggol O pinag tatakpan?" Tanong ni daichi, ngumiti naman si taiga sa sinabi nito.
"Soon, malalaman niyo rin kung bakit ganito nalang ang pagpupursige ko sa batang yan. Hintayin niyo nalang."